Pag-isipang Mabuti—Maximum na Oras: 5 Minuto
Pag-isipang mag-isa kung ano ang natutuhan mo ngayon at isipin kung ano ang ipinagagawa sa iyo ng Panginoon. Basahin ang talata sa banal na kasulatan o sipi sa ibaba at isulat ang mga sagot sa mga tanong.
“Kapag ginawa ninyo ang inyong bahagi para magtamo ng kaalaman, mabibigyang-liwanag ng Espiritu Santo ang inyong isipan. Sa pagsisikap ninyong manatiling karapat-dapat, papatnubayan kayo ng Espiritu Santo at daragdagan ang inyong kaalaman” (Mary N. Cook,“Maghangad na Matuto: May Gawain Kayong Gagawin,” Ensign o Liahona, Mayo 2012, 121).
Ano ang pinakamakabuluhang mga bagay na natutuhan ko ngayon?
Ano ang gagawin ko dahil sa natutuhan ko ngayon?