Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Matuto


Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto

Basahin:Ang miting ng grupo noong nakaraang linggo ay nagtuon sa pananatili sa landas at pagtatapos sa training mo. Ngunit kahit natapos mo na ang training mo, tandaan na ang layunin mo sa pag-aaral ay para makakuha ng mas magandang trabaho. Maghanda na talagang makuha ang trabahong pinili mo sa paggawa ng mga sumusunod:

  1. Maghanda nang maaga para maipakita mo na ikaw ang tamang piliin para sa trabaho.

  2. Gumawa ng isang talaan.

  3. Network.

  4. Bayaran ang mga student loan mo.

  5. Patuloy na mag-aral.

  6. Turuan ang iba.

1. Maghanda nang Maaga para Maipakita Mo na Ikaw ang Tamang Piliin para sa Trabaho

Talakayin:Kung ikaw ay isang hiring manager, sino sa tatlong taong ito ang pipiliin mong magtrabaho para sa iyo? Bakit?

Jessica

Anthony

Camille

  • Apat na taon ng pag-aaral

  • Walang karanasan sa trabaho

  • Dalawang taon ng pag-aaral

  • Dalawang taong nagtrabaho sa isang larangang walang kaugnayan sa trabahong gustong pasukan

  • Dalawang taon ng pag-aaral

  • Dalawang taong nagtrabaho sa iyong kumpanya habang nag-aaral

Basahin:Habang mas pinaghahandaan mo ang trabahong gusto mo, mas malaki ang tsansa mong makapasok sa trabahong iyon. Magtamo ng mas maraming karanasan sa trabaho sa iyong larangan hangga’t maaari habang nag-aaral.

Si Arlene ay may aktuwal na karanasan sa health care sa loob ng maraming taon, kaya malaki ang tsansa niyang magtrabaho sa health care administration. Si Rachel ay walang karanasan bilang paralegal, pero maaari siyang magpakita ng maraming taon ng katapatan bilang isang tapat na empleyado sa ibang mga larangan.

Talakayin:Anong karanasan sa trabaho ang makukuha mo habang nag-aaral?

Basahin:Ang layunin mo sa pag-aaral ay para makahanap ng mas magandang trabaho. Kapag nagsimula ka nang mag-aral, simulang pag-aralan ang nakapaskil na mga trabaho para maging pamilyar sa hinahanap ng mga employer. Planuhin ang pag-aaral mo para higit na matugunan ang mga kwalipikasyong iyon.

Halimbawa, naghanap si Juan ng mga job description sa internet at nakipag-usap sa ilang tao. Pagkatapos ay isinulat niya ang mga skill at kaalamang kailangan niyang taglayin para maging kwalipikado sa posisyon ng isang oil rig welder. Ganito ang isinulat niya:

Mga skill at kaalamang kailangan ko:

  1. Magbasa at umunawa ng mga blueprint.

  2. Alamin ang mga terminolohiya ng industriya.

  3. Maging mahusay sa iba’t ibang pamamaraan ng pagwe-welding.

  4. Mag-welding sa mahihirap na kundisyon.

Natanto rin ni Juan na para makalamang siya sa ibang mga aplikante sa trabaho, dapat siyang magkaroon ng iba pang mga skill at kaalaman. Isinulat niya ang mga sumusunod:

Karagdagang mga skill o kaalaman:

  • Underwater welding

  • Automated welding

Basahin:Repasuhin paminsan-minsan ang mga skill at kaalamang nililinang mo, at ikumpara ang mga ito sa hinahanap ng mga employer.

2. Mag-ingat ng Talaan

Basahin:Ang pag-iingat ng talaan ng iyong mga kwalipikasyon, nagawa, at edukasyon ay malaking tulong kapag nag-aaplay para sa mga internship at trabaho.

Mag-ingat ng isang talaan ng iyong mga naging trabaho at pinag-aralan, kasama ang mga petsa. Tiyaking isama ang mga nagawa, proyekto, award, pagkilala, at anumang iba pang mga bagay na makakapagpakita na magiging mahusay ka sa pinili mong trabaho.

Hinihiling ng ilang employer na makita ang mga halimbawa ng iyong pagsulat, kagalingan sa sining, mga nagawa mo, at iba pang mga bagay na nagawa mo sa iyong pag-aaral. Magtago ng isang portfolio ng mga halimbawa para maihanda mo kapag hiningi ang mga ito sa iyo.

Tinitingnan ng ilang employer ang partisipasyon mo sa mga website at forum para makita kung gaano ka kahusay sa pakikipagtulungan sa mga tao at ang kalidad ng iyong mga naiambag sa mga talakayan.

Talakayin:Ano ang ilang paraan sa paggawa ng talaan o mga halimbawa ng iyong ginagawa para makita ng mga employer kung mayroon kang mga skill at karanasan na mahalaga sa kanila?

3. Network

Basahin:Maraming naghahanap ng trabaho sa pagtingin lamang sa mga job advertisement, pero karamihan sa kanila ay nakakakita ng trabaho sa pamamagitan ng networking, o pakikipag-usap sa mga taong makakatulong sa kanila na makahanap ng mga organisasyong nangangailangan ng kanilang mga skill.

networking graphic

Basahin:Palaging palakihin ang iyong network habang nag-aaral ka at kapag nakatapos ka na. Kilalanin ang iyong mga instructor, mga taong nagtatrabaho sa iyong larangan, at iba pang mga miyembro ng klase. Malay mo kung sino sa nasa network mo ang makakatulong sa iyo na makakita ng trabahong hinahanap mo. Ang networking ay tungkol sa mga relasyon. Humanap ng mga paraan para makaugnay sa iba at makabuo ng ganitong mga relasyon.

