Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Pagsisimula


Pagsisimula—Maximum na Oras: 15 Minuto

Magkaroon ng pambungad na panalangin.

Ipakilala ang inyong sarili. Magpakilala ang bawat isa sa inyo at magsabi ng isang bagay tungkol sa sarili sa loob ng isang minuto.

Welcome sa Ating Self-Reliance Group!

Basahin:Ang grupong ito ay tutulungan kang sundin ang payo ng mga lingkod ng Panginoon tungkol sa paghahangad na mag-aral o mag-training pa para makakuha ng trabaho na tutulong sa iyo na maging self-reliant. Partikular dito, ikaw ay lilikha ng isang mithiin para maging self-reliant, pipili ng isang trabahong magbibigay sa iyo ng kita na kailangan mo para makamit ang mithiing iyan, pipili ng kurso o training na kailangan mo para makapasok sa trabahong iyon, magpapasiya kung paano mo babayaran ang pag-aaral o training mo, at maghahanda para magtagumpay sa iyong pag-aaral at propesyon. Bawat miting ng grupo ay tumatagal nang mga dalawang oras.

Paano Ito Ginagawa?

Basahin:Ang mga self-reliance group ay parang isang council. Walang guro o eksperto. Sa halip, susundin mo ang nakasaad sa mga materyal. Sa patnubay ng Espiritu, tutulungan ninyo ang isa’t isa tulad ng mga sumusunod:

  • Pareho kayong mag-ambag sa mga talakayan at aktibidad. Hindi dapat mangibabaw ang sinuman, lalo na ang facilitator, sa usapan.

  • Mahalin at suportahan ang isa’t isa. Magpakita ng interes, magtanong, at kilalanin ang isa’t isa.

  • Magbahagi ng positibo at angkop na mga komento.

  • Gumawa at tumupad ng mga pangako.

Itinuro ni Elder M. Russell Ballard, “Walang problema sa pamilya, ward, o stake na hindi malulutas kung maghahanap tayo ng mga solusyon ayon sa paraan ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpapayo—talagang pagpapayo—sa isa’t isa” (Counseling with Our Councils, binagong edisyon [2012], 4).

Panoorin:“My Self-Reliance Group,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Lumaktaw sa “Kung Walang Guro, Paano Namin Malalaman Kung Ano ang Gagawin?” sa pahina 3.)

Talakayin:Paano naging napakatagumpay ng grupo sa video? Ano ang gagawin ninyo bilang grupo para magkaroon ng isang karanasang nagpapabago ng buhay?

Kung Walang Guro, Paano Natin Malalaman ang Gagawin?

Basahin:Madali lang iyan.” Sundin lang ang nakasaad sa mga materyal. Bawat kabanata sa workbook ay may anim na bahagi:

  • Report: Talakayin ang progreso mo sa pagtupad sa iyong mga pangako sa loob ng linggong iyon.

  • Saligan: Repasuhin ang alituntunin ng ebanghelyo na hahantong sa mas espirituwal na self-reliance.

  • Matuto: Matuto ng mga practical skill na hahantong sa mas malaking temporal na self-reliance.

  • Pag-isipang Mabuti: Pakinggan ang Espiritu Santo na magbigay ng inspirasyon.

  • Mangako: Mangakong kumilos ayon sa mga pangako sa buong linggo na makakatulong sa progreso mo.

  • Kumilos: Sa buong linggo, isagawa ang natutuhan mo.

Paano Gamitin ang Workbook na Ito

Kapag nakita mo ang mga pahiwatig na ito, sundin ang mga tagubiling ito:

Basahin

Panoorin

Talakayin

Pag-isipang Mabuti

Aktibidad

Magbasa nang malakas ang isang tao para sa buong grupo.

Panoorin ng buong grupo ang video.

Magbahagi ng mga ideya ang mga miyembro ng grupo sa loob ng dalawa hanggang apat na minuto.

Tahimik na mag-isip, magnilay-nilay, at sumulat ang bawat isa sa loob ng dalawa o tatlong minuto.

Mag-isang gumawa o makipagtulungan sa iba ang mga miyembro ng grupo sa loob ng itinakdang oras.

Sertipiko ng Pagtatapos

Basahin:Ang mga miyembro ng grupo na dumadalo sa mga miting at tumutupad sa kanilang mga pangako ay maaaring tumanggap ng self-reliance certificate mula sa LDS Business College. Tingnan sa pahina 209.