Resources
Mga Oportunidad na Makapag-aral na Ibinibigay ng CES
Ang Simbahan ay nagsusumigasig na mabigyan ng mga oportunidad na makapag-aral ang mas marami pang miyembro ng Simbahan sa buong mundo. Ang Church Educational System (CES) ay nag-aalok ng ilang oportunidad na makapag-aral na maaaring humantong, sa ilang bahagi ng mundo, sa mas magandang trabaho.
Tulad ng lahat ng opsiyon sa pag-aaral na pinag-iisipan mo, mapanalanging i-evaluate kung ang mga opsiyong ito ay tutulong sa iyo na magkaroon ng mas maraming oportunidad sa iyong propesyon at humantong sa mas magandang trabaho sa inyong lugar.
Micro Courses—Skills Training para sa Lahat
Kung kailangan mo ng training para makakuha ng isang partikular na trabaho, o may trabaho ka at kailangan mo ng karagdagang training, magandang opsiyon ang micro courses. Ang micro courses ay maigugrupo sa tatlong kategorya: mga skill sa propesyon, sa mga tao, at sa buhay. Ang mga kursong ito ay dinisenyo upang kahit sino, kahit saan, na may access sa Internet ay matuto ng mga bagong skill na hinahanap ng mga employer. Ang mga kurso ay maaaring tumagal nang mula 15 minuto ng pagtuturo tungkol sa pagsulat ng résumé, hanggang isang-oras na kurso sa pagtatakda ng mithiin, hanggang sa 12-linggong kurso sa computer programming na nagreresulta sa sertipikasyon ng industriya.
Corporate Connect—Training sa Industriya na May Garantisadong mga Interbyu sa Trabaho
Kung ang mithiin mo ay makakuha ng trabaho sa lalong madaling panahon sa isang larangan na humahantong sa magagandang trabaho, Corporate Connect ang pinakamagandang opsiyon. Ang LDS Business College Corporate Connect Series ay nakikipagtulungan sa mga employer para i-train ang mga miyembro ng Simbahan para sa mga partikular na trabaho sa larangan ng business, IT, health profession, at manufacturing. Malaki ang suweldo at mabilis umasenso sa mga trabahong ito. Ang training ay tumatagal nang dalawa hanggang tatlong buwan na may garantisadong interbyu para sa mga taong nakakatapos sa programa. Hanggang ngayon, ang Corporate Connect ay may placement rate na halos 90 porsiyento.
College/University Certificates at Degrees—Mas Mataas na Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho
Ang mga LDS higher education institution, kabilang na ang LDS Business College, BYU–Idaho, BYU–Hawaii, at BYU, ay nag-aalok ng ibat ibang certificate at degree, na ang ilan ay matatamo online. Ang mga programang ito ay mula isang-semestreng certificates hanggang advanced graduate at professional degrees. Marami sa degrees at certificates na ito ang batay sa mga skill at direktang inihahanda ang mga estudyante para sa trabaho at propesyon.
Sa ngayon, ang mga opsiyong ito sa pag-aaral ay makukuha lamang sa Ingles. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga ito, bisitahin ang churcheducation.lds.org.
Pathway/BYU–Idaho
Kasama ang BYU–Idaho, ang Pathway ay isang programa sa pag-aaral na mababa ang halaga na isinasama ang online courses sa lokal na mga pagtitipon. Ang layunin nito ay para madaling makapasok ang mga estudyanteng kakaunti o walang karanasan sa kolehiyo, o muling makapasok ang matatagal nang nakapag-kolehiyo. Dahil ito ay isang online program, hindi na kailangang maging malapit sa campus. Ang mga estudyante ay nagtatamo ng college credit na puwedeng ilipat sa BYU–Idaho at ilang iba pang unibersidad.
Kailangan din ay:
-
Miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
-
Hindi bababa sa 17 taong gulang na may high school diploma o katumbas nito, o edad 19 pataas (mayroon o walang high school diploma o katumbas nito).
-
May regular access sa isang computer na may high-speed internet at may mga kakayahan sa webcam/video chat.
-
Magsalita ng Ingles nang mahusay (tingnan ang iba pa sa susunod na pahina).
-
Manirahan sa di-kalayuan ang biyahe papunta sa isang Pathway site; maraming site sa buong daigdig na tinatauhan ng mga service missionary.
-
Mag-enrol sa institute (ang kinakailangang ito ay para sa mga nasa edad 18–30 na walang asawa).
Ang Pathway program ay matatapos sa loob ng isang taon (o tatlong semestre), at pagkatapos ay puwede nang kumuha ng isang college degree ang isang estudyante. Ang Pathway ay nagbibigay ng mga oportunidad, na kinabibilangan ng paglahok sa BYU–Idaho Online Degree Program, pagdalo sa BYU–Idaho bilang on-campus student, o pag-enrol sa isang lokal na kolehiyo o unibersidad (depende sa mga kinakailangan sa admission ng bawat institusyon).
Ang mga estudyante na makakatapos sa Pathway at gustong mag-aral sa BYU–Idaho on campus sa Rexburg, Idaho, ay kailangang pormal na mag-aplay at magbayad ng regular campus tuition. Yaong mga nais magpatuloy sa online degree program ay kukuha ng mga kurso sa dati ring mababang tuition rate ng Pathway at sisikaping matamo ang ilan o lahat ng sumusunod na mga opsiyon:
-
Professional certificates (15 credits bawat isa)
-
Associate’s degree (60 credits)
-
Bachelor’s degree (120 credits)
Para sa mga estudyanteng mahusay sa Ingles, ang karaniwang Pathway program ay isinasama ang BYU–Idaho online academic courses sa institute o kaya’y sa BYU–Idaho online religion courses. Para sa mga estudyante na may katamtaman o mababang skill sa Ingles, kabilang sa “L” version ang academic courses na kasama ang English-language instruction bilang pangunahing bahagi ng coursework. Lingguhang nakikipagkita ang mga estudyante sa isang mahusay magsalita ng Ingles sa buong programa para maragdagan ang skill nila sa Ingles. (Ang mga Pathway service missionary ang tumatao sa mga center na ito sa buong mundo.)
Pag-evaluate sa mga Training Option Ko
Mga Itatanong |
Mga Sagot |
---|---|
Ano ang mga job placement rate para sa mga taong nakakatapos sa programa? | |
Ano ang mga karaniwang sahod ng mga taong nakakakuha ng trabaho? | |
Ilang estudyante ang nasa programa noong nakaraang taon? | |
Ilan ang nag-apply, at ilan ang natanggap? | |
Ilang estudyante ang nag-drop out o hindi nakatapos? | |
Mayroon ba kayong mga klase sa gabi at katapusan ng Linggo? | |
Magkano ang magagastos sa programa, kabilang na ang tuition, mga aklat, bayarin, at iba pang gastusin? | |
Ano ang kailangan para matanggap sa programa? | |
Gaano katagal bago ma-certify o maka-graduate? | |
May financial aid ba na makakatulong sa pagbabayad sa pag-aaral? | |
Ano ang workload ng mga klase o programa? | |
Ano ang maipapayo ninyo para matulungan akong magtagumpay sa programa? | |
Sino pa ang dapat kong kontakin para makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa programa? | |
Puwede ko bang mahingi ang iyong contact information para matawagan kita para sa iba pang mga tanong? |