Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto
-
Basahin:Sa nakaraang miting ng grupo natuto ka tungkol sa paglikha ng isang kapaligiran para sa tagumpay. Ngayo’y matututo ka tungkol sa pag-unawa sa mga inaasahan at pagtugon sa mga iyon sa paggawa ng mga sumusunod:
-
Unawain at gawin ang kinakailangan.
-
Unawain ang iyong estilo sa pag-aaral.
-
Limitahan nang epektibo ang stress.
-
1. Unawain at Gawin ang Kinakailangan
-
Basahin:Pinahahalagahan ng mga employer ang mga certificate, degree, o iba pang katibayan na kwalipikado kang gawin ang ilang trabaho. Maaari mong makamtan ang mga ito sa pamamagitan ng pagtupad sa mga kinakailangan ng program sa isang paaralan o training program. Kasama sa mga kinakailangang ito ang mga bagay na kagaya ng mga klase, assignment, at test.
Para matulungan kang tugunan ang mga kinakailangan sa program, dapat kang (1) magtanong tungkol sa mga kinakailangan, (2) magtala, at (3) aktibong lumahok sa mga kurso at program.
Magtanong tungkol sa mga Kinakailangan
-
Basahin:Ang mga paaralan at training program ay lumilikha ng mga kinakailangan para sa bawat degree, certificate, klase, at assignment. Tinitiyak ng matagumpay na mga mag-aaral na nauunawaan nila ang mga kinakailangan.
Narito ang ilang halimbawa ng mga bagay na maaari mong itanong upang malaman kung ano ang kakailanganin sa iyo:
-
Paano ako magtatagumpay sa inyong klase?
-
Ano ang gusto ninyong matutuhan at gawin ko?
-
Kailan dapat isumite ang mga assignment?
-
Paano ninyo ie-evaluate ang performance ko?
-
-
Talakayin:Paano nakatulong ang pagtatanong para maunawaan mo ang mga kinakailangan noong araw?
Magtala
-
Basahin:Ang isang paraan para maalala mo ang mga kinakailangan ay ang magtala. Repasuhin ang mga talang iyon kalaunan para mas maalala mo ang nakita, narinig, o nabasa mo sa klase.
Kapag nagtala ka tungkol sa isang assignment, tiyaking alam mo:
-
Kung ano ang gagawin.
-
Kung paano gawin ito.
-
Kung kailan ito dapat isumite.
-
-
Talakayin:Sa dating paaralan o mga assignment sa trabaho, paano nakatulong sa iyo ang pagtatala?
-
Basahin:Ang mga sumusunod ay maaaring makatulong sa iyo na magtala nang maayos tungkol sa mga assignment:
-
Makinig at maging alerto, at magkaroon ng positibong pananaw.
-
Huwag mong subukang isulat ang bawat salitang sinasabi; pagtuunan ang pinakamahahalagang mensahe at impormasyon.
-
Gumamit ng mga daglat; kung makakatulong, magdrowing ng mga larawan.
-
Mag-iwan ng puwang para magdagdag ng mga paliwanag kalaunan.
-
Panatilihing organisado ang mga tala.
-
Aktibong Makibahagi
-
Basahin:Ang isa pang paraan para maunawaan ang mga kinakailangan at malaman ang paksa ng klase ay aktibong makibahagi. Ang aktibong partisipasyon ay makakatulong para matuto ka nang husto sa klase. Nakalista ang ilang mungkahi sa ibaba:
-
Makinig.
-
Maupo sa harapan kung maaari.
-
Magtanong at sagutin ang mga tanong.
-
Maghanap at makipagtulungan sa mga estudyante na gustong matuto (maupo sa tabi nila, magbahaginan ng mga ideya, mag-usap, magtanong, at magtulungan).
-
Kausapin ang instructor (sa oras at pagkatapos ng klase) para mas maunawaan ang mga kinakailangan at konseptong pinag-aaralan mo.
-
-
Talakayin:Anong mga pagkakaiba ang napansin mo nang aktibo kang makibahagi sa isang bagay sa halip na hindi ka makilahok?
2. Unawain ang Iyong Estilo sa Pag-aaral
-
Basahin:Natututo nang husto ang ilang tao sa kanilang nakikita, ang ilan sa pakikinig, ang ilan sa paggawa, at ang ilan sa iba pang mga paraan. Natututo nang husto ang ilan kapag nag-iisa sila at iba naman kapag may mga kagrupo. Ang matatagumpay na estudyante ay gumagamit ng estilo sa pag-aaral na pinaka-epektibo sa kanila hangga’t kaya nila.
-
Basahin:Ang mga instructor ay hindi kailangang magturo sa paraan na aakma nang husto sa iyong estilo ng pag-aaral. Maaaring kailangan mong iakma ang iyong approach sa pag-aaral para umakma nang husto sa sitwasyon.
Halimbawa, mas gusto ni Juan ang aktuwal na paggawa. Mahilig siyang gumawa ng mga bagay-bagay. Ayaw niyang maupo sa klase at makinig sa sinasabi ng guro. Ayaw niyang magbasa ng mga textbook. Pero ang mga lektyur ay bahagi ng kanyang pag-aaral, at ang pagbabasa ay kinakailangan para pumasa sa mga test. Hindi niya basta-basta mababalewala ang mga kinakailangan nang dahil sa hindi akma ang mga ito sa estilo ng kanyang pag-aaral. Siya ang nagpapasiya kung makikinig siya nang husto, magbabasa nang husto, at pagkatapos ay mabilis na susubukang gawin ang mga bagay-bagay pagkatapos ng klase para matuto siya nang aktuwal.
Natuklasan ni Arlene na mas natututo siya kapag tinatalakay niya sa iba ang mga ideya. Nagpapasiya siyang mag-aral nang regular na kasama ng iba.
3. Limitahan nang Epektibo ang Stress
-
Basahin:Habang nag-aaral ka, mai-stress ka. Bahagi iyan ng buhay at bahagi ng iyong pag-aaral. Ang stress sa iyong pag-aaral ay maaaring magmula sa sumusunod na mga bagay at marami pang iba:
-
Hindi maunawaan kung ano ang inaasahan
-
Hindi handa
-
Hindi natapos ang mga assignment sa takdang oras
-
Takot na bumagsak sa test
-
Takot na magsalita sa harapan ng iba
-
Napakaraming bagay na gagawin
-
Pagkikipagtulungan sa ibang mga tao
Kapag sumulong ka nang may pananampalataya, bibiyayaan ka ng Panginoon ng lakas at kakayahan. Hindi mo maiaalis ang stress sa iyong pag-aaral, pero maaari mo itong limitahan. Kaya pansinin ang mga senyales ng stress at humanap ng mga paraan para makaagapay sa o malimitahan ang stress. Nakalista ang ilang mungkahi sa ibaba:
-
Muling pag-isipan ang iyong mga inaasahan
-
Hayaan ang mga bagay na hindi mo makokontrol
-
Magtuon sa nagagawa mo nang mahusay
-
Iwasang ikumpara ang sarili mo sa iba
-
Mag-ehersisyo
-
Maglingkod sa iba
-
Magpahinga
-
Muling magpokus sa pasasalamat
-
Paghati-hatiin ang malalaki o mahihirap na gawain
-
Gumawa ng maliit na hakbang pasulong ngayon
-
-
Talakayin:Ano ang nakatulong sa inyo na malimitahan ang stress?
-
Talakayin:Ano ang pinakamahalagang bagay na natutuhan mo sa miting na ito ng grupo?