Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto
-
Basahin:Sa nakalipas na linggo, sinimulan mong saliksikin ang mga posibleng opsiyon sa trabaho. Ngayon mas pag-aaralan mo ang mga posibilidad na iyon sa trabaho at dedesisyunan mo kung anong trabaho ang gusto mo. Para matulungan ka sa prosesong ito, pag-aaralan mo ang mga sumusunod:
-
Alamin kung magkano ang kailangan mong kitain para maging self-reliant.
-
Unawain ang mga realidad sa trabaho mo.
-
Alamin kung sino ang kakausapin.
-
I-update ang iyong plano para maging self-reliant.
-
1. Alamin Kung Magkano ang Kailangan Mong Kitain para Maging Self-Reliant
-
Basahin:“Sapagka’t alin sa inyo, ang kung ibig magtayo ng isang moog, ay hindi muna uupo at tatayahin ang halagang magugugol kung mayroong maipagtatapos?” (Lucas 14:28).
Para maging self-reliant, kailangan mo ng isang trabahong sapat magpasuweldo para matustusan mo ang mga pangangailangan mo at ng iyong pamilya. Ilang linggo mo nang imino-monitor ang iyong mga gastusin para magkaroon ka ng ideya tungkol sa kasalukuyan mong mga gastusin. Ang susunod mong hakbang ay tantiyahin kung magkano pa ang kailangan mong kitain para maging self-reliant. Dapat kang kumita ng ganyang halaga sa trabahong pipiliin mo.
2. Unawain ang mga realidad sa trabaho mo.
-
Basahin:Noong nakaraang linggo pumili ka ng tatlong uri ng trabaho na interesado ka, at nangako kang pag-aralan pa ang mga ito sa buong linggo. Ngayo’y titingnan natin nang mas mabuti ang ilang mahalagang realidad tungkol sa mga trabaho para mabawasan ang pagpipilian mo at pagkatapos ay pumili ng isang training path.
Realidad 1: Malaking magpasuweldo ang mga employer para sa ilang trabaho at napakaliit para sa iba.
-
Basahin:Unawain kung ano ang pinahahalagahan ng mga employer. Maraming tao ang may kakayahang magtrabaho sa isang fast-food restaurant, kaya mababa ang suweldo. Kakaunti ang mga taong may kakayahang mag-opera sa puso, kaya mataas ang suweldo.
Kilalanin si Arlene, edad 44. Si Arlene ay nagtatrabaho noon nang part-time bilang nars nang lubhang mapinsala ang kanyang likod habang inililipat ang isang pasyente. May isang anak sa misyon at dalawa pang anak sa bahay, nag-aala silang mag-asawa na wala silang sapat na pera. Gustong umuwi ni Arlene para magtrabaho sa larangan ng health care pero kailangan niyang gawin ito sa paraang di-gaanong mabigat. Interesado siya sa paggawa ng medical coding, pagiging medical office assistant, o paggawa ng iba pang mga trabaho sa medical administration. Ngayo’y kailangan niyang malaman kung magkano ang suweldo sa mga trabahong iyon at ano ang kailangang gawin para makapasok sa gayong uri ng propesyon.
Habang iniisip ni Arlene kung anong trabaho ang papasukan, nalaman niya na para kitain man lang ang kinikita niya bilang nars, dapat niyang piliin ang medical administration, dahil mababa ang suweldo ng dalawang iba pang pagpipilian.
Aktibidad (5 minuto)
Step 1: Mag-isa o kasama ang iyong grupo, tantiyahin kung magkano ang kikitain mo sa bawat isa sa tatlong posisyong interesado ka at tingnan kung sapat iyon para maging self-reliant.
Posisyon |
Suweldo (lingguhan, buwanan, taunan) |
Sapat Ba Ito? (oo o hindi) |
---|---|---|
Step 2: Alamin sa linggong ito kung magkano ang suweldo sa pamamagitan ng pagkausap sa mga taong nagtatrabaho sa larangang iyon o paggawa ng iba pang pagsasaliksik.
Realidad 2: Ang ilang trabaho ay di-gaanong kailangan sa inyong lugar.
