Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
My Foundation [Ang Aking Saligan]: Maghangad na Matuto


My Foundation [Ang Aking Saligan]: Maghangad na Matuto—Maximum na Oras: 20 Minuto

Pag-isipang mabuti:Paano lumilikha ng pagkakataon ang pag-aaral?

Panoorin:“Education for a Better Life,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 61.)

Edukasyon para sa Mas Magandang Buhay

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

still from Education for a Better Life

Elder Joseph W. Sitati: Sa edad na 13 nanirahan ako sa bukiring bahagi ng Kenya. Kapos sa buhay ang mga tao. Ngunit ang mga tila may kakayahang bilhin ang mga bagay na hinangaan ng iba ay ang mga taong may magandang pinag-aralan. Napansin ko na ang edukasyon ay susi sa mas magandang buhay.

Paulit-ulit kong naisip na puntahan at kausapin ang prinsipal ng isa sa mga paaralan na talagang gusto kong pasukan. Kinailangan ko ang bisikleta ng tatay ko para makapunta roon na umabot nang kalahating araw. Hindi pa ako nakakalabas ng bayan namin. Hindi ako mahusay magsalita ng Ingles, at puti ang prinsipal na ito. Noon lang ako nakakilala o nakakausap nang deretsahan ng isang puti, kaya natakot akong isipin ito.

May patuloy na nagtutulak at nagsasabi sa akin na dapat kong gawin ito, kaya humayo ako para kausapin ang prinsipal. Habang nakatingin ako sa kanya nakita ko na medyo nagulat siyang makita ang batang lalaking ito na nakatayong parang sundalo sa harap niya. Bakas ang kabaitan sa kanyang mga mata, kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob. Sinabi ko sa kanya na gusto ko talagang mag-aral sa paaralan niya at magiging napakasaya ko kung tatanggapin niya ako. Pagkatapos ay sinabi niya, “Sige, tingnan natin kapag lumabas na ang mga resulta ng test.” Sabi ko, “Salamat po, sir.” Wala pang apat na minuto ay nakalabas na ako ng opisina.

Ang apat na minutong iyon na nasa loob ako ng opisinang iyon ay talagang mahahalagang sandali sa buhay ko. Ako lang ang estudyante mula sa primary school ko na napili sa isa sa pinakamahusay na mga paaralan sa aming lugar. Nagpasalamat ako dahil naibigay sa akin ng butihing lalaking ito ang pagkakataong ito, at nahikayat ako nitong magsikap na maging pinakamahusay na estudyante sa klase ko.

Nagbukas iyan ng mga bagong oportunidad sa akin na makapasok sa isa pang magandang paaralan at maghanda para sa kolehiyo. Nakita ko sa unibersidad ang naging asawa ko dahil sa edukasyon ko. Nakakita ako ng trabaho sa lungsod dahil dito. Habang nakatira sa Nairobi, nakita namin ang isang missionary couple na nag-anyaya sa amin sa bahay nila, kung saan nagpupulong sila ng mga miyembro ng Simbahan. Kung wala ako sa Nairobi noon, hindi ko sana natagpuan ang ebanghelyo kailanman. Ang katotohanan ay may matatag akong trabaho kaya ako nakapaglingkod sa Simbahan.

Pinatototohanan ko na ang edukasyon ay isang susi sa self-reliance. Magbubukas ito ng maraming oportunidad sa inyo na maglaan para sa inyong sarili sa temporal at maging self-reliant din sa espirituwal.

Bumalik sa pahina 58.

Talakayin:Ano ang ninais ni Elder Joseph W. Sitati noong 13 anyos siya? Ano ang ginawa niya tungkol dito?

Basahin:Doktrina at mga Tipan 88:118–19 at ang pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley (sa kanan)

Pag-isipang mabuti:Ano ang mga ideya at impresyong napasaiyo mula sa Espiritu Santo tungkol sa pagpapaigi ng iyong buhay?

Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.

  • Kumpletuhin ang sumusunod na mga mithiin at mag-mentor sa mga aktibidad.

  • Tapusin ang pagsulat ng plano sa iyong “misyon sa buhay” at talakayin ito sa iyong pamilya.

  • Pakiusapan ang isang tao na maging mentor mo at itakda ang oras ng inyong pagkikita.