Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Magpatuloy sa Iyong Landas patungong Self-Reliance


Magpatuloy sa Iyong Landas patungong Self-Reliance

Basahin:Congratulations! Sa nakaraang 12 linggo nakapagtatag ka ng mga bagong gawi at naging mas self-reliant. Nais ng Panginoon na patuloy mong pag-ibayuhin ang mga kakayahang ito at magkaroon ka ng mga bagong kakayahan. Kapag nanalangin tayo at nakinig, matutulungan tayo ng Espiritu Santo na malaman ang mga bagay sa ating buhay na kailangan pa nating pag-igihin.

Talakayin:Ano ang magagawa natin para makapagpatuloy sa ating landas patungong self-reliance? Paano tayo patuloy na magtutulungan?

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa susunod na 12 linggo. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Repasuhin at patuloy na ipamuhay ang lahat ng 12 alituntunin at gawi ng self-reliance sa My Foundation [Ang Aking Saligan].

  • Ibahagi sa iba ang natutuhan mo tungkol sa self-reliance. Patuloy na tulungan ang mga kagrupo mo o mag-alok na mag-facilitate ng bagong self-reliance group.

  • Pag-ibayuhin ang mga kakayahan mo sa pamamagitan ng pakikibahagi sa isa pang self-reliance group.

  • Pag-aralan ang mga alituntunin ng doktrina tungkol sa self-reliance sa ibaba.

Mga Alituntunin ng Doktrina tungkol sa Self-Reliance

Ang Self-Reliance ay Isang Kautusan

Ang Layunin ng Panginoon ay Maglaan para sa Kanyang mga Banal, at Taglay Niya ang Lahat ng Kapangyarihang Gawin Ito

Ang Temporal at ang Espirituwal ay Iisa

Doktrina at mga Tipan 78:13–14; Moises 2:27–28

Doktrina at mga Tipan 104:15; Juan 10:10; Mateo 28:18; Mga Taga Colosas 2:6–10

Doktrina at mga Tipan 29:34; Alma 34:20–25