Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Resources


Resources

Pag-aaplay para sa mga Scholarship at Grant

Kung gusto mong malaman ang iba pa tungkol sa pag-aaplay para sa mga scholarship at grant, maaari mong basahin at gawin ang mga sumusunod:

Basahin:Ang mga scholarship ay financial aid batay sa kung sino ka, ano ang nagawa mo, at ang mga katangiang nais kilalanin at gantimpalaan ng mga organisasyon o mga tao.

Ang mga educational grant ay inaalok ng maraming pamahalaan, institusyon, at nongovernment organization para tulungan ang mga taong mababa ang kinikita na mapaigi ang kanilang buhay at lalo pang maging self-reliant.

Paano ako matutulungan nito?

Maaari mong gamitin ang pera mula sa scholarship para ipambayad sa matrikula, mga aklat, at kung minsa’y sa iba pang mga gastusin tulad ng pabahay at transportasyon. Hindi mo kailangang bayaran ang pera.

Depende sa grant, maaari kang tumanggap ng pera bawat school year para sa limitadong bilang ng mga taon o semestre.

Kwalipikado ba ako?

Maghanap ng mga scholarship na nagbibigay-gantimpala sa iyong mga katangian at nagawa.

Ang mga grant ay batay sa pinansyal na pangangailangan. Ang ilang grant ay ipinagkakaloob lamang sa ilang kurso sa pag-aaral.

Paano ako mag-aaplay?

Mag-aplay para sa mga scholarship na tugma sa iyong mga karanasan, skill, at katangian. Mag-aplay para sa maraming scholarship sa halip na isa lang.

Maaari kang makakita ng at mag-aplay para sa mga scholarship at grant online, sa mga self-reliance center, at sa mga employment agency o ministry of employment. Matutulungan ka ng mga tao sa mga ahensyang ito sa mga estratehiya para makakuha ng mga scholarship at grant. Pagtuunang mabuti ang mga deadline at tagubilin sa pag-aaplay. Mag-ingat sa mga scam scholarship website; bihirang maningil ang mga lehitimong ahensya.

Pagtuunang mabuti ang mga petsa sa application na nakalista para sa bawat grant. Maraming application ang tinatanggap lamang sa partikular na mga buwan ng taon.

Paano Pagkumparahin ang mga Student Loan

Para mapagkumpara ang mga student loan, itanong sa mga lender ang mga sumusunod. Magtanong sa inyong stake self-reliance specialist tungkol sa iba pang mga bagay na itatanong para makuha mo ang pinakamagandang loan terms—at maiwasan ang mga manloloko.

  1. Anong uri ng utang (variable, fixed)?

  2. Magkano ang interes?

  3. Magkano ang buwanang hulog?

  4. Gaano katagal ang loan?

  5. Kailan ko kailangang simulan ang pagbabayad sa utang?

  6. Magkano ang buong halagang babayaran ko kabilang na ang kapital at interes?

  7. Ano ang mangyayari kung hindi ko mabayaran ang loan?

  8. Paano kung kailangan kong itigil muna ang pagbabayad (halimbawa, isang misyon o pagpapaliban)?

Perpetual Education Fund Loans

Sakop ng kabanatang ito ang iba’t ibang paraan para makabayad sa self-reliant education. Ang mga student loan ay tinalakay bilang huling paraan para mabayaran ang nalalabing bayarin sa pag-aaral mo matapos sikapin nang husto na makakuha ng mga scholarship at grant (tingnan sa pahina 105). Kung may student loan ang education plan mo at nakatira ka sa isang bansang inaprubahan, maaaaring kwalipikado kang mag-aplay para sa educational loan mula sa Perpetual Education Fund (PEF).

May mga PEF loan ba sa lugar na tinitirhan ko?

Ang mga PEF loan ay makukuha sa maraming bansa sa buong mundo. Ang updated list ng mga bansa ay matatagpuan sa srs.lds.org/pefcountries.

Paano ako magiging kwalipikado?

