Magreport—Maximum na Oras: 25 Minuto
Mga Ipinangakong Gawin Noong Nakaraang Linggo
-
Isagawa at ibahagi ang alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan] noong nakaraang linggo.
-
Simulan ang aking plano para maging self-reliant sa pagdarasal tungkol sa aking mithiin para maging self-reliant at kausapin ang mga kapamilya o kaibigan tungkol dito.
-
I-monitor ang araw-araw na mga gastusin ko.
-
Kontakin at suportahan ang aking action partner.
Step 1: Mag-evaluate Kasama ang Action Partner (5 minuto)
Mag-ukol ng ilang minuto para i-evaluate ang mga pagsisikap mong tuparin ang mga ipinangako mong gawin sa linggong ito. Gamitin ang tsart na “Pag-evaluate sa Aking mga Pagsisikap” sa simula ng workbook na ito. Ibahagi sa partner mo ang iyong evaluation at talakayin ninyo ang tanong sa ibaba. Pagkatapos ay mag-iinisyal siya kung saan tinukoy.
-
Talakayin:Ano ang naging mga hamon mo sa pagtupad sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito?
Step 2: Magreport sa Grupo (8 minuto)
Matapos i-evaluate ang iyong mga pagsisikap, magsama-samang muli bilang grupo at ireport ang iyong mga resulta. Ikutin ang grupo at ilalahad ng bawat isa kung ang markang ibinigay sa inyong sarili ay “pula,” “dilaw,” o “berde” para sa bawat isa sa mga ipinangakong gawin noong nakaraang linggo.
Step 3: Ibahagi ang Iyong mga Karanasan (10 minuto)
Ngayo’y ibahagi bilang isang grupo ang mga bagay na natutuhan ninyo mula sa pagsisikap na tuparin ang mga ipinangako ninyong gawin sa buong linggo.
-
- Talakayin:
-
Ano ang mga naranasan mo sa pagsasagawa at pagbabahagi ng alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan]?
-
Ano ang natutuhan mo nang ipagdasal mo ang iyong mga mithiin para maging self-reliant at kausapin mo ang mga kapamilya o kaibigan tungkol dito?
-
Ano ang natutuhan mo sa pag-monitor sa mga gastusin mo?
-
Paano nakakatulong sa iyo ang pakikipagtulungan sa isang action partner?
-
Step 4: Pumili ng mga Action partner (2 minuto)
Pumili ng isang action partner mula sa grupo para sa darating na linggo. Karaniwan, ang mga action partner ay parehong babae o lalaki at hindi magkapamilya.
Mag-ukol ng ilang minuto ngayon para kausapin ang action partner mo. Ipakilala ang inyong sarili at talakayin kung paano ninyo makokontak ang isa’t isa sa buong linggo.
Pangalan ng action partner
Contact Information
Isulat kung paano at kailan ninyo kokontakin ang isa’t isa sa linggong ito.
Lin |
Lun |
Mar |
Miy |
Huw |
Biy |
Sab |
---|---|---|---|---|---|---|