Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto
-
Basahin:Sa huling miting natuto ka tungkol sa pag-unawa at pagtugon sa mga inaasahan. Sa miting ngayon matututo ka ng mga skill sa pag-aaral na tutulong sa iyo na magtagumpay sa iyong training program. Mapapatatag mo ang iyong mga skill sa pag-aaral sa paggawa ng mga sumusunod:
-
Pumili ng lugar at oras para sa pag-aaral.
-
Tandaan ang natutuhan mo.
-
Magbasa at magsulat nang epektibo.
-
Iwasang magpaliban.
-
Maghanda para sa mga test.
-
1. Pumili ng Lugar at Oras para sa Pag-aaral
-
Talakayin:Kailan at saan ka nag-aaral? Palagay mo ba epektibo ang pag-aaral mo sa mga lugar at oras na ito? Bakit oo o bakit hindi?
-
Basahin:Ang pagtatakda ng regular na oras ng pag-aaral ay makakatulong sa iyo na magtagumpay sa iyong pag-aaral o training program. Humanap ng mga lugar na malinis, tahimik, at naiilawan nang husto kung saan ka makakapag-aral nang walang gambala. “Masdan, ang aking bahay ay isang bahay ng kaayusan, wika ng Panginoong Diyos, at hindi isang bahay ng kaguluhan” (D at T 132:8).
Ang paggalang sa araw ng Sabbath ay magpapalakas ng iyong pananampalataya at makakatulong para higit kang matuto. Iwasan ang paggawa ng schoolwork sa araw ng Sabbath.
-
Basahin:Dahil matagal ang mag-aral, kakaunti ang oras mong gawin ang iba pang mga bagay. Kailangan kang magsabi ng “hindi” sa ilang aktibidad para makapag-aral kang mabuti.
2. Tandaan ang Natutuhan Mo
-
Basahin:Maraming paraan para magsaulo, matuto, at makatanda ng impormasyon. Narito ang ilang pamamaraan.
-
Nakaiskedyul na mga pagrerepaso: Paulit-ulit na basahin at alalahanin ang impormasyon nang mas matagal. Halimbawa:
Bagong Impormasyon
Makalipas ang 1 Oras
Makalipas ang 1 Araw
Makalipas ang 1 Linggo
Makalipas ang 1 Buwan
Basahin o pag-aralan ang isang bagay sa klase at magtala.
Mag-ukol ng 10 minuto para repasuhin ang iyong mga itinala.
Mag-ukol ng 10 minuto para muling magrepaso; ibuod ang iyong mga itinala.
Mag-ukol ng 10 minuto para muling magrepaso.
Mag-ukol ng 10 minuto para muling magrepaso; dapat ay tandang-tanda mo na ito ngayon!
-
Mga flash card: Isulat ang mga ideya, sipi, data, formula, at kaisipan sa mga index card, at saka repasuhin ang mga ito nang regular. Halimbawa, isinulat ni Afu ang mga electrical formula sa mga card para maalala niya ang mga ito. Binabasa niya ang kanyang mga card nang maraming beses sa isang araw. Narito ang isang halimbawa kung paano ginagamit ni Afu ang kanyang mga card: isinusulat niya ang isang katagang pag-aaralan sa harapan ng card at ang formula sa likuran, gaya nito:
-
Iugnay ang natutuhan mo sa isang bagay na alam mo na: Iugnay ang isang bagay na hindi pamilyar sa isang bagay na alam mo na. Halimbawa, nag-aaral si Stefano ng mga computer term. Hindi niya alam kung ano ang algorithm. Nabasa niya na ito ay isang “proseso o grupo ng mga patakarang susundin, lalo na ng mga computer.” Mahilig magluto si Stefano, at ang isang computer na gumagamit ng algorithm ay nagpaalala sa kanya sa isang tao na sinusundan ang isang resipe. Natulungan siya nitong makaalala.
-
Ituro ang natutuhan mo: Ibahagi sa isang tao ang natututuhan mo. Magbibigay ito sa iyo ng pagkakataon na mas maunawaan at maalala ang bagong impormasyon. Sa bahay ng kanyang mga magulang isang araw ng Sabado, tinuruan ni Afu ang kanyang ama kung paano ayusin ang isang kabitan ng ilaw na matagal nang sira.
-
Gamitin ang natutuhan mo: Ang paggamit sa buhay mo ng natututuhan mo ay tinutulungan kang maalala ito. Kung natuto ka ng bagong salita, gamitin ito nang ilang beses. Kung natuto kang mag-ayos ng motor, mag-ayos ka ng motor sa lalong madaling panahon. Nang ikuwento ng kapitbahay kay Rachel ang isang legal na problema na hindi niya naunawaan, naipaliwanag ito ni Rachel batay sa isang bagay na natutuhan niya noon lang linggong iyon.
-
-
Talakayin:Ano na ang mga naranasan mo sa alinman sa mga pamamaraang ito o sa iba pang mga paraan ng pag-alaala?
3. Magbasa at Magsulat nang Epektibo
-
Basahin:Ang pagbabasa ay mahalaga sa iyong pag-aaral. Ang pagpapaigi sa iyong mga skill sa pagbabasa ay tutulungan kang mas maunawaan at matandaan ang mga bagay na pinag-aaralan mo. Ang sumusunod na aktibidad ay tutulungan kang humanap ng mga paraan para mapaigi pa ang iyong mga skill sa pagbabasa.
-
Talakayin:Ano ang iba pang mga paraan na mapapaigi mo ang iyong mga skill sa pagbabasa?
