Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Matuto


Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto

Basahin:Noong nakaraang linggo natutuhan mo na ang edukasyon at training ay maaaring maging tulay sa pagiging self-reliant, tungo sa mas magandang trabaho at dagdag na kita. Sa linggong ito sisimulan mong tuklasin ang trabahong gusto mo. Makakatulong sa iyo ang pagkatuto tungkol sa mga sumusunod habang inaasam mong makakita ng trabaho sa hinaharap:

  1. Gumawa ng mga desisyon.

  2. Kinukuha ng mga kumpanya ang mga taong may pakinabang.

  3. Alamin kung ano ang maibibigay mo sa mga employer.

  4. Alamin kung sino ang kakausapin.

  5. I-update ang aking plano para maging self-reliant

1. Gumawa ng mga Desisyon

Basahin:Madalas tayong paalalahanan ni Pangulong Thomas S. Monson na “mga desisyon ang tumitiyak sa tadhana” (“Decisions Determine Destiny,” New Era, Nob. 1979, 4). Kakailanganin mong gumawa ng mga desisyon sa iyong landas patungong self-reliance. Sa susunod na limang linggo, magtutulungan kayong gawin ang sumusunod na mga desisyon:

  • Anong trabaho ang gusto mo

  • Anong edukasyon o training program ang gagawin mo

  • Paano magbabayad para sa iyong edukasyon o training

Talakayin:Ano ang pakiramdam mo sa pagkabatid na gagawin mo ang mga desisyong ito sa susunod na ilang linggo?

Basahin:Maaaring mag-alala ka na baka magkamali ka ng pagpili ng trabahong dapat mong gawin at kung anong training ang dapat mong kunin. Maraming tao ang sobrang mag-isip tungkol sa kanilang mga desisyon. Maaaring gusto nila ng napakalilinaw na sagot bago sila magpatuloy. Ngunit madalas tayong bigyan ng Ama sa Langit “[na]ng taludtod sa taludtod, [na]ng tuntunin sa tuntunin, kaunti rito at kaunti roon” (2 Nephi 28:30).

Matutulungan ka ng Ama sa Langit na gumawa ng mga desisyon. Makinig habang nagtuturo si Elder David A. Bednar tungkol sa kung paano nakikipag-ugnayan sa atin ang Diyos.

Panoorin:“Patterns of Light: Spirit of Revelation,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang mga pahina 39–40.)

video icon

Talakayin:Paano ka matutulungan ng Ama sa Langit na magdesisyon tungkol sa isang trabaho o training?

Basahin:Maaaring hindi mo lubusang alam ang gawaing dapat mong gawin ngayon mismo, ngunit gawin mo ang susunod na hakbang, at pagkatapos ay ang susunod na hakbang. Patuloy na sumulong. Maghanap ng impormasyon, magnilay, at manalangin, ngunit huwag mag-isip nang sobra at huwag mag-alinlangan. Ipinayo ni Elder Dallin H. Oaks, “[Ang] paghahayag sa mga anak ng Diyos ay dumarating kapag sila ay kumilos” (“Sa Kanyang Sariling Panahon, sa Kanyang Sariling Paraan,” Liahona, Ago. 2013, 22).

Talakayin:Paano natin matutulungan ang isa ‘t isa na “kumilos” upang matanggap natin ang paghahayag na kailangan natin sa paggawa ng mga desisyon?

Basahin:Sa mga materyal na ito, makikilala ninyo ang mga kathang-isip na tauhan na sinusubukang gumawa ng mga desisyon habang sinisikap nilang maging self-reliant.

Kilalanin si Stefano, edad 28. Si Stefano ay binata at nakatira sa bahay ng kanyang mga magulang. Noong bata pa siya, nag-aral siya nang isang taon sa isang unibersidad para maging inhinyero, pero nag-drop out siya. Matagal na niyang sinasabing, “Dapat talaga akong mag-aral ulit, pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong pag-aralan.”

Kailangang desisyunan ni Stefano kung anong trabaho ang gusto niya bago siya magpasiya kung ano ang pag-aaralan. Gaya ni Stefano, sisimulan mo ring tuklasin kung anong trabaho ang gusto mo.

