Magreport—Maximum na Oras: 25 Minuto
Mga Ipinangakong Gawin Noong nakaraang Linggo
-
Isagawa at ibahagi ang alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan] noong nakaraang linggo.
-
Isagawa ang aking plano para maging self-reliant sa pamamagitan ng pagpapatibay na ang trabahong pinili ko ay akma sa akin at tumutugon sa mga lokal na pangangailangan.
-
I-monitor ang araw-araw na mga gastusin ko.
-
Kontakin at suportahan ang aking action partner.
Step 1: Mag-evaluate Kasama ang Action Partner (5 minuto)
Mag-ukol ng ilang minuto para i-evaluate ang mga pagsisikap mong tuparin ang mga ipinangako mong gawin sa linggong ito. Gamitin ang tsart na “Pag-evaluate sa Aking mga Pagsisikap” sa simula ng workbook na ito. Ibahagi sa partner mo ang iyong evaluation at talakayin ninyo ang tanong sa ibaba. Pagkatapos ay mag-iinisyal siya kung saan tinukoy.
-
Talakayin:Ano ang naging mga hamon mo sa pagtupad sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito?
Step 2: Magreport sa Grupo (8 minuto)
Matapos i-evaluate ang iyong mga pagsisikap, magsama-samang muli bilang isang grupo at ireport ang iyong mga resulta. Ikutin ang grupo at ilahad ng bawat isa kung ang markang ibinigay sa inyong sarili ay “pula,” “dilaw,” o “berde” para sa bawat isa sa mga ipinangakong gawin noong nakaraang linggo.
Step 3: Ibahagi ang Iyong mga Karanasan (10 minuto)
Ngayon ibahagi bilang isang grupo ang mga bagay na natutuhan ninyo mula sa pagsisikap na tuparin ang mga ipinangako ninyong gawin sa buong linggo.
-
- Talakayin:
-
Ano ang mga naranasan mo sa pagsasagawa at pagbabahagi ng alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan]?
-
Ano ang natutuhan mo nang (1) mapagtibay mo na akma sa iyo ang trabahong pinili mo at (2) matingnan mo ang mga trabahong mapapasukan sa inyong lugar?
-
Ano ang natutuhan mo sa pagsubaybay sa mga gastusin mo?
-
Paano nakakatulong sa iyo ang pakikipagtulungan sa isang action partner?
-
Step 4: Pumili ng mga Action partner (2 minuto)
Pumili ng isang action partner mula sa grupo para sa darating na linggo. Karaniwan, ang mga action partner ay parehong babae o lalaki at hindi magkapamilya.
Mag-ukol ng ilang minuto ngayon para kausapin ang action partner mo. Ipakilala ang inyong sarili at talakayin kung paano ninyo makokontak ang isa’t isa sa buong linggo.
Pangalan ng action partner
Contact Information
Isulat kung paano at kailan ninyo kokontakin ang isa’t isa sa linggong ito.
Lin |
Lun |
Mar |
Miy |
Huw |
Biy |
Sab |
---|---|---|---|---|---|---|