Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
My Foundation [Ang Aking Saligan]: Manampalataya kay Jesucristo


My Foundation [Ang Aking Saligan]: Manampalataya kay Jesucristo—Maximum na Oras: 20 Minuto

Pag-isipang mabuti:Paano nakakaapekto ang aking pananampalataya kay Jesucristo sa pagiging self-reliant ko?

Panoorin:“Exercise Faith in Jesus Christ,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 45.)

Manampalataya kay Jesucristo

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

still from Exercise Faith in Jesus Christ

Elder David A. Bednar: Ang pagkilos ay pagsampalataya. Buhat-buhat ng mga anak ni Israel ang kaban ng tipan. Nakarating sila sa Ilog Jordan. Ang pangako ay tatawid sila sa tuyong lupa. Kailan mahahati ang tubig? Kapag nabasa ang kanilang mga paa. Lumakad sila sa ilog—kumilos. Sumunod ang kapangyarihan—nahati ang tubig.

Kadalasan ay naniniwala tayo na, “Magkakaroon ako ng lubos na pag-unawa, pagkatapos ay gagamitin ko iyan sa aking ginagawa.” Palagay ko, may sapat tayo para makapagsimula. Alam na natin ang tamang direksyon. Ang pananampalataya ay isang alituntunin—ang alituntunin—ng pagkilos at ng kapangyarihan. Ang tunay na pananampalataya ay nakatuon sa Panginoong Jesucristo at laging humahantong sa pagkilos.

(Tingnan sa “Seek Learning by Faith” [mensahe sa Church Educational System religious educators, Peb. 3, 2006], lds.org/media-library)

Bumalik sa pahina 44.

Talakayin:Bakit laging humahantong sa pagkilos ang tunay na pananampalataya? Bakit kailangan ang pananampalataya para tulungan tayo ng Diyos sa temporal at sa espirituwal?

Basahin:Mateo 6:30 at ang sinabi sa Lectures on Faith (sa kanan)

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.

  • Ipakita ang iyong pananampalataya ngayong Linggo sa pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath at sa mapitagang pagtanggap ng sakramento.

  • Basahin ang Aklat ni Mormon araw-araw.

  • Basahin ang mga banal na kasulatan sa pahina 45. Pumili ng isa at ibahagi ito sa iyong pamilya o mga kaibigan.

    Mga Banal na Kasulatan tungkol sa Faith in Action

    Dahil ayaw tumigil ni Daniel sa pagdarasal, itinapon siya sa yungib ng mga leon, ngunit ang “Dios … [ay] nagsugo ng kaniyang anghel, at … itinikom ang mga bibig ng mga leon, … at walang anomang sugat na nasumpungan sa kaniya, sapagka’t siya’y tumiwala sa kaniyang Dios” (Daniel 6:22–23; tingnan din sa mga talata 16–21).

    Ibinigay ng Panginoon kay Lehi ang Liahona para gabayan ang kanyang pamilya, at “kumilos ito para sa kanila alinsunod sa kanilang pananampalataya sa Diyos. … [Nang] sila ay naging mga tamad, at nakalimot na pairalin ang kanilang pananampalataya at pagiging masigasig … hindi sila sumulong sa kanilang paglalakbay” (Alma 37:40–41).

    “Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig … at subukin ninyo ako ngayon … kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan” (Malakias 3:10).

    Noong panahon ng taggutom, hiniling ni Elijah sa isang balo na ibigay nito sa kanya ang huling pagkain nito. Ipinangako ni Elijah na dahil sa pananampalataya niya, maglalaan ang Panginoon ng pagkain sa kanya, at hindi ito mauubos. (Tingnan sa I Mga Hari 17.)

    “Ang dukha at mapagkailangan ay humahanap ng tubig, at wala, at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw; akong Panginoon ay sasagot sa kanila, akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila” (Isaias 41:17; tingnan din sa talata 18).