Basahin:Kung may access ka sa mga online social network, mag-ukol ng panahon sa linggong ito na hanapin ang mga network na iyon para makakonekta ka sa mga kumpanya na interesado ka. Ang ilang social networking program ay partikular na nililikha para tulungan kang kumonekta sa mga kumpanya.

Kahit matapos mong gawin ang exercise na ito, maaaring wala kang mahanap na anumang personal na koneksyon sa mga kumpanya na interesado ka. Huwag mag-alala. Magsimulang makipagkilala nang maaga sa maraming tao habang nag-aaral ka para lumawak ang network mo at mabuksan sa iyo ang mas marami pang oportunidad.

4. Bayaran ang Iyong mga Student Loan

Basahin:Kung hihiram ka ng pera para sa pag-aaral, responsibilidad mong bayaran ito. Itinuro ni Pangulong Hinckley: “Ang mga [tumanggap] ay babayaran ang salapi, at kapag nagawa nila ito, matatamasa nila ang kahanga-hangang damdamin ng kalayaan dahil napagbuti nila ang kanilang buhay. … Makapagmamalaki sila sa diwang sila ay nakapagsarili” (“Ang Perpetwal na Pondong Pang-edukasyon,” Liahona, Hulyo 2001, 62).

Ang hindi pagbabayad ng utang ay pagnanakaw ng pera, ngunit sinusubukan ng ilang tao na pangatwiranan ang kanilang sarili dahil:

  • Pakiramdam nila ay may karapatan sila sa pera at iniisip nila na hindi mahalaga kung bayaran man nila ito.

  • Hindi sila nakakakuha ng trabaho, o maliit ang kita nila sa trabaho.

  • Ginagastusan nila ang ibang mga bagay sa halip na tugunan ang kanilang obligasyong bayaran ang utang.

Maaaring magkaroon ng mga pagkakataon na mahirapan kang magbayad ng iyong utang.

Tumigil si Stefano sa pag-aaral ilang taon na ang nakalipas, kinailangan niyang magsimulang magbayad ng 100 kada buwan sa kanyang student loan. Wala siyang sapat na pera para bayaran ito nang buo. Tumawag siya sa kumpanyang nagpautang at nagtanong kung puwede siyang magbayad ng 50 kada buwan hanggang sa makakita siya ng trabaho. Pumayag sila. Ilang buwan siyang nagbayad ng 50, at pagkatapos ay nagsimula siyang magbayad ulit ng 100 nang makakita siya ng trabaho.

Talakayin:Ano ang ilang iba pang paraan para patuloy mong mabayaran ang iyong utang kahit sa oras ng kagipitan?

5. Patuloy na Matuto

Basahin:Ang matatagumpay na tao ay patuloy na naghahangad na matuto. Mabilis magbago ang job market; para maging self-reliant, kailangan mong patuloy na maghanda para sa mas magagandang trabaho. Ang ibig sabihin nito ay patuloy na matuto habang nabubuhay ka.

three bridges road

Ipinayo ni Pangulong James E. Faust: “Makibagay sa trabaho mo. … Dapat ay handa tayong matuto ng mga bagong skill na hinahanap ng mga employer. Napakaraming [tao] na nakasumpong ng bagong kagalakan at kasiyahan sa pagkakaroon ng pangalawang propesyon na walang-walang kinalaman sa trabaho na orihinal nilang kinasanayan. … Ang pagiging flexible sa approach natin sa mga oportunidad sa trabaho ay maaaring gawing posible na hindi tayo magipit sa pera” (“The Blessings We Receive as We Meet the Challenges of Economic Stress,” Ensign, Nob. 1982, 90).

Talakayin:Paano ka maghahanda at aakma sa nagbabagong job market?

Basahin:Kapag malapit ka nang matapos sa iyong training, mag-enrol sa self-reliance group na Find a Better Job [Maghanap ng Mas Magandang Trabaho] para matulungan kang makakuha ng trabahong hinahanap mo.

6. Turuan ang Iba

Basahin:Maaari ka ring “maging tulay” sa pamamagitan ng pagtuturo sa iba. Turuan sila sa pamamagitan ng paggawa ng mga sumusunod:

  1. Mahalin sila. Pakinggan kung ano ang gusto nilang gawin. Maging matiyaga kung mabagal ang kanilang progreso o kung makaranas sila ng kabiguan.

  2. Magtanong. Ang mga tanong ay matutulungan silang isipin ang kinabukasan, maunawaan ang kanilang mga hamon, at mahanap ang sarili nilang mga solusyon.

  3. Hikayatin sila. Kahit mahirap, hikayatin ang mga kaibigan mo na manampalataya at patuloy na magtrabaho. Maging handang kausapin sila at makinig kapag nagreport sila ng kanilang progreso.

  4. Ibahagi sa iyong mga kaibigan, anak, at iba pang Latter-day Saints ang mga alituntuning ito at ang mga estratehiya ng self-reliance.

Itinuro ni Pangulong Thomas S. Monson:

“Responsibilidad nating …maging karapat-dapat sa lahat ng maluwalhating pagpapalang laan sa atin ng ating Ama sa Langit—at sa iba sa pamamagitan natin.

“… Alalahanin kung sino kayo at kung ano ang inaasahan ng Diyos na kahinatnan ninyo. Kayo ay may kinabukasan” (“Isang Sagradong Pagtitiwala,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 85).

Talakayin:Ano ang pinakamahahalagang bagay na natutuhan mo sa miting ng grupo ngayon?