Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto
-
Basahin:Sa susunod na ilang linggo, magsasaliksik ka ng mga training option at provider at aalamin mo kung paano magbayad para sa iyong training o pag-aaral. Magsisimula ka sa pag-evaluate sa mga training option mo.
-
Tukuyin ang training at karanasang kailangan mo.
-
Tukuyin ang mga training option sa inyong lugar.
-
Alamin kung sino ang kakausapin.
-
I-update ang iyong plano para maging self-reliant.
-
1. Tukuyin ang Training at Karanasang Kailangan Mo
-
Basahin:Nitong huling ilang linggo, sinasaliksik mo ang mga trabahong makakatulong sa iyo na mapaigi ang iyong pagiging self-reliant. Nitong nakaraang linggo, dapat ay isang trabaho na lang ang gusto mong pagtuunan.
-
Basahin:Para makuha ang trabahong pinili mo, kailangan mong matutuhan kung paano gawin ang trabaho. Ang pagkatuto ay dumarating sa pagtatamo ng training at karanasan. Bukod pa sa ibang mga kadahilanan, pumipili ang mga kumpanya batay sa antas ng iyong pinag-aralan at karanasan.
Halimbawa, si Arlene ay maraming karanasan sa health care at gusto ngayong makapagtrabaho sa health care administration. Si Juan ay maraming karanasan sa construction at gusto ngayong maging welder. Ang dati nilang karanasan ay nagbibigay sa kanila ng magandang pundasyon. Ang pagdaragdag ng mas partikular na training o edukasyon ay makakatulong sa kanila na maging kwalipikado sa trabahong gusto nila.
-
Talakayin:Bakit mahalaga ang antas at uri ng iyong pinag-aralan sa isang kumpanya kapag nagdedesisyon ito kung tatanggapin ka?
-
Basahin:Nagbibigay ng training ang mga paaralan, kumpanya, at iba pang institusyon para sa lahat ng iba’t ibang uri ng trabaho. Hanapin ang training na akmang-akma sa trabahong pinili mo.
Halimbawa, malamang na makita ni Arlene ang edukasyong kailangan niya sa isang kolehiyo o unibersidad. Malamang na makita ni Juan ang training na kailangan niya sa isang technical school, sa pamamagitan ng apprenticeship, o kahit habang nagtatrabaho.
-
Basahin:Maaaring nakita mo na mula sa iyong mga pakikipag-usap at pagsasaliksik na kailangan mo ng karanasan at maging ng training para maging kwalipikado para sa gusto mong trabaho. Maaaring kailanganin mong tanggapin ang mas mabababang posisyon sa trabaho, marahil habang kumukuha ka ng training, para makakuha ka ng mas magandang trabaho kalaunan.
-
Talakayin:Anong klaseng mga karanasan sa palagay mo ang kailangan mo para maging kwalipikado sa trabahong gusto mo?
2. Tukuyin ang mga Training Option sa Inyong Lugar
-
Basahin:Ngayong alam mo na kung anong uri ng training ang kailangan, panahon na para tukuyin ang partikular na mga provider. Halimbawa, nakakita si Juan ng dalawang technical school at isang employer sa lugar na makakatulong sa kanya na makakuha ng sertipiko bilang welder.
-
Basahin:Hindi lahat ng edukasyon at training ay nilikhang pantay-pantay. Ang ilang training program at paaralan ay nakahihigit kaysa iba. Maaaring mas epektibo ang ilang programa sa pagbibigay ng training sa mga estudyante at mas mataas ang mga job placement rate nila. Maaaring mahirap pasukan ang ilan, o marahil ay maraming estudyanteng hindi kinukumpleto ang kanilang program. Maaaring magastos sa ilang paaralan, kaya kailangan mong malaman kung sulit ang magagastos mo sa kanila.
Humanap ng education o training provider na nagbibigay ng pinakamainam na kumbinasyon ng mga bagay na ito:
-
Mataas na job placement rate (kalidad)
-
Posibilidad na matanggap at makumpleto ang program o training
-
Kayang bayaran
Halimbawa, pinag-iisipan ni Rachel ang tatlong iba’t ibang paaralan, kumpara sa sumusunod na table. Sa kanyang pagsasaliksik natagpuan niya ang impormasyong ito:
-
Opsiyon 1 |
Opsiyon 2: |
Opsiyon 3: |
---|---|---|
Placement rate: 7 sa 10 tao ang nagkakatrabaho (70%). Anim sa 10 ang tinatanggap, at mahigit 90% ang nakakakumpleto. Kabuuang magagastos sa pag-aaral: 15,000 |
Placement rate: 2 sa 10 tao ay nagkakatrabaho (20%). Lahat ay tinatanggap, pero wala pang 50% ang nakakakumpleto. Kabuuang magagastos sa pag-aaral: 5,000 |
Placement rate: 8 sa 10 tao ay nagkakatrabaho (80%). Tatlo sa 10 ang tinatanggap, at mahigit 80% ang nakakakumpleto. Kabuuang magagastos sa pag-aaral: 50,000 |
-
Talakayin:Aling mga kadahilanan ang pinakamahalaga sa iyo sa pagpili ng paaralan o training provider?
3. Alamin Kung Sino ang Kakausapin
-
Basahin:Ang pinakamaiinam na paraan para malaman ang mga training option mo ay (1) kausapin ang mga taong nagtatrabaho sa mga paaralan o training program at (2) gumawa ng sarili mong kaunting pagsasaliksik. Maraming paaralan at training provider na may mga taong makakasagot sa iyong mga tanong. Kontakin ang isang tao sa organisasyon, magpahayag ng interes sa training, at hilinging makausap ang isang taong makakasagot sa iyong mga tanong. Maaaring makatulong na kumontak ng mga tao na gumaganap sa sumusunod na mga tungkulin:
-
Admission adviser
-
Program adviser
-
Training manager
-
Information desk
-
Partikular na mga instructor
Maaari mo ring tawagan ang paaralan o training provider, repasuhin ang impormasyon sa website na ito, at kausapin ang ibang mga tao na nakatapos na sa program.
-
-
Talakayin:Anong iba pang mga mapagkukunan ang makakatulong sa iyo na makuha ang impormasyong kailangan mo tungkol sa isang paaralan o training provider?
-
Basahin:Habang nagsasaliksik ka, hanapin ang mga sagot sa partikular na mga tanong para makatulong sa iyong pagdedesisyon.
-
Basahin:Gamitin ang mga tanong sa “Pag-evaluate sa mga Training Option Ko” (pahina 75) kapag nakipag-usap ka sa mga paaralan o training provider sa linggong ito. Tiyaking makuha ang impormasyong ito para magamit mo sa miting sa susunod na linggo.
-
Talakayin:Anong iba pang mga tanong sa palagay mo ang maaaring makatulong na itanong?
4. I-update ang Iyong Plano para Maging Self-Reliant
-
Talakayin:Ano ang pinakamahalagang bagay na natutuhan mo sa miting ng grupo ngayon?