Pag-isipang Mabuti—Maximum na Oras: 5 Minuto
Pag-isipang mag-isa kung ano ang natutuhan mo ngayon at isipin kung ano ang ipinagagawa sa iyo ng Panginoon. Basahin ang talata sa banal na kasulatan o ang sipi sa ibaba at isulat ang mga sagot sa mga tanong.
“Maghanap ng kaalaman maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya; isaayos ang inyong sarili; ihanda ang bawat kinakailangang bagay; at magtayo ng isang bahay, maging isang bahay ng panalanginan, isang bahay ng pag-aayuno, isang bahay ng pananampalataya, isang bahay ng pagkakatuto, isang bahay ng kaluwalhatian, isang bahay ng kaayusan, isang bahay ng Diyos” (D at T 109:7–8).
Ano ang pinakamakabuluhang mga bagay na natutuhan ko ngayon?
Ano ang gagawin ko dahil sa natutuhan ko ngayon?