Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto
-
Basahin:Noong nakaraang linggo pumili ka ng paaralan o training program na sa palagay mo ay pinakamabuti para sa iyo. Sa buong linggo gumugol ka ng oras para malaman ang iba pa tungkol sa paaralan o program. Ngayo’y sasaliksikin mo ang maraming paraang magagamit para mabayaran ang training mo.
-
Ang pag-aaral ay nangangailangan ng sakripisyo.
-
Repasuhin ang magagastos mo sa training.
-
Pag-isipan ang mga opsiyon para mabayaran ang training mo.
-
Gamitin nang maingat at bilang huling paraan ang mga student loan.
-
Alamin kung sino ang kakausapin.
-
I-update ang iyong plano para maging self-reliant.
-
1. Ang Pag-aaral ay Nangangailangan ng Sakripisyo
-
Basahin:Pinayuhan tayo ni Pangulong Gordon B. Hinckley na magsakripisyo para posible tayong makapag-aral. Sabi niya: “Kailangan ninyong pag-aralan ang lahat ng kaya ninyong pag-aralan. … Isakripisyo ang anumang bagay na kailangang isakripisyo upang maging marapat ang inyong sarili sa gawain sa mundo” (“Words of the Prophet: Seek Learning,” New Era, Set. 2007, 2–4).
Napayuhan din tayo na huwag ipagpaliban ang iba pang mahahalagang bagay sa ating buhay habang nag-aaral tayo. Huwag ipagpaliban ang pag-aasawa, pagtanggap ng mga ordenansa sa templo, at pagkakaroon ng mga anak habang nag-aaral.
Kapag sinunod ninyo ang inyong mga prayoridad at isinakripisyo ninyo ang mga bagay na di-gaanong mahalaga, makikita ninyo na pagpapalain kayo ng Panginoon.
-
Talakayin:Bakit sulit na magsakripisyo para sa edukasyon at training?
2. Repasuhin ang Magagastos Mo sa Training
-
Basahin:Sa nakalipas na dalawang linggo saliksikin mo ang iyong mga opsiyon sa edukasyon o training. Bahagi ng pagsisikap na iyan ang alamin kung magkano ang magagastos sa program mo. Kasama sa magagastos na ito ang mga bagay na katulad ng matrikula, mga aklat, mga bayarin, mga gastusin sa buhay, transportasyon, at anumang iba pa na may kaugnayan sa iyong edukasyon o training. Mahalagang magkaroon ka ng tumpak na kalkulasyon tungkol sa mga magagastos na ito upang maiplano mo kung paano babayaran ang mga ito.
Halimbawa, nalaman ni Juan na ganito ang magagastos sa kanyang welding certificate:
Mga Uri ng mga Magagastos sa Training
Halaga
Welding certificate program
4,000
Mga Kagamitan, aklat, at suplay
1,000
Bayad sa exam
300
Bayad sa lisensya
300
Transportasyon
400
Total
6,000
Lagi ring isaisip ang iyong mga panustos sa buhay, tulad ng pagkain, renta, damit, mga gastusin ng pamilya, at utang.
3. Isaalang-alang ang mga Opsiyon sa Pagbabayad sa Training Mo
-
Basahin:May ilang paraan para matustusan ang pag-aaral. Hangga’t maaari, tustusan ang iyong pag-aaral mula sa sarili mong ipon o kita. Magtrabaho habang nag-aaral. Maaaring kailanganin mong gumastos nang mas maliit at kumuha ng dagdag na trabaho para mas malaki ang kita mo.
May iba pang mga opsiyon sa pananalapi kung wala kang sapat na ipon o kita. Nagpasimula ng mga programa ang mga pribadong organisasyon, indibiduwal, at pamahalaan na makakatulong sa iyo na mabayaran ang iyong training.
“Sapagkat ang lupa ay sagana, at may sapat at matitira; oo, aking inihanda ang lahat ng bagay” (D at T 104:17).
-
Talakayin:Paano tumutukoy ang mga katagang “sapagkat ang lupa ay sagana” sa pera para matustusan ang iyong pag-aaral?
-
Basahin:Sa sarili mo sa linggong ito, maaari mo ring basahin ang mga pahina 111–16 para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga scholarship at grant, student loan, at Perpetual Education Fund loan.
