Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Resources


Resources

Mga Estilo ng Liwanag: Diwa ng Paghahayag

Elder David A. Bednar

“Kapag ang mga anak na lalaki at babae ng Diyos ay nakikipag-ugnayan sa Kanya, tinatawag natin itong panalangin. Kapag Siya ay nakikipag-ugnayan sa atin, dumarating ito sa iba’t ibang pamamaraan, kaparaanan, o daluyan. Ang pinag-uusapan natin ay ang mga estilo ng pakikipag-ugnayan ng Diyos sa Kanyang mga anak dito sa lupa.

“Ang paghahayag ay pakikipag-ugnayan ng Diyos sa Kanyang mga anak dito sa lupa. Kung minsan, ang mga mensaheng iyon ay dumarating nang mabilis at tila kapansin-pansin. Naikumpara ko iyan sa isang ilaw na binuksan sa isang madilim na silid, kung saan biglang napawi ang kadiliman, at makikita mo ang lahat ng nasa silid nang malinaw at maningning. Palagay ko, ang estilong iyon ng pagtanggap ng mga mensahe mula sa Diyos ay mas bihira kaysa karaniwan.

“Ang pangalawang estilo ay kapag ang liwanag ay unti-unting dumarating, na parang pagsikat ng araw. Makikita mo na mas lumiliwanag ang paligid pero kailanma’y hindi sabay-sabay. Palagay ko, ang estilong ito ng paghahayag ay mas karaniwan kaysa bihira.

“Kung minsan, ang pagtanggap ng inspirasyon ay parang isang araw na mahamog. Sapat na ang liwanag kaya masasabi mo na wala nang kadiliman. Hindi iyon gabi. Pero hindi iyon maningning na naiilawan. Sapat lang ang makikita mo para makahakbang ka nang ilang hakbang patungo sa karimlan. Hindi ko alam sa ibang tao, pero ganito ang nangyayari sa akin palagi. May sapat lamang para makahakbang nang ilang hakbang. At pagkatapos ay patuloy akong tinutulungan ng ilaw na makakita nang sapat ang layo para patuloy akong makausad.

“Kapag sinunod natin ang mga turo ni Jesucristo, siya ang ilaw. Ang isa sa Kanyang mga pangalan ay ‘ang Ilaw.’ Kapag sinunod natin ang Kanyang halimbawa at namuhay tayo ayon sa Kanyang mga turo, may tanglaw para sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Hangga’t tinatanggihan natin Siya at ang Kanyang mga turo, bahala tayo sa ating sarili. Mas gusto kong sundan ang Kanyang liwanag. Alam ko kapag may kapangyarihang higit pa sa sarili ko na nagmumula sa Diyos patungo sa akin at sa pamamagitan ko, na siyang diwa ng paghahayag.”

Bumalik sa pahina 24.