Magreport—Maximum na Oras: 25 Minuto
Mga Ipinangakong Gawin Noong Nakaraang Linggo
-
Isagawa at ibahagi ang alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan] noong nakaraang linggo.
-
I-update ang aking plano para maging self-reliant kung kailangan.
-
Isagawa ang isa sa sumusunod na mga skill o gawi: makipagtulungan sa isang mentor, matuto sa mga grupo, tuparin ang mga ipinangakong gawin, matuto mula sa kabiguan, o magbago ng direksyon kapag kailangan (o pag-aralan ang isa pang skill o gawi na pinili mo noong nakaraang linggo).
-
Kontakin at suportahan ang aking action partner.
Step 1: Mag-evaluate Kasama ang Action Partner (5 minuto)
Mag-ukol ng ilang minuto para i-evaluate ang mga pagsisikap mong tuparin ang mga ipinangako mong gawin sa linggong ito. Gamitin ang tsart na “Pag-evaluate sa Aking mga Pagsisikap” sa simula ng workbook na ito. Ibahagi sa partner mo ang iyong evaluation at talakayin ninyo ang tanong sa ibaba. Pagkatapos ay mag-iinisyal siya kung saan tinukoy.
-
Talakayin:Ano ang naging mga hamon mo sa pagtupad sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito?
Step 2: Magreport sa Grupo (8 minuto)
Matapos i-evaluate ang iyong mga pagsisikap, magsama-samang muli bilang grupo at ireport ang iyong mga resulta. Ikutin ang grupo at ilahad ng bawat isa kung ang markang ibinigay sa inyong sarili ay “pula,” “dilaw,” o “berde” para sa bawat ipinangako ninyong gawin noong nakaraang linggo.
Step 3: Ibahagi ang Iyong mga Karanasan (10 minuto)
Ngayon ibahagi bilang isang grupo ang mga bagay na natutuhan ninyo mula sa pagsisikap na tuparin ang mga ipinangako ninyong gawin sa buong linggo.
-
- Talakayin:
-
Ano ang mga naranasan mo sa pagsasagawa at pagbabahagi ng alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan]?
-
Ano ang natutuhan mo nang in-update mo ang iyong plano para maging self-reliant?
-
Ano ang natutuhan mo nang isagawa mo ang isang skill o gawi?
-
Paano nakakatulong sa iyo ang pakikipagtulungan sa isang action partner?
-
Step 4: Pumili ng mga Action partner (2 minuto)
Pumili ng isang action partner mula sa grupo para sa darating na linggo. Karaniwan, ang mga action partner ay parehong babae o lalaki at hindi kapamilya.
Mag-ukol ng ilang minuto ngayon para kausapin ang action partner mo. Ipakilala ang inyong sarili at talakayin kung paano ninyo makokontak ang isa’t isa sa buong linggo.
Pangalan ng action partner
Contact Information
Isulat kung paano at kailan ninyo kokontakin ang isa’t isa sa linggong ito.
Lin |
Lun |
Mar |
Miy |
Huw |
Biy |
Sab |
---|---|---|---|---|---|---|