Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Pag-isipang Mabuti


Pag-isipang Mabuti—Maximum na Oras: 5 Minuto

Pag-isipan ng bawat isa kung ano ang natutuhan ninyo ngayon at isipin kung ano ang ipinagagawa sa inyo ng Panginoon. Basahin ang talata sa banal na kasulatan o ang sipi sa ibaba at isulat ang mga sagot sa mga tanong.

“Ang Panginoon at ang Kanyang Simbahan ay palaging hinihikayat ang mga tao na mag-aral upang dagdagan ang ating kakayahan na maglingkod sa Kanya at sa mga anak ng ating Ama sa Langit. Para sa bawat isa sa atin, anuman ang ating mga talento, may nakalaan Siyang paglilingkod na dapat nating ibigay. …

“… At kailangan natin ang tulong ng langit para malaman kung alin sa napakaraming bagay na mapag-aaralan natin ang pinakamainam nating matutuhan. Hindi tayo maaaring magsayang ng panahon sa paglilibang kapag may pagkakataon tayong … malaman kung ano ang totoo at kapaki-pakinabang” (Henry B. Eyring, “Real-Life Education,” New Era, Abr. 2009, 4, 6).

Ano ang pinakamakabuluhang mga bagay na natutuhan ko ngayon?

Ano ang gagawin ko dahil sa natutuhan ko ngayon?