4. Gamitin nang Maingat at Bilang Huling Paraan ang mga Student Loan
-
Basahin:“Maraming [tao] sa mundo ang nangungutang para makapag-aral, para lamang matuklasan na mas malaki ang magagastos sa eskuwela kaysa kaya nilang bayaran. Maghanap ng mga scholarship at grant. Kumuha ng part-time job, kung maaari, para matustusan ninyo mismo ang inyong pag-aaral. Kailangan dito ang kaunting sakripisyo, ngunit tutulungan kayo nito na magtagumpay” (Robert D. Hales, “Pagtugon sa mga Hamon ng Mundo Ngayon,” Ensign o Liahona, Nob. 2015, 45).
Ang mga student loan ay utang. Hindi katulad ng mga grant at scholarship, kailangang bayaran ang mga ito at karaniwa’y may dagdag na interes. Kung hindi ka makakabayad, maaapektuhan ang credit mo o ang kakayahan mong umasenso sa buhay.
-
Talakayin:Bakit dapat maging huling paraan ang mga student loan?
-
Basahin:Ang “apat na tama” ay makakatulong sa iyo na magpasiya kung tama nga ang student loan para sa iyo.
-
Tamang dahilan: Nagtatrabaho ka habang nag-aaral, nagsikap ka nang husto para makakuha ng mga scholarship at grant, at ang loan ay para lamang bayaran ang nalalabing bayarin (hindi ang buong gastusin) sa iyong pag-aaral.
-
Tamang mga inaasahan: Natiyak mo na maganda ang mga placement rate sa inyong lugar para sa trabahong pinag-aaralan mo, at makatwiran ang tiwala mo na matatanggap ka sa trabaho na sapat ang taas ng suweldo para mabayaran mo ang loan sa isang makatwirang haba ng panahon.
-
Tamang mga kundisyon: Napagkumpara mo ang iba’t ibang loan at nakita mo ang pinakamagandang rate at mga kundisyon sa pagbabayad mula sa isang mapagkakatiwalaang lender.
-
Tamang halaga: Ang halaga ng iyong loan ay sapat ang liit para mabayaran sa makatwirang haba ng panahon.
-
-
Talakayin:Paano ka poprotektahan ng pagsunod sa “apat na tama” kapag nagbabayad ka para sa iyong pag-aaral?
-
Basahin:Tanungin ang inyong stake self-reliance specialist tungkol sa makakatulong na mga website para sa paghahanap at pagkukumpara ng mga student loan sa inyong bansa o lugar. Sa sarili mo sa linggong ito, maaari mo ring basahin ang pahina 113 upang malaman ang iba pa kung paano pagkumparahin ang mga student loan.
Gayundin, kung mayroon sa inyong bansa, maaaring angkop sa iyo ang Perpetual Education Fund (PEF) loan. Para malaman kung mayroong mga PEF loan sa inyong bansa, paano maging kwalipikado, at paano mag-aplay, tingnan sa pahina 114–15 o magpunta sa srs.lds.org/pef.
5. Alamin Kung Sino ang Kakausapin
-
Basahin:Magiging bahagi ng iyong mga ipinangakong gawin sa linggong ito ang pagsasaliksik sa pinakamainam na opsiyon sa pagbabayad para sa iyong piniling kurso o training program. Magsiyasat ka at kausapin mo ang mga taong makakatulong sa iyo. May tauhan ang maraming paaralan na makakatulong sa iyo. Subukang tawagan ang financial aid office, o kontakin ang paaralan, training provider, o kumpanya at kausapin ang isang taong makakasagot sa iyong mga tanong tungkol sa pagbabayad para sa iyong training.
6. I-update ang Iyong Plano para Maging Self-Reliant
-
Basahin:Sa susunod na miting ng grupo, bawat isa sa inyo ay magbibigay ng maikling paglalahad sa grupo tungkol sa iyong plano para maging self-reliant. Ilalarawan mo ang iyong mga plano, at bibigyan ka ng grupo ng feedback at mga mungkahi.
-
Basahin:Sa susunod na linggo ilalahad mo sa grupo ang iyong plano para maging self-reliant (pahina 107–8). Maaari mong praktisin sa mga kapamilya at kaibigan ang iyong paglalahad. Dumalo sa susunod na linggo na handang ilahad ang iyong plano.
-
Talakayin:Ano ang pinakamahahalagang bagay na natutuhan mo sa miting ng grupo ngayon?