-
Basahin:Ang magandang pagsulat ay mahalaga rin sa iyong pag-aaral. Habang nagsusulat, tiyaking tugma ang iyong estilo sa mga inaasahan ng instructor. May tatlong pangunahing estilo ng pagsulat ng mga assignment:
-
Nagbibigay-kaalaman
-
Malikhain
-
Mapanghikayat
Pagsulat na nagbibigay-kaalaman: Ayusin ang impormasyon at gawing madaling maunawaan ang kumplikadong mga ideya. Halimbawa, binigyan si Stefano ng assignment sa pagsulat na nagbibigay-kaalaman tungkol sa pagkain. Isinulat niya ang kasaysayan ng kanyang paboritong pagkain at ilang kawili-wiling katotohanan tungkol dito.
Malikhaing pagsulat: Isulat ang sarili mong mga ideya, orihinal na kaisipan, at bagay na magiging kawili-wili sa mga tao. Ang sumunod na assignment ni Stefano ay gumawa ng malikhaing pagsulat tungkol sa pagkain. Sumulat si Stefano tungkol sa lasa, texture, at kulay ng kanyang paboritong pagkain na masaya at kawili-wili.
Mapanghikayat na pagsulat: Magsulat sa paraang nakakaganyak, nakakakumbinsi, o nakakahikayat sa isang tao na gawin ang isang bagay o mag-isip sa isang partikular na paraan. Para magawa ito nang epektibo, kailangan mong alamin ang mga totoong pangyayari at magkakasalungat na pananaw at suportahan ang iyong argumento. Iminungkahi ni Stefano sa kanyang mapanghikayat na pagsulat na dapat subukan ng bawat turista ang paborito niyang pagkain dahil sa kakaibang lasa nito at sa kahalagahan nito sa kultura.
-
-
Talakayin:Paano makakatulong ang pagpapaganda ng pagsulat mo para magtagumpay ka sa iyong training program?
4. Iwasang Magpaliban
-
Basahin:Gamitin nang may katalinuhan ang oras at lakas mo sa pagkumpleto ng mga assignment. Iwasang magpaliban. “Maggapas habang may araw pa” (D at T 6:3).
-
Talakayin:Ano ang ilang dahilan ng ating pagpapaliban?
-
Basahin:Kapag natapos mo ang isang assignment, nadarama mo ang tagumpay. Narito ang ilang paraan para matapos mo ang mga gawain:
-
Unahing gawin ang mahirap na bagay. Unahing gawin ang proyektong pinakaayaw mong gawin. Kapag natapos mo na ang pinakamahirap o pinakaayaw mong gawin, parang mas madali nang gawin ang iba pa.
-
Magbukod ka na ng oras. Magtakda ng makatotohanang haba ng oras para gawin ang partikular na mga gawain. Kung wala kang nakatakdang haba ng oras, malamang na magsayang ka ng oras.
-
Magkaroon ng maiikli at regular na pahinga. Mananariwa ang isipan mo at mas makakatuon ka pagkatapos mong magpahinga. Ang maiikli at regular na pahinga ay magpapaigi sa iyong pag-aaral.
-
Umangkop. Kapag pagod ka na, gawin ang mga gawain na hindi na gaanong pinag-iisipan.
-
Gantimpalaan ang sarili. Kung matapos mo ang iyong assignment sa takdang oras, gantimpalaan ang sarili mo ng isang bagay na gusto mo (pagkain, oras para gawin ang isang bagay na nakasisiya sa iyo, at iba pa).
-
-
Talakayin:Ano ang pinakaepektibo para sa iyo sa pagkumpleto ng mga gawain?
5. Maghanda para sa mga Test
-
Basahin:Ang mga test ay kadalasang ginagamit para ipakita kung gaano mo natutuhan ang isang bagay. Narito ang ilang paraan na maaari kang maging mas mahusay sa pagkuha ng test:
Bago ang test:
-
Pag-aralan nang regular ang materyal na pagmumulan ng test.
-
Matulog nang sapat.
-
Kumain ng masustansyang pagkain at uminom ng sapat na tubig.
-
Magdasal bago mag-aral at bago kumuha ng test.
-
Tiyaking mayroon ka ng mga bagay na kailangan para sa test (lapis, calculator, mga kagamitan, at iba pa).
Sa oras ng test:
-
Magtiwala sa alam mo.
-
Maging matapat. Huwag mandaya.
-
Planuhin ang oras mo; kapag sinimulan mo ang bawat tanong o section, magpasiya kung ilang oras ang maiuukol mo rito.
-
Basahing mabuti at basahing muli ang mga tagubilin: ano ba talaga ang ipinagagawa?
-
Tapusin muna ang pinakamadadaling tanong para magkaroon ng tiwala sa sarili; pagkatapos ay balikan ang iba pa.
-
-
Talakayin:Ano ang nagawa mo para maghanda at masagutan nang epektibo ang mga test?
-
Basahin:“Ang pag-aaral ay isang prosesong walang-katapusan. Kailangan nating basahin, obserbahan, unawain, at pagnilayan yaong nakalantad sa ating isipan. Naniniwala ako sa ebolusyon ng isipan, puso, at kaluluwa ng sangkatauhan. Naniniwala ako sa pagpapahusay. Naniniwala ako sa paglago” (Gordon B. Hinckley, Standing for Something [2000], 62).
-
Talakayin:Ano ang pinakamahahalagang bagay na natutuhan mo sa miting na ito ng grupo?