Resources Maganda, Mas Maganda, Pinakamaganda Elder Dallin H. Oaks “Hindi sapat na dahilan ang pagiging maganda ng isang bagay para gawin ito. Ang magagandang bagay na magagawa natin ay higit pa ang dami kaysa libreng oras natin para magawa ang mga ito. May ilang bagay na mas maganda kaysa iba, at ito ang mga bagay na dapat nating unahin sa ating buhay. “Itinuro ni Jesus ang alituntuning ito sa bahay ni Marta. Habang siya ay ‘naliligalig sa maraming paglilingkod’ (Lucas 10:40), ang kapatid niyang si Maria ay ‘naupo rin naman sa paanan [ni Jesus], at pinakinggan ang kaniyang salita’ (t. 39). Nang magreklamo si Marta na pinabayaan siya ng kanyang kapatid na maglingkod na mag-isa, pinuri ni Jesus si Marta sa kanyang ginagawa (t. 41) ngunit itinuro sa kanya na ‘isang bagay ang kinakailangan: sapagka’t pinili ni Maria ang magaling na bahagi, na hindi aalisin sa kaniya’ (t. 42). Marapat purihin si Marta na ‘naliligalig at nababagabag tungkol sa maraming bagay’ (t. 41), ngunit ang matutuhan ang ebanghelyo mula sa Dalubhasang Guro ay higit na ‘kailangan.’ Ang mga banal na kasulatan ay naglalaman ng iba pang mga turo na may ilang bagay na higit na pinagpala kaysa sa iba (tingnan sa Mga Gawa 20:35; Alma 32:14–15). … “Habang iniisip natin ang iba’t ibang pagpipilian, dapat nating tandaan na hindi sapat na maganda ang isang bagay. Ang ibang mga pagpipilian ay mas maganda, at may iba pang pinakamaganda. … “Pag-isipan kung paano natin ginagamit ang ating oras sa pagpili ng panonoorin sa telebisyon, lalaruing mga video game, hahanapin sa Internet, o babasahing mga aklat o magasin. Siyempre pa magandang panoorin ang makabuluhang palabas o makakuha ng nakawiwiling impormasyon. Ngunit hindi lahat ng ganitong uri ng bagay ay nararapat pag-ukulan ng ating panahon para makamtan. Ang ilang bagay ay mas maganda, at ang iba ay pinakamaganda” (“Maganda, Mas Maganda, Pinakamaganda,” Ensign o Liahona, Nob. 2007, 104–5). Bumalik sa pahina 83. Mga Tala Gumawa ng Tala