Pag-isipang Mabuti—Maximum na Oras: 5 minuto
Isiping mag-isa kung ano ang natutuhan mo ngayon at isipin kung ano ang ipagagawa sa iyo ng Panginoon. Basahin ang talata sa banal na kasulatan o ang sipi sa ibaba at isulat ang mga sagot sa mga tanong.
“Nakikita ng Diyos kung sino tayo talaga. … Ang Kanyang plano ay gawin tayong higit na dakila kaysa rati—higit pa sa kayang ilarawan ng ating isipan. Sa bawat hakbang ng pananampalataya sa landas ng pagkadisipulo, nagiging mga nilalang na may walang-hanggang kaluwalhatian at galak na siyang nilayong kahinatnan natin” (Dieter F. Uchtdorf, “Papasanin Ka Niya sa Kanyang Balikat at Iuuwi,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 104).
Ano ang pinakamakabuluhang mga bagay na natutuhan ko ngayon?
Ano ang gagawin ko dahil sa natutuhan ko ngayon?