Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
My Foundation [Ang Aking Saligan]: Hawakan nang Maayos ang Pera


My Foundation [Ang Aking Saligan]: Hawakan nang Maayos ang Pera—Maximum na Oras: 20 Minuto

Pag-isipang mabuti:Bakit napakahirap hawakan nang maayos ang pera—at bakit napakahalaga nito?

Panoorin:“First Things First!” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin sa pahina 22.)

Unahin ang Mahalaga!

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, pumili ng mga papel na gagampanan at basahin ang script na ito.

still from First Things First

Tagpo: Batang lalaki at babae, na nakadamit pang-matanda, at ginagaya ang akto ng mga magulang nila.

Batang lalaki: Narito na ako, mahal.

Batang babae: Welcome home. Naku, mukhang pagod ka.

Batang lalaki: Ikaw rin. Napakasipag mo, ’no?

Batang babae: Kailangan nating magtrabaho, ’di ba?

Batang lalaki: Kumita ako ng 10 ngayon.

Batang babae: Naku, blessing ’yan. Unahin muna natin ang mahalaga. Magbayad tayo ng ating ikapu.

Batang lalaki: Pero paano kung kulangin ang pera natin?

Batang babae: Diyan papasok ang pananampalataya!

Batang lalaki: Okey. Ano na ang susunod?

Batang babae: Bumili tayo ng pagkain, magtabi ng pamasahe, at magbayad ng upa sa bahay. At pagkatapos, magandang bumili ng isang upuan …

Batang lalaki: Pero hindi pwede. Hindi na sapat ang pera natin.

Batang babae: Pwede ba tayong umutang?

Batang lalaki: Sabi nila delikadong mangutang. Huwag tayong pumasok sa problema.

Batang babae: Okey. Tama ka. Eh, ano ang gagawin natin dito?

Batang lalaki: Impukin natin! Baka may mangyaring emergency.

Batang babae: Tama nga. Pero wala na tayong pang-pasyal.

Batang lalaki: Magkasama naman tayo! At daragdagan ko pa ang kita ko.

Batang babae: Hindi ako gaanong gagastos!

Batang lalaki: Sa ganyang paraan magiging masaya tayo—at self-reliant!

Batang babae: Tama! Hindi naman pala mahirap. Bakit pinapahirap pa ng matatanda?

Batang lalaki: Alam mo na. Ganoon talaga sila!

Bumalik sa pahina 20.

Talakayin:Bakit natin kailangang i-monitor at tipirin ang ating pera?

Basahin:Doktrina at mga Tipan 104:78 at ang pahayag mula sa Ihanda ang Bawat Kinakailangang Bagay (sa kanan)

Talakayin:Basahin kung paano hinahawakan nang maayos ng self-reliant ang kanyang pera (sa ibaba). Paano natin ito makakagawian?

diagram self-reliant approach

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.

  • I-monitor ang kinikita at ginagastos mo araw-araw. Sa pagtatapos ng linggong ito, sumahin ang mga numero at irekord ang mga kabuuang halaga sa Income and Expense Record sa pahina 15.

  • Ibahagi sa iyong pamilya o mga kaibigan ang natutuhan mo ngayon tungkol sa maayos na paghawak ng pera.