Magreport— Maximum na Oras: 25 Minuto
Mga Ipinangakong Gawin Noong Nakaraang Linggo
-
Isagawa at ibahagi ang alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan] noong nakaraang linggo.
-
Buuin ang aking financial plan para sa aking pag-aaral at maghandang ilahad ang aking plano para maging self-reliant.
-
I-monitor ang mga pang-araw-araw na gastusin ko.
-
Kontakin at suportahan ang action partner ko.
Step 1: Mag-evaluate Kasama ang Action Partner (5 minuto)
Mag-ukol ng ilang minuto upang i-evaluate ang iyong mga pagsisikap na tuparin ang mga ipinangako mong gawin para sa linggong ito. Gamitin ang tsart na “Pag-evaluate ng Aking mga Pagsisikap” sa simula ng workbook na ito. Ibahagi sa partner mo ang iyong evaluation at talakayin ninyo ang tanong sa ibaba. Pagkatapos ay mag-iinisyal siya kung saan tinukoy.
-
Talakayin:Ano ang mga hamong nakaharap mo sa pagtupad sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito?
Step 2: Magreport sa Grupo (8 minuto)
Matapos i-evaluate ang iyong mga pagsisikap, magsama-samang muli bilang grupo at ireport ang iyong mga resulta. Ikutin ang grupo at ilahad ng bawat isa kung ang ibinigay ninyong rating sa sarili ninyo ay “pula,” “dilaw,” o “berde” para sa bawat isa sa mga ipinangako ninyong gawin noong nakaraang linggo.
Step 3: Ibahagi ang Iyong mga Karanasan (10 minuto)
Ngayo’y ibahagi bilang grupo ang mga bagay na natutuhan ninyo mula sa pagsisikap na tuparin ang ipinangako ninyong gawin sa buong linggo.
-
- Talakayin:
-
Ano ang mga naranasan mo sa pagsasagawa at pagbabahagi ng alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan]?
-
Ano ang natutuhan mo habang nagsasaliksik tungkol sa financial aid para matustusan ang iyong pag-aaral?
-
Ano ang natutuhan mo nang maghanda kang ilahad ang iyong plano para maging self-reliant?
-
Paano nakakatulong sa iyo ang pakikipagtulungan sa isang action partner?
-
Step 4: Pumili ng mga Action partner (2 minuto)
Pumili ng isang action partner mula sa grupo para sa darating na linggo. Karaniwan, ang mga action partner ay parehong lalaki o babae at hindi magkapamilya.
Mag-ukol ng ilang minuto ngayon para kausapin ang action partner mo. Ipakilala ang inyong sarili, at talakayin kung paano ninyo makokontak ang isa’t isa sa buong linggo.
Pangalan ng action partner
Contact Information
Isulat kung paano at kailan ninyo makokontak ang isa’t isa sa linggong ito.
Lin |
Lun |
Mar |
Miy |
Huw |
Biy |
Sab |
---|---|---|---|---|---|---|