Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto
-
Basahin:Kapag sinimulan mong saliksikin ang iyong mga opsiyon sa pag-aaral, tutulungan ka ng Ama sa Langit na makita ang mga posibilidad na nauukol sa iyo. Sisimulan mo ang pagtuklas na ito sa pag-aaral tungkol sa mga bagay na ito:
-
Ikaw ay may banal na potensyal.
-
Ang edukasyon ay makakatulong sa pagiging self-reliant.
-
Alamin kung magkano ang kailangan mong kitain para maging self-reliant
-
Simulan ang iyong plano para maging self-reliant.
-
1. Ikaw ay May Banal na Potensyal
-
Basahin:“Ang kaluwalhatian ng Diyos ay katalinuhan, o, sa ibang salita, liwanag at katotohanan” (D at T 93:36). Nais ng Diyos na magkaroon ka ng katalinuhan. Nais Niyang malaman mo ang gagawin sa buhay na ito. Nais niyang malaman mo kung paano tustusan ang iyong sarili at ang iyong pamilya, kapwa sa espirituwal at sa temporal.
-
Talakayin:Kailan ka natulungan ng Diyos na malaman ang isang bagay na nagtulot sa iyo na mas matustusan ang mga pangangailangan mo o ng iyong pamilya?
-
Basahin:Bilang anak ng Diyos, nagmana ka ng mga banal na ugali at kakayahan at may potensyal kang maging katulad ng iyong mga Magulang sa Langit. Maaari mong linangin ang mga ugali at kakayahang ito sa pamamagitan ng karanasan at pag-aaral. Maaari kang mag-aral at kumuha ng training sa pamamagitan ng pagpasok sa paaralan, pag-enrol sa isang training program, pagkatuto habang nagtrabaho, pag-aaral online, pagbabasa ng mga aklat, at sa marami pang ibang paraan.
“Ang edukasyon ay susi sa oportunidad” (Gordon B. Hinckley, “Ang Perpetwal na Pondong Pang-edukasyon,” Liahona, Hulyo 2001, 60).
-
- Talakayin:
-
Magkuwento sandali ang dalawa sa inyo tungkol sa isang taong kilala ninyo na gumanda ang buhay nang mag-aral pa o kumuha ng training.
-
Paano madaragdagan ng edukasyon o training ang iyong mga kakayahan at mabubuksan sa iyo ang mga pintuan ng oportunidad?
-
2. Ang Pag-aaral ay Isang Tulay sa Pagiging Self-Reliant
-
Basahin:Maaaring may agwat pagiging self-reliant mo ngayon at ang nais mong maabot. Ang iyong agwat ay maaaring malaki o maliit, pero agwat iyon na kailangang tawirin. Ang pag-aaral at training ay makakatulong na punan ang agwat na iyon. Ang pag-aaral at training ay maaaring humantong sa mas magandang trabaho, mas malaking kita, at pagiging mas self-reliant.
Ang tulay sa kasunod na pahina ay kumakatawan sa landas na susundan mo sa self-reliance group na ito. Susulong ka sa pamamagitan ng mga hakbang na ito tungo sa pagiging mas self-reliant.
-
Basahin:Habang patuloy kang sumusulong sa pagiging self-reliant mo, maaari mong tawirin ang tulay nang maraming beses sa iyong buhay para manatiling updated sa iyong trabaho, mahasa ang mga skill mo sa trabaho, o magbago ka ng trabaho o propesyon.
3. Alamin Kung Magkano ang Kailangan Mong Kitain para Maging Self-Reliant
-
Basahin:“Ang self-reliance ay ang kakayahan, tapat na pangako, at pagsisikap na maibigay sa sarili at sa pamilya ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan sa buhay” (Handbook 2: Administering the Church [2010], 6.1.1).
Isa sa mga unang hakbang sa landas ng iyong pag-aaral ay alamin kung magkano ang kailangan mong kitain para maging self-reliant. Sa sandaling malaman mo kung magkano ang kailangan mong kitain, masisimulan mo nang galugarin ang mga potensyal na trabaho at kailangang training.
Para matulungan kang malaman kung magkano ang kailangan mong kitain, irekord ang araw-araw mong kinikita at ginagastos sa isang notebook. Sa katapusan ng bawat linggo, sumahin ang mga numero at irekord ang kabuuang halaga sa Income and Expense Record sa pahina 15. Gagamitin mo ang rekord na ito sa susunod na ilang linggo. Ang impormasyong ito ay tutulungan kang pumili ng landas tungo sa angkop na trabaho at training.
4. Simulan ang Iyong Plano para Maging Self-Reliant
-
Basahin:Sa susunod na ilang linggo, magbubuo ka ng plano para maging self-reliant. Para simulan ang iyong plano para maging self-reliant, magsimula sa isang mithiin para maging self-reliant. Halimbawa, isinulat ng isang participant:
“Kukuha ako ng trabahong mas malaki nang 20,000 kaysa sa kinikita ko ngayon para matustusan ko ang mga pangangailangan ng aking pamilya at makaipon ako para sa mga emergency.”
-
Talakayin:Ano ang pinakamahahalagang bagay na natutuhan mo sa mga miting ng grupo ninyo ngayon?