Pag-isipang mabuti: Paano ako aktuwal na maliligtas sa paglimot sa aking sarili sa paglilingkod sa iba?
Panoorin: “In the Lord’s Way,” makukuha sa srs.lds.org/videos . (Walang video? Basahin ang pahina 121 .)
Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.
Pangulong Henry B. Eyring : Ang mga alituntunin sa pundasyon ng welfare program ng Simbahan ay hindi lamang pangminsanan o pang-isang lugar. Ang mga ito ay para sa lahat ng panahon at lugar. …
… Ang pamamaraan para magawa ito ay malinaw. Yaong mas nakakaangat sa buhay ay dapat magpakumbaba ng kanilang sarili para tulungan ang mga nangangailangan. Yaong sagana ang buhay ay dapat magkusang isakripisyo ang kapanatagan, oras, mga skill, at resources upang maibsan ang paghihirap ng mga nangangailangan. At ang tulong ay dapat ibigay sa paraang magpapalakas sa kakayahan ng mga tinutulungan na pangalagaan ang kanilang sarili at pagkatapos ay pangalagaan ang iba. Kapag ginawa ito ayon sa paraan ng Panginoon, maaaring mangyari ang isang napakagandang bagay. Pinagpapala kapwa ang tumulong at ang tinulungan. (Hango mula sa isang mensaheng ibinigay ni Pangulong Eyring sa paglalaan ng Sugarhouse Utah Welfare Services Center, Hunyo 2011, LDS.org )
Pangulong Dieter F. Uchtdorf : Mga kapatid, lahat tayo ay may responsibilidad sa tipan na maging sensitibo sa mga pangangailangan ng iba at maglingkod tulad ng ginawa ng Tagapagligtas—tumulong, magbasbas, at magpasigla sa mga nasa paligid natin.
Kadalasan, ang sagot sa ating dalangin ay hindi dumarating habang nagdarasal tayo kundi habang naglilingkod tayo sa Panginoon at sa mga nasa paligid natin. Ang di-makasariling paglilingkod at lubos na paglalaan ay nagpapadalisay sa ating espiritu, nag-aalis ng tabing sa ating espirituwal na mga mata, at nagbubukas ng mga dungawan ng langit. Sa pagiging sagot sa dalangin ng iba, kadalasan ay nasasagot ang sarili nating dalangin.
(“Paghihintay sa Daan Patungong Damasco,” Ensign o Liahona, Mayo 2011, 76)
Bumalik sa pahina 120 .
Talakayin: Paano nabubuksan ng paglinglikod sa iba ang mga dungawan ng langit sa iyong buhay?
Basahin: Nadarama ng ilan na nararapat silang magkaroon ng anumang mayroon ang iba, na maaaring magsanhi ng hinanakit. Pakiramdam naman ng iba ay may karapatan sila sa mga bagay na hindi nila pinaghirapan. Ang dalawang patibong na ito ay bumubulag sa mga tao kaya hindi nila makita ang isang mahalagang katotohanan: lahat ng bagay ay sa Diyos. Ang hinanakit at pag-angkin ng karapatan ay madaraig sa pamamagitan ng pagtutuon sa mga pangangailangan ng iba. Basahin ang Mosias 2:17 , Mosias 4:26 , at ang sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley (sa kanan).
“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”
“At ngayon, alang-alang sa … pananatili ng kapatawaran ng inyong mga kasalanan sa araw-araw, … nais kong ibahagi ninyo ang inyong kabuhayan sa mga maralita, bawat tao alinsunod sa kung ano ang mayroon siya, gaya ng pagpapakain sa nagugutom, pagpapanamit sa hubad, pagdalaw sa may karamdaman, at pangangasiwa sa kanilang ikagiginhawa, kapwa espirituwal at temporal, alinsunod sa kanilang mga pangangailangan.”
“Kapag nagkakaisa kayo, ang inyong kapangyarihan ay walang-hangganan. Magagawa ninyo ang anumang naisin ninyong gawin.”
Gordon B. Hinckley , “Ang Iyong Pinakamalaking Hamon, Inay,” Liahona, Ene. 2001, 113
Step 1: Bilang grupo, mag-isip ng isang tao na nangangailangan ng tulong.
Step 2: Talakayin ang mga talento, kontak, at resources na maibibigay mo.
Step 3: Planuhing paglingkuran ang taong iyon. Halimbawa, maaari mong:
Magsagawa ng service project sa inyong komunidad.
Ihanda ang iyong family history gamit ang booklet na My Family: Stories That Bring Us Together. Pagkatapos ay magpunta sa templo at magsagawa ng mga sagradong ordenansa para sa mga kapamilyang yumao na.
Tumulong sa isang tao sa kanyang landas patungong self-reliance.
Basahin: Mga sinabi nina Elder Robert D. Hales at Pangulong Thomas S. Monson (sa kanan)
“Ang layunin ng [pagiging self-reliant sa] temporal at espirituwal ay ilagay ang ating sarili sa mas mataas na lugar nang maiahon natin sa hirap ang ibang nangangailangan.”
Robert D. Hales , “Pagkilala sa Ating Sarili: Ang Sakramento, ang Templo, at Sakripisyo sa Paglilingkod,” Ensign o Liahona, Mayo 2012, 36
“Kapag nagtutulungan tayo, … magagawa natin ang anumang bagay. Kapag ginawa natin ito, inaalis natin ang kahinaan ng isang taong nakatayong mag-isa at hinahalinhan ito ng lakas ng marami na sama-samang naglilingkod.”
Thomas S. Monson , “Church Leaders Speak Out on Gospel Values,” Ensign, Mayo 1999, 118
Mangakong Gawin: Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.