Sa pamamagitan ng interbyu ng iyong bishop o branch president, magkasama kayong magpapasiya kung mayroon ka ng sumusunod na mga kwalipikasyon para matanggap ang kanyang rekomendasyon na mag-aplay ka para sa PEF loan:

  • Karapat-dapat: Mayroon at karapat-dapat ka bang magkaroon ng current temple recommend o limited-use recommend?

  • Nangangailangan: Mayroon ka bang malinaw na pangangailangang pinansyal para tumanggap ng PEF loan matapos isaalang-alang ang lahat ng funding option mo tulad ng tinalakay sa kabanatang ito, pati na ang paggamit ng sarili mong pondo, pondo mula sa mga kapamilya, at lahat ng posibleng grant o scholarship?

  • Napagpasiyahan: Determinado ka bang kumpletuhin ang iyong kurso, maghanap ng mas magandang trabaho, bayaran ang iyong utang, at ipamuhay ang mga alituntunin ng self-reliance?

Para malaman ang iba pa tungkol sa mga kwalipikasyon sa PEF, bisitahin ang srs.lds.org/pefqualify.

Paano ako mag-aaplay?

Para matulungan kang kumpletuhin ang PEF application online, gamitin ang iyong plano para maging self-reliant, na kinabibilangan ng mga plano sa trabaho, pag-aaral, at pananalapi na binubuo mo (tingnan sa mga pahina 107–8). Maaari kang mag-aplay para sa PEF loan at matuto tungkol sa lahat ng kinakailangan sa application sa srs.lds.org/pefapply.

Paano ko magagamit ang aking PEF loan?

Ang mga PEF loan ay pinondohan ng mga binayarang utang ng mga estudyante gayundin ng malalaking donasyon ng mga miyembro ng Simbahan at iba pa sa buong mundo. Ang pondong ito ay sagrado at ginagamit nang buong ingat. Gamit ang PEF Approved List of jobs at mga kurso sa pag-aaral (matatagpuan sa srs.lds.org/pef), makakatulong ang iyong PEF loan para mapondohan ang:

  • Mga pagkakataon para sa technical, vocational, o professional education na humahantong sa siguradong trabaho sa inyong lugar.

  • Mga magagastos na nauugnay sa iyong pagpasok sa paaralan. (Para sa kumpletong listahan, bisitahin ang srs.lds.org/pefcosts.)

Paano ko babayaran ang utang ko?

Habang nag-aaral, magbibigay ka ng maliliit na buwanang bayad. Kapag nag-graduate ka na, lalaki ang mga buwanang bayad mo para mabayaran mo ang iyong utang sa takdang oras. Bibigyan ka ng PEF ng mga performance incentive (mga bawas sa halaga ng loan), na makakatulong sa iyo na mabayaran ang iyong utang at hihikayatin kang mag-graduate at maging self-reliant. Ang mga performance incentive na ito ay maaaring kabilangan ng pag-graduate sa iyong kurso, pagtatamo ng matataas na marka, pagkakamit ng minimithi mong trabaho, at pagbabayad sa takdang oras. Para malaman ang iba pa, bumisita sa srs.lds.org/pefincentives.

Paano ginagamit ang mga ibinayad ko?

Bawat pagbabayad ay mahalaga dahil ginagamit ito para lumikha ng mga bagong loan para sa mga estudyante sa hinaharap.

Sino ang namamahala sa PEF?

Ang PEF ay pinamamahalaan ng Unang Panguluhan, Presiding Bishopric, at iba pang mga General Authority at auxiliary leader. Mga area priesthood leader ang namamahala sa lokal na administrasyon ng loan program.

Paano kung mayroon akong mga tanong o problema?

Kung kailangan mo ng iba pang impormasyon tungkol sa PEF sa inyong lugar, o nahihirapan ka sa iyong application o sa anumang bahagi ng iyong karanasan sa PEF loan, bisitahin ang srs.lds.org/pef o kontakin ang inyong stake self-reliance specialist.

Ang iba pang impormasyon tungkol sa iba pang self-reliance resources ay matatagpuan sa srs.lds.org.