2. Kinukuha ng mga Kumpanya ang mga Taong May Pakinabang.

Basahin:Walang anumang bagay sa buhay ang nagbibigay sa atin ng karapatang magtagumpay nang walang kahirap-hirap. Sabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley, “Trabaho ang himalang naglalabas ng talento at tumutupad sa mga pangarap” (“To a Man Who Has Done What This Church Expects of Each of Us” [Brigham Young University devotional, Okt. 17, 1995], 6, speeches.byu.edu).

Kumukuha ng mga tao ang mga kumpanya para tulungan silang kumita ng pera o lumutas ng mga problema. Hindi sila kumukuha ng mga tao para lamang kumita ng pera ang mga empleyado. Kung mahusay ka sa paggawa ng isang partikular na trabaho, maaaring handa ang mga kumpanya na kunin ka at bayaran para sa gawaing iyon. Ang edukasyon at training ay matutulungan kang magtamo ng mga skill at kadalubhasaan na mapapakinabangan ng isang kumpanya, na nagbubunga ng mas magandang trabaho para sa iyo.

Talakayin:Bakit mahalaga para sa isang empleyado na magkaroon ng pakinabang sa isang employer kapalit ng suweldo?

3. Alamin Kung Ano ang Maibibigay Mo sa mga Employer

Basahin:Dahil ang mga employer ay naghahanap ng mga tao na mapapakinabangan sa kanilang mga kumpanya, mahalagang malaman mo kung ano ang maibibigay mo sa mga employer. Saang trabaho ka mahusay? Saang trabaho ka magiging mahusay?

Kailanma’y hindi nagbigay ang Panginoon ng listahan ng mga propesyon na nakaranggo mula sa pinakamahalaga hanggang sa pinakamaliit ang halaga. Itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley: “Wala akong pakialam kung ano ang gusto ninyo basta’t marangal iyon. Isang mekaniko, kantero, tubero, electrician, doktor, abugado, negosyante. … Ngunit anuman kayo, humanap ng pagkakataong magsanay para dito at samantalahin nang husto ang pagkakataong iyon” (Teachings of Gordon B. Hinckley [1997], 172).

4. Alamin Kung Sino ang Kakausapin

Basahin:Marami sa mga aktibidad sa workbook na ito ang hihilingan kayong makipag-usap sa iba sa labas ng grupo.

Halimbawa, ang pinakamainam na paraan para makaalam tungkol sa trabaho ay makipag-usap sa mga tao na iyon ang trabaho. Ang isa sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito ay saliksikin ang tatlong trabaho na interesado ka sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga taong nasa posisyong iyon. Ang mga pag-uusap na ito ay tutulungan kang gumawa ng mabubuting desisyon tungkol sa iyong training at trabaho sa hinaharap.

Ang ilang taong nakikilala mo ay makakatulong nang malaki at interesado sa iyong tagumpay. Maaari silang maging “mga mentor” sa iyo. Ang mentor ay isang taong pinagtitiwalaan mo na maaaring magpayo, magbilin, o gumabay sa iyo. Ang mentor ay maaaring magbigay sa iyo ng mga ideya, iangat ang iyong tingin, at tulungan kang paunlarin ang iyong buong potensyal. Manalangin na patnubayan kang mahanap at mapaunlad ang espesyal na mga pagkakaibigang ito.

Ang pagkausap sa mga tao tungkol sa mga bagay na ito ay hindi mahirap. Maaari mong sabihing, “Hi, Joseph. Iniisip kong maging computer programmer. Alam kong nagtatrabaho ka bilang programmer. May ilang minuto ka ba para sagutin ang ilang tanong ko?” Karamihan sa mga tao ay handa at masayang makatulong.

Talakayin:Kailan ka nakapagtanong ng isang mahalagang bagay sa isang tao tungkol sa trabaho at nakatanggap ng sagot na nakakatulong?

Basahin:Kapag humingi ka ng payo sa iba:

  • Magkaroon ng ilang partikular na itatanong (tiyaking angkop ang mga tanong).

  • Isulat ang sinasabi nila sa inyo.

  • Huwag kang lumagpas sa oras na hiniling mo (panatilihin itong maikli).

  • Maging magalang.

  • Huwag kang humiling ng trabaho sa taong iyon.

  • Pasalamatan ang tao para sa kanyang panahon.

5. I-update ang Iyong Plano para Maging Self-Reliant

Talakayin:Ano ang pinakamahalagang bagay na natutuhan mo sa miting ng grupo ngayon?