Pag-isipang mabuti: Bakit tinutulutan ng Ama sa Langit na magkaroon tayo ng mga problema at pagsubok?
Panoorin: “A Bigger Truck?” makukuha sa srs.lds.org/videos . (Walang video? Basahin ang pahina 167 .)
Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.
Elder Dallin H. Oaks : Dalawang lalaki ang nagsosyo. Nagtayo sila ng maliit na silungan sa tabi ng mataong daan. Kumuha sila ng isang sasakyan at nagpunta sa bukid ng isang magsasaka, at doo’y bumili sila ng isang trak ng milon na isang dolyar bawat isa. Dinala nila ang trak na puno ng milon sa kanilang silungan sa tabi ng daan, at doo’y ipinagbili ang kanilang mga milon ng isang dolyar bawat isa. Nagbalik sila sa bukid ng magsasaka at bumili ng isa pang trak ng milon na tig-iisang dolyar ang halaga. Dinala [nila] ang mga ito sa tabi ng daan, muling ipinagbili sa halagang isang dolyar ang bawat milon. Habang papunta sila muli sa bukid ng magsasaka upang muling magkarga, sinabi ng isang kasosyo sa isa, “Kaunti lang yata ang kita natin sa negosyong ito, di ba?” “Hindi naman,” sagot ng isa pa. “Palagay mo ba’y kailangan natin ng mas malaking trak?”
(“Pokus at mga Priyoridad,” Liahona, Hulyo 2001, 99)
Bumalik sa pahina 166 .
Talakayin: Ano ang tunay na problema sa kuwentong ito? Ano ang ilang opsiyon para sa dalawang lalaki?
Basahin: Doktrina at mga Tipan 9:7–9 at ang pahayag ni Elder Robert D. Hales (sa kanan)
“Masdan, hindi mo naunawaan; inakala mo na aking ibibigay ito sa iyo, gayong wala kang inisip maliban sa ito ay itanong sa akin.
“Subalit, masdan, sinasabi ko sa iyo, na kailangan mong pag-aralan ito sa iyong isipan; pagkatapos kailangang itanong mo sa akin kung ito ay tama, at kung ito ay tama aking papapangyarihin na ang iyong dibdib ay mag-alab; samakatwid, madarama mo na ito ay tama.
“Subalit kung ito ay hindi tama wala kang madaramang gayon, kundi ikaw ay magkakaroon ng pagkatuliro ng pag-iisip na magiging dahilan upang makalimutan mo ang bagay na mali.”
Doktrina at mga Tipan 9:7–9
“Inaasahan ng Panginoon na tutulong tayong lutasin ang sarili nating mga problema. … Tayo ay nag-iisip at matatalinong tao. May kakayahan tayong matukoy ang ating mga pangangailangan, magplano, magtakda ng mga mithiin, at lutasin ang ating mga problema.
Robert D. Hales , “Every Good Gift,” New Era, Ago. 1983, 8, 9
Step 1: Pumili ng isang partner, at basahin ang mga hakbang sa ibaba.
Step 2: Pumili ng isang problemang kinakaharap mo at isulat ito sa ibaba.
Gumawa ng Tala
Step 3: Gamitin ang bawat hakbang sa iyong problema.
Tukuyin:
Pag-aralan ang mga opsiyon:
Gumawa ng Tala
Magpasiya at kumilos:
Gumawa ng Tala
Basahin:1 Nephi 17:51 at 1 Nephi 18:2–3 (sa kanan)
“At ngayon, kung ang Panginoon ay may gayon kadakilang kapangyarihan, at makagagawa ng maraming himala sa mga anak ng tao, paanong hindi niya ako maaaring atasan, na ako ay gumawa ng sasakyang-dagat?”
“Ngayon ako, si Nephi, ay hindi ginawa ang mga kahoy alinsunod sa pamamaraang natutuhan ng tao, ni aking binuo ang sasakyang-dagat alinsunod sa pamamaraan ng tao; kundi binuo ko ito alinsunod sa pamamaraang ipinakita ng Panginoon sa akin; kaya nga, hindi ito alinsunod sa pamamaraan ng tao.
“At ako, si Nephi, ay madalas na umakyat sa bundok, at madalas akong nanalangin sa Panginoon; anupa’t nagpakita sa akin ang Panginoon ng mga dakilang bagay.”
Talakayin: Paano nakagawa ng sasakyang-dagat si Nephi?
Mangakong Gawin: Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.
Kumilos ayon sa mga hakbang na tinalakay mo sa aktibidad para simulan ang paglutas sa problema mo. Tandaan, huwag kang susuko. Mahabang panahon ang kailangan para malutas ang mga problema at gumawa ng mga pagbabago.
Ibahagi sa iyong pamilya o mga kaibigan ang natutuhan mo ngayon tungkol sa paglutas ng mga problema.