-
Basahin:Ang ilang trabaho ay nawawala at maaaring walang kinabukasan sa inyong lugar. Pinapalitan ng teknolohiya ang ilang trabaho, at ang ilang trabaho ay ginagawa na ngayon sa ibang bansa.
Kilalanin si Rachel, edad 48. Si Rachel ay diborsyada at may isang anak na babae na may asawa at dalawang binatilyong anak na kasama pa niya sa bahay. Nakakumpleto siya ng dalawang semestre ng kolehiyo maraming taon na ang nakararaan pero hindi nakatapos ng kolehiyo kailanman. Nagkaroon na siya ng iba’t ibang trabaho at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang groserya. Medyo aktibo siya sa Simbahan pero madalas ay kailangan siyang magtrabaho tuwing Linggo. Nahihirapan si Rachel na makaraos, pero masipag siya. Gusto ni Rachel na makatapos ng isang degree para makakuha siya ng mas magandang trabaho para matustusan niya ang kanyang pamilya at maging mas aktibo siya sa Simbahan.
Isa sa mga trabahong interesado si Raquel ay maliit na electronic repair. Gayunman, nang pag-aralan niya ito, wala siyang makitang sinumang nagtatrabaho sa larangang iyon dahil halos hindi kailangan ang trabahong iyon sa kanilang lugar. Tinanggal niya ang trabahong ito sa kanyang listahan ng mga opsiyon at nagtuon siya sa iba pang mga trabaho at training.
Kilalanin si Juan, edad 33. Si Juan ay may-asawa at tatlong maliliit na anak. Nagtatrabaho siya sa construction sa araw at bilang cook sa gabi. Gusto niyang palitan ng isang mas magandang trabaho ang dalawang trabaho niya, at gusto niyang mas matustusan ang kanyang pamilya. Nakatira siya malapit sa isang malaking industrial seaport. Iniisip ni Juan na pasukan ang welding. Matapos ang kaunting pagsasaliksik, nakita niya na maraming trabaho para sa mga welder at magandang opsiyon iyon para sa kanya. Sisimulan niyang pag-aralan ang mga training option, batid na maaari itong humantong sa magandang welding job.
Aktibidad (5 minuto)
Step 1: Sa mga grupo ng tatlo o apat na tao, ibahagi ang mga trabahong interesado ka at itanong sa grupo, “Palagay ba ninyo may pangangailangan sa ating lugar para sa mga trabahong ito?”
Step 2: Sa linggong ito, alamin kung may pangangailangan para sa mga trabahong interesado ka sa pamamagitan ng pagkausap sa mga tao o pagsasaliksik. Tanggalin ang mga trabahong di-gaanong kailangan.
Realidad 3: Maaaring maraming hakbang na kailangang sundin para makuha ang trabahong gusto mo.
-
Basahin:Ang ilang trabaho ay nangangailangan ng maraming training at panahon para maging kwalipikado ka. Mahal ang ilang training at maaaring wala nito sa inyong lugar. Maraming trabaho ang nangangailangan din ng karanasan bukod pa sa training. Gugustuhin mong malaman ang mga hakbang na maaaring kailangan para makapasok sa trabahong interesado ka.
Kilalanin si Yuko, edad 36. Si Yuko ay nagtrabaho nang ilang taon bilang tagalinis sa isang hotel. Maliit ang suweldo niya Naisip niya na gusto niyang magtrabaho bilang hotel general manager, pero parang imposible. Nagpasiya siyang sumulong, batid na hindi iyon mangyayari kaagad. Sinunod niya ang mga hakbang na ito sa loob ng 10-taon:
-
Nagsipag siya sa kanyang trabaho bilang tagalinis at maagap na lumutas ng mga problema.
-
Nang mabuksan ang posisyon ng shift supervisor, nakuha niya ang posisyon.
-
Nag-aral siya at nakatapos ng degree sa hotel management habang nagtatrabaho pa bilang shift supervisor.
-
Nakakuha siya ng trabaho bilang front office manager.
-
Makalipas ang tatlong taon ng mahusay na pagtatrabaho bilang front office manager, naabot niya ang kanyang mithiing maging general manager ng isang hotel.
