Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
My Foundation [Ang Aking Saligan]: Maging Responsable at Magtiyaga


My Foundation [Ang Aking SALIGAN]: Magtrabaho: Maging Responsable at Magtiyaga—Maximum na Oras: 20 Minuto

Pag-isipang mabuti:Bakit nais ng Ama sa Langit na maging responsable ako sa buhay ko?

Panoorin:“Sedrick’s Journey,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 99.)

Ang Paglalakbay ni Sedrick

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

still from Sedrick’s Journey

Sedrick: Ako si Sedrick Kambesabwe. Nakatira ako sa Democratic Republic of the Congo. Miyembro ako ng LDS Church.

Branch missionary ako sa nayon ng Kipusanga. Kailangan kong maghanda sa pagmimisyon sa ibang bansa. Para makapagmisyon, kailangan ko ng passport, na nagkakahalaga ngayon ng 250 U.S. dollars.

Para kumita, bumibili kami ng tatay ko ng mga saging. Maraming inaaning saging ang ilang nayon: Tishabobo, Lusuku, at Kamanda.

Ang Tishabobo ay mga 9 na milya ang layo mula rito. Ang Lusuku ay 18 milya. Gayon din ang Kamanda. Pumupunta kami roon at bumibili ng mga saging, at ibinibenta rito sa amin.

Para makapunta sa mga nayon, nagbibisikleta kami. Ang kaya naming dalhin ay apat o anim na buwig ng saging.

Kapag nakabisikleta ako, inaabot ng isa’t kalahating oras ang papunta at gayon din ang pabalik, kung hindi sira ang bisikleta at may lakas pa ako. Kapag tanghaling-tapat at masyadong mainit, mabagal ang pagbisikleta ko dahil sa tindi ng sikat ng araw.

Dalawang biyahe ang magagawa ko kada araw kung madaling-araw ako gigising. Magandang paraan ito para mabayaran ang passport ko.

Ngayon kumikita na ako ng pera, paunti-unti, kaya nag-iimpok ako para sa pag-aaral at misyon ko. At ngayon, makalipas ang apat na taong pagtatrabaho, may pambayad na ako para sa passport ko at 70 dollars na ipon.

Bumalik sa pahina 98.

Talakayin:Paano tayo natututong magpatuloy, kahit mahirap ang trabaho?

Basahin:Doktrina at mga Tipan 42:42 at ang sinabi ni Pangulong James E. Faust (sa kanan)

Talakayin:Basahin ang sinabi ni Elder D. Todd Christofferson (sa pahina 99). Bakit inaasahan ng Panginoon na pagtrabahuhan natin ang ating tinatanggap?

Pag-isipang mabuti:Basahin ang sinabi ni Pangulong Thomas S. Monson (sa kanan). Paano ako tumutugon kapag nakakaranas ako ng kabiguan?

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Pumili ng isang bagay na mahirap o hindi komportableng gawin at tapusin ang gawain. Isulat ito sa ibaba.

  • Ibahagi sa iyong pamilya at mga kaibigan ang natutuhan mo ngayon tungkol sa trabaho at pagtitiyaga.