Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Matuto


Matuto—Maximum na Oras: 45 Minuto

Basahin:Sa nakaraang miting ng grupo, ibinahagi mo sa grupo ang iyong plano para maging self-reliant. Ngayo’y sisikapin mong isagawa ang plano mo. Kinakailangan mo rito na:

  1. Pamahalaan ang pag-aaral mo.

  2. Lumikha ng matagumpay na routine.

  3. Manatili sa tamang landas.

1. Pamahalaan ang Pag-aaral Mo

Basahin:“Anupa ‘t ipinagkaloob ng Panginoong Diyos sa tao na siya ay kumilos para sa kanyang sarili … at hindi pinakikilos” (2 Nephi 2:16, 26).

Talakayin:Bakit mahalaga na kumilos ka para sa iyong sarili sa iyong plano sa pag-aaral?

Basahin:Ang matagumpay na mga mag-aaral ay kinokontrol ang kanilang pag-aaral. Sila ay:

  • Aktibo

  • Responsable

  • Disiplinado

2. Lumikha ng Matagumpay na Routine

Basahin:Iba ang magsabing magiging aktibo, responsable, at disiplinado ka kaysa magsabing gagawin mo ito. Para magtagumpay, kailangan mong (1) unahin ang dapat unahin, (2) iwasang magpaliban, at (3) iwaksi ang mga bagay na nakagagambala…

Unahin ang Dapat Unahin

Basahin:Hindi mo kayang gawin ang lahat. Habang nag-aaral ka, dapat mong unahin ang mga gawaing may kinalaman sa pag-aaral mo.

Halimbawa, gusto mong bisitahin ang isang kaibigan na matagal-tagal mo nang hindi nakikita (mabuti), pero kailangan mo talagang mag-aral para sa isang test bukas (mas maganda).

Talakayin:Ano ang gagawin mo? Bakit?

Basahin:Para maiuna ang mga bagay na kailangan mong gawin:

  • Ilista ang mga bagay na kailangan at gusto mong gawin.

  • Muling isulat ang listahan na nasa unahan ang pinakamagagandang bagay, at isunod ang mas magagandang bagay at pagkatapos ay ang magagandang bagay.

Kung minsa’y kakailanganin mong pumili sa pagitan ng pinaka-mahalaga at ng pinaka-agaran. Kung minsa’y nagiging agaran ang mga gawain dahil ipinagpaliban mong gawin ang mga ito. Kung minsan naman, nagiging agaran ang mga gawain dahil umaasa ang ibang tao na gagawin mo ngayon ang mga ito.

Halimbawa, kailangan mong mag-aral para sa test na ibibigay pagkaraan ng dalawang linggo (mahalaga), pero kailangan mo ring mag-enrol sa isang klase bago mag-deadline bukas ang application (agaran).

Talakayin:Ano ang gagawin mo? Bakit?

Huwag Magpaliban

Basahin:Ang pormal na pag-aaral (gaya ng trabaho mo) ay may mga deadline. Ang mga papeles ay dapat isumite kapag dapat na itong isumite; ang mga proyekto ay may mahihigpit na petsa ng pagkumpleto. Ang pagbabalewala sa mga deadline ay makakaapekto sa iyong marka, sa iyong saloobin, sa iba pang mga estudyante, at sa iyong matagumpay na pagkumpleto ng isang program. Nagiging agaran ang mga assignment kung ipagpapaliban mo ang mga ito hanggang sa araw ng deadline.

Talakayin:Paano nababawasan ang stress sa pagtatapos ng mga assisngment bago sumapit ang deadline?

Iwaksi ang mga Bagay na Nakagagambala

Basahin:Ang marating ang iyong mga mithiin sa pag-aaral ay nangangailangan ng sipag, tiyaga, at pagtutuon. Ang mga bagay na nakagagambala at problema ay ililihis ka sa iyong landas patungong self-reliance. Kapag alam mo kung paano ka maaaring magambala, o alam mo ang iba pang mga problemang maaari mong kaharapin, makakapagplano ka ng mga paraan para iwaksi ang mga balakid na ito at manatiling nakatuon sa gawain.

Kilalanin si Afu, edad 23. Siya ay nagmula sa isang napakadukhang pamilya sa bukid. Ang kanyang misyon ay iminulat ang kanyang mga mata sa mga posibilidad na kumita ng mas malaki at maglaan para sa kanyang pamilya. Gusto niyang lumipat sa lungsod upang mag-training bilang electrician, pero gusto ng mga magulang niya na manatili siya sa bahay at tulungan sila sa pagsasaka tulad ng ginawa ng nakaraang mga henerasyon ng pamilya.

