Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Magreport


Magreport—Maximum na Oras: 25 Minuto

Mga Ipinangakong Gawin Noong Nakaraang Linggo

  1. Isagawa at ibahagi ang alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan] noong nakaraang linggo.

  2. I-update ang aking plano para maging self-reliant kung kailangan.

  3. Ibahagi sa pamilya o mga kaibigan ang aking plano para maging self-reliant.

  4. Kontakin at suportahan ang action partner ko.

Step 1: Mag-evaluate Kasama ang Action Partner (5 minuto)

Mag-ukol ng ilang minuto upang i-evaluate ang iyong mga pagsisikap na tuparin ang ipinangako mong gawin sa linggong ito. Gamitin ang tsart na “Pag-evaluate ng Aking mga Pagsisikap” sa simula ng workbook na ito. Ibahagi sa partner mo ang iyong evaluation at talakayin ninyo ang mga tanong sa ibaba. Pagkatapos ay mag-iinisyal siya kung saan tinukoy.

Talakayin:Ano ang naging mga hamon mo sa pagtupad sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito?

evaluating my efforts thumbnail

Step 2: Magreport sa grupo (8 minuto)

Matapos i-evaluate ang iyong mga pagsisikap, magsama-samang muli bilang grupo at ireport ang iyong mga resulta. Ikutin ang grupo at ipahayag ng bawat isa kung ang rating na ibinigay sa inyong sarili ay “pula,” “dilaw,” o “berde” para sa bawat isa sa mga ipinangako ninyong gawin noong nakaraang linggo.

Step 3: Ibahagi ang Iyong mga Karanasan (10 minuto)

Ngayo’y ibahagi bilang grupo ang mga bagay na natutuhan ninyo mula sa pagsisikap na tuparin ang mga ipinangako ninyong gawin sa buong linggo.

    Talakayin:
  • Ano ang mga naranasan mo sa pagsasagawa at pagbabahagi ng alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan]?

  • Ano ang natutuhan mo habang ina-update mo ang iyong plano para maging self-reliant?

  • Ano ang natutuhan mo nang ibahagi mo sa pamilya o mga kaibigan ang iyong plano para maging self-reliant?

  • Paano nakakatulong sa iyo ang pakikipagtulungan sa isang action partner?

Step 4: Pumili ng mga Action partner (2 minuto)

Pumili ng isang action partner mula sa grupo para sa darating na linggo. Karaniwan, ang mga action partner ay parehong lalaki o babae at hindi magkapamilya.

Mag-ukol ng ilang minuto ngayon para kausapin ang action partner mo. Ipakilala ang inyong sarili at pag-usapan kung paano ninyo makokontak ang isa’t isa sa buong linggo.

Pangalan ng action partner

Contact Information

Isulat kung paano at kailan ninyo makokontak ang isa’t isa sa linggong ito.

Lin

Lun

Mar

Miy

Huw

Biy

Sab