-
Aktibidad (3 minuto)
Ilista ang mga hakbang na maaari mong kailanganing gawin para makarating sa gusto mong puntahan. Isama ang training at karanasang kakailanganin mo.
Posisyon |
Kailangang Training at Karanasan |
---|---|
Realidad 4: Ang trabaho ay trabaho. Hindi mo ikasisiya ang lahat ng tungkol sa trabaho mo.
-
Basahin:Unawain ang klase ng trabaho. Hinihintay ng ilang tao na dumating ang perpektong trabaho—isang trabahong akala nila ay hindi sila mahihirapang gawin. Halimbawa, tinanggihan ni Stefano ang ilang oportunidad na makapagtrabaho dahil “mababa ang suweldo” samantalang dapat ay tinanggap na niya ito.
Ang matatagumpay na tao ay sumusulong at tumatanggap ng mga trabaho, batid na magugustuhan nila ang ilang bagay at hindi nila magugustuhan ang iba pang mga bagay sa kanilang trabaho.
Habang kinakausap mo ang mga tao sa linggong ito tungkol sa mga trabahong posible mong pasukan, tiyaking tanungin sila kung ano ang kanilang nagustuhan at hindi nagustuhan sa kanilang mga trabaho.
3. Alamin Kung Sino ang Kakausapin
-
Basahin:Sa linggong ito, isang trabaho na lang ang iwanan sa iyong listahan ng tatlong trabaho. Pagkatapos ay saliksikin ang mga training at education option para matulungan kang maging kwalipikado sa trabahong iyon. Ang pinakamainam na paraan para malaman ang iba pa tungkol sa mga trabahong ito at paikliin ang listahan mo ay makipag-usap sa mga taong nagtatrabaho sa ganitong uri ng mga posisyon at itanong sa kanila ang gusto mong malaman.
Aktibidad (10 minuto)
Step 1: Isulat ang mga pangalan ng tatlong tao na maaari mong kausapin sa linggong ito para malaman ang iba pa tungkol sa mga trabahong interesado ka. Maaari itong kabilangan ng mga taong iminungkahi ng iyong grupo noong nakaraang linggo, mga taong dati mo nang kilala, at mga bagong kakilala.
Step 2: Makipagpares sa action partner mo at isipin na kausapin mo ang isang taong nasa listahan mo. Halinhinang itanong sa isa’t isa ang dalawa sa sumusunod na mga tanong:
-
Ano ang gusto mo sa trabaho mo?
-
Anong klaseng training o edukasyon ang kailangan para magawa mo ang ginagawa mo?
-
Anong klaseng karanasan ang makakatulong sa isang taong interesado sa trabahong ito?
-
Ano ang karaniwang kita sa larangang ito?
-
Anong klaseng mga bagay ang hindi mo gusto sa trabaho mo?
-
-
Gaano kalaki ang pangangailangan sa mga trabaho sa larangang ito?
-
Sino pa ang irerekomenda mong kausapin ko?
-
Ano ang maipapayo mo sa isang taong katulad ko?
-
Talakayin:Paano makakatulong ang pakikipag-usap sa mga tao para mabawasan ang pinagpipilian mong mga trabaho?
4. I-update ang Iyong Plano para Maging Self-Reliant
Aktibidad (5 minuto)
I-update ang iyong plano para maging self-reliant sa ibaba. Sa linggong ito, sikaping kumpletuhin ang pinakabagong bahagi ng pagpili kung anong trabaho ang gusto mo at bakit.
Ang Aking Mithiin para Maging Self-Reliant (kabanata 1)
Ako ay
para .
Ang Aking Job Plan (mga kabanata 2 at 3)
Pinagkumpara ko ang tatlong trabahong ito:
Ang trabahong pinili ko para sa akin ay dahil sa sumusunod na mga bagay na natutuhan ko sa mga employer at iba pa tungkol sa mga realidad ng trabaho sa aming lugar:
.
-
Talakayin:Ano ang pinakamahalagang bagay na natutuhan mo sa miting ng grupo ngayon?