Basahin:Ang ilang problema ay maaaring dumating nang di-inaasahan. Walang nagpaplanong magkasakit o mawalan ng trabaho. Ang pananampalataya at tiwala sa ating Ama sa Langit at suporta ng pamilya at mga kaibigan ay makakatulong na malampasan mo ang mga hamong iyon.

Talakayin:Ano ang gagawin mo kapag naharap ka sa mahihirap at nakakagulat na hamon?

3. Manatili sa Tamang Landas

Basahin:Maraming taong hindi nakakatapos sa pag-aaral. Madalas ay may mga problema, mahihirap na sitwasyon, at ibang mga tao na maaari kang iligaw ng landas.

Halimbawa:

  • Sa maraming lugar sa mundo, sasabihin ng mga magulang sa kanilang mga anak, “Tumigil ka na sa pag-aaral. Umuwi ka at magtrabaho sa bukid. Hindi mabubuhay ang pamilya natin kung hindi ka magtatrabaho rito.” Iyan mismo ang problemang nakaharap ni Afu.

  • Tumitigil sa pag-aaral ang ilang tao dahil nagkasakit o namatay ang isang kapamilya, o naghihirap ang pamilya.

  • Tumitigil sa pag-aaral ang ilang tao dahil ginastos nila ang kanilang pera sa mga bagay na hindi kailangan at wala nang sapat na pera para makapag-aral.

  • May ilang taong hindi nakatapos sa kanilang training dahil ayon sa isang kaibigan, “May maganda akong mapagkakakitaan para sa iyo. Mas malaki ang kikitain mo sa paggawa nito kaysa sa training mo.” Lumalabas na ang oportunidad na ito ay hindi katulad ng nais mong mangyari. Dalawang beses naharap si Stefano sa tuksong ito, at dalawang beses ding mas malaki ang nawalang pera sa mga kaibigan niya kaysa kinita nila. Natuwa siya na hindi siya nakisali.

  • Hindi natatapos ng ilang tao ang kanilang pag-aaral dahil pinanghihinaan sila ng loob at sinasabi nila sa kanilang sarili, “Mas mahirap ito, mas matagal gawin, at mas magastos kaysa inakala ko. Palagay ko hindi para sa akin ang pag-aaral.”

Panoorin:“Good Things to Come,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang mga pahina 145–46.)

video icon

Basahin:Ang isang pamamaraan para manatili ka sa tamang landas ay kinabibilangan ng:

  1. Paglalarawan sa isipan ng iyong buhay at kung ano ang pakiramdam mo kapag self-reliant ka.

  2. Paghula kung sino o ano ang magiging dahilan para tumigil ka.

  3. Paghahanda ng sasabihin o gagawin mo para manatili sa tamang landas.

Pag-isipang mabuti:Tingnan ang tulay sa ibaba. Isipin kung ano ang magiging pakiramdam pagkatawid mo ng tulay. Isipin kung ano ang pakiramdam ng maging mas self-reliant.

graphic of bridge in canyon

Basahin:Ang sumusunod na mga halimbawa ay mga taong nag-isip kung ano ang magiging dahilan para huminto sila sa pag-aaral at kung ano ang gagawin nila.

Isinulat ni Rachel:

Ano ang Pakiramdam Kapag Self-Reliant Ako

Sino o Ano ang Magiging Dahilan para Tumigil Ako sa Pag-aaral

Ang Sasabihin o Gagawin Ko para Manatili sa Tamang Landas

Simula nang makipagdiborsyo ako, hirap na hirap na akong tugunan ang mga pangangailangan namin. Maliit ang suweldo ko sa trabaho ko sa grocery store. Kapag nakatapos ako sa aking degree at nakakuha ng trabahong mataas ang suweldo, mapapanatag ako dahil mababayaran ko na ang mga bayarin at matustusan ko ang aking pamilya.

Madali akong panghinaan ng loob. Tiyak ko na magkakaroon ng mga pagkakataon na iisipin ko na napakahirap mag-aral at maraming problema. Nag-aalala ako lalo na kung paano matitiis ng mga anak ko na wala akong panahon sa kanila habang nag-aaral ako. Siguro maiinis ako at gugustuhin kong tumigil.

Maglilista ako ng kapamilya at mga kaibigan na mahusay magpalakas ng loob ko. Tatawagan ