Talakayin:Naniniwala ka ba na may mga solusyon sa iyong problema? Paano tayo magiging marapat sa kapangyarihan ng Panginoon na tulungan tayo?
Basahin:Reperensya sa Handbook 2 at ang pahayag ni Elder Dallin H. Oaks (sa kanan). Ang pagiging self-reliant ay hindi nangangahulugan na maaari nating magawa o makamtan ang anumang naisin natin. Sa halip, ito ay paniniwala na sa pamamagitan ng biyaya, o nagbibigay-kakayahang kapangyarihan, ni Jesucristo at sa ating sariling pagsisikap, nakakamtan natin ang lahat ng espirituwal at temporal na pangangailangan sa buhay para sa ating sarili at sa ating pamilya. Ang self-reliance ay katibayan ng ating tiwala o pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na pagalawin ang mga bundok sa ating buhay at bigyan tayo ng lakas na magtagumpay sa mga pagsubok at paghihirap.
Talakayin:Paano ka natulungan ng biyaya ni Cristo na matamo ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan mo sa buhay?
Talakayin:Basahin ang pahayag ni Pangulong Marion G. Romney (sa kanan). Paano mo nalalaman kung nagiging mas self-reliant ka?
Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:
Basahin ang liham ng Unang Panguluhan sa loob ng pabalat sa harapan, at salungguhitan ang ipinangakong mga pagpapala. Ano ang kailangan mong gawin para matamo ang mga ito? Isulat ang mga ideya mo sa ibaba.
Ibahagi sa iyong pamilya o mga kaibigan ang natutuhan mo ngayon tungkol sa self-reliance.