Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Pag-isipang Mabuti


Pag-isipang Mabuti—Maximum na Oras: 5 Minuto

Pag-isipang mag-isa kung ano ang natutuhan mo ngayon at isipin kung ano ang ipinagagawa sa iyo ng Panginoon. Basahin ang talata sa banal na kasulatan o ang sipi sa ibaba at isulat ang mga sagot sa mga tanong.

“Nahaharap kayo sa malalaking hamon sa hinaharap. Pumapasok kayo sa isang mundong masidhi ang labanan. Kailangan ninyong pag-aralan ang lahat ng kaya ninyong pag-aralan. Tinagubilinan tayo ng Panginoon tungkol sa kahalagahan ng edukasyon. Gagawin kayo nitong karapat-dapat para sa mas malalaking oportunidad. Ihahanda kayo nito na makagawa ng isang bagay na makabuluhan sa malawak na mundo ng oportunidad na naghihintay sa inyo. Kung makakapag-aral kayo sa kolehiyo at iyan ang pangarap ninyo, gawin ninyo iyan. Kung wala kayong hangad na mag-aral sa kolehiyo, mag-aral sa isang vocational o business school para mahasa ang inyong mga kasanayan at maragdagan ang inyong kakayahan” (Gordon B. Hinckley, “Converts and Young Men,” Ensign, Mayo 1997, 49–50).

Ano ang pinakamakabuluhang mga bagay na natutuhan ko ngayon?

Ano ang gagawin ko dahil sa natutuhan ko ngayon?