Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Matuto


Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto

1. Ilahad ang Iyong Plano para Maging Self-Reliant at Matuto sa Isa’t Isa

Basahin:“Ang pangako ay mahalagang bahagi ng [pagbabago]. Ito ay pag-obliga sa sarili na gawin ang isang hakbang at pagkatapos ay masigasig na sundin ang desisyong iyon. Kapag tunay na nangako ang mga tao, mayroon silang tunay na hangarin, na ibig sabihin ay talagang gagawin nila ang ipinangako nilang gawin. Hind sila pabagu-bago at totohanan ang desisyon nilang magbago” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Paglilingkod ng Misyonero [2004], 223).

Ngayon ay ilalahad mo sa grupo ang iyong plano para maging self-reliant. Gamitin ang kinumpleto mong plano para maging self-reliant mula sa mga pahina 107–8. Ang mga miyembro ng grupo ay makikinig, magtatanong, at magbibigay ng feedback na makakatulong.

Talakayin:Ano ang pinakamahahalagang bagay na natutuhan mo sa miting ng grupo ngayon?