Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto
-
Basahin:Sa huling miting, pinag-aralan mo ang ilang skill at gawi na tutulong sa iyo na magtagumpay sa iyong training program. Ngayon ay pag-aaralan mo ang mga skill na tutulong sa iyo na manatili sa tamang landas upang matapos ang iyong training.
Kahit mahirap, tapusin ang pag-aaral mo sa paggawa ng mga bagay na ito:
-
Makipagtulungan sa isang mentor.
-
Matuto sa mga grupo.
-
Matuto sa mga kabiguan.
-
Magbago lamang ng direksyon kapag kailangan.
-
1. Makipagtulungan sa Isang Mentor
-
Basahin:Naglalagay ang Ama sa Langit ng mga tao sa ating buhay na nagmamalasakit at magpapalakas sa atin. Ang ilang mentor ay maaaring marami nang karanasan sa gusto mong gawin at kayang sagutin ang mga tanong mo. Ang iba pang mga mentor ay maaaring handang mag-ukol ng oras sa paghihikayat sa iyo na gumawa ng mga pagbabago sa buhay mo at panagutin ka sa progreso mo.
-
Talakayin:Sino ang pinakamalaki ang naitulong sa iyo nang magbuo ka ng plano para maging self-reliant? Ano ang ginawa niya?
-
Basahin:Itinuro ni Elder Robert D. Hales, “Mapanalanging piliin ang mga tagapagturo na iniisip ang inyong espirituwal na kapakanan” (“Pagtugon sa mga Hamon ng Mundo Ngayon,” Ensign o Liahona, Nob. 2015, 46).
-
Basahin:Patuloy na maghanap ng mga mentor. Maghanap ng mga tao na matagumpay na nagawa ang gusto mong gawin. Masdan ang ginagawa nila at ang mga katangiang taglay nila kaya sila nagtagumpay. Huwag matakot na magtanong sa kanila, at maging handang matuto mula sa kanila. Palaging magpasalamat sa tulong ng isang mentor. Ipagdasal na malaman kung paano mo mabubuo at mapapatatag ang mga espesyal na relasyong ito, at ipamuhay ang natutuhan mo.
2. Matuto sa mga Grupo
-
Basahin:Ang mga grupo ay nagbibigay sa atin ng mga pagkakataon na ibahagi ang ating mga ideya at matuto sa mga karanasan at kaalaman ng iba.
-
Talakayin:Ano ang ilang karanasan mo sa mga group project noong araw? Ano ang natutuhan mula rito?
-
Basahin:Ang mga alituntuning ito na ginagawang matagumpay ang self-reliance group na ito ay magagamit sa iyong magiging mga study group o katulad na mga grupo, tulad ng mga team sa trabaho at mga council sa Simbahan. Para maging epektibo ang mga grupo, gawin ang mga sumusunod:
-
Hanapin ang pinakamahuhusay na estudyante na makakatulong mo—lalo na yaong masisigasig na katulad mo.
-
Pakitunguhan nang pantay-pantay ang lahat ng participant.
-
Magsalita nang magalang sa iba. Dapat madama ng bawat isa na ligtas niyang maibabahagi ang kanyang mga ideya.
-
Magtakda ng regular na oras para mag-aral nang magkasama.
-
Magkasundo sa isang mithiin sa simula.
-
Tapusin ang bawat study session sa paggawa ng mga pangako: “Ano ang gagawin ng bawat isa sa inyo at kailan ninyo ito tatapusin?”
-
Magkatuwaan pero manatiling nakapokus.
-
Maging handa at gawin ang iyong bahagi. Ibahagi ang nalalaman mo at pag-aralan ang lahat ng kaya mo mula sa ibang tao.
-
Kung nagtutulungan kayo sa isang proyekto, alamin ang deadline at mag-assign ng maliliit na bahaging tatapusin bago sumapit ang deadline.
-
3. Matuto sa mga Kabiguan
-
Basahin:Sa iyong training daranas ka ng ilang kabiguan. Maaaring bumagsak ka sa isang test, hindi ka nakagawa ng assignment, mababa ang marka mo sa klase. Ang kabiguan ay bahagi ng pagkatuto. Ang pinakamahuhusay na mag-aaral ay bumabangong mag-isa pagkaraan ng bawat kabiguan. Ang matutong gawin ito ay mas mahalaga kaysa hindi magkamali kailanman, na hindi makatotohanan.
Maraming paraan ng pagtugon sa kabiguan. Kabilang sa ilang negatibong reaksyon ang pagsuko, pagpapahirap sa sarili dahil sa pagbagsak, o hindi pagkilos sa takot na muling mabigo.
May positibo ring mga paraan ng pagtugon sa kabiguan. Kabilang dito ang:
-
Humingi ng payo sa Panginoon.
-
Alamin kung bakit ka bumagsak at iwasan iyon.
-
Sumangguni sa iyong mentor.
-
Sumubok ng ibang paraan para makamit ang layunin o mithiin.
-
Muling i-evaluate kung inaakay ka ng aksyong ito sa direksyong gusto mong puntahan, at baguhin ang kurso kung kailangan.
-
-
Talakayin:Ano ang natutuhan mo sa isang kabiguan o kalungkutan sa buhay mo?
-
Basahin:“Walang gustong mabigo. At lalong ayaw nating makita ng iba—lalo na ng ating mga mahal sa buhay—na mabigo tayo. Gusto nating lahat na respetuhin at igalang tayo. Gusto nating maging kampeon. Ngunit tayong mga mortal ay hindi magiging kampeon nang walang pagsisikap at disiplina o hindi nagkakamali.
Mga kapatid, ang ating tadhana ay hindi nasusukat sa dami ng pagkadapa natin kundi sa dami ng ating pagbangon, pagpagpag ng dumi sa ating sarili, at pagpapatuloy” (Dieter F. Uchtdorf, “Magagawa Na Ninyo Iyan Ngayon!” Ensign o Liahona, Nob. 2013, 55).
-
Talakayin:Ano ang gagawin mo sa susunod na dumanas ka ng kabiguan?
4. Magbago Lamang ng Direksyon Kapag Kailangan
-
Basahin:Anumang sandali sa training mo, maaaring pakiramdam mo ay hindi tama para sa iyo ang kurso mo o ang trabahong hinahanap mo. Maaari mong isipin na dapat kang magbago ng direksyon. Kung madama mo ito, mag-ingat at isipin muna bago mo gawin ang pagbabagong iyon.
Kapag iniisip mong magbago ng direksyon, dapat mong itanong sa sarili, “Makakabuti ba sa akin ang magbago ng direksyon?” Sa unang anim na miting ng self-reliance group na ito, pinag-isipan mo nang husto ang mga opsiyon mo. Nakipag-usap ka sa maraming tao at nagsaliksik ka tungkol sa trabaho, ang training na kailangan dito, at kung paano babayaran ang training. May ginawa kang mga desisyon na nagpaganda sa pakiramdam mo.
Dapat at kailangan mong pag-isipang mabuti ang pagbabago ng direksyon na katulad noong piliin mo ang kasalukuyan mong direksyon.
Kung kailangan, gumamit ng bagong kopya ng plano para maging self-reliant (sa mga pahina 191–92), gayundin ng mga aktibidad sa mga kabanata 1–6 sa paggawa ng mga desisyon mo.
-
Talakayin:Paano mo maiiwasan ang pabigla-biglang mga desisyon pero maiiwasan ding masobrahan sa pag-iisip at mag-urong-sulong?
-
Basahin:Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland: “Mayroon akong lubos at tiyak na kaalaman, ganap na kaalaman, na mahal tayo ng Diyos. Mabait Siya. Siya ang ating Ama, at inaasahan Niya tayong manalangin at magtiwala at manalig at huwag sumuko at huwag mataranta at huwag umatras at huwag tumalikod kapag tila hindi tama ang nangyayari. Nananatili tayo sa landas. Patuloy tayong nagsisikap. Patuloy tayong nananalig” (“Wrong Roads,” lds.org/media-library).
-
Talakayin:Ano ang pinakamahahalagang bagay na natutuhan mo sa miting ng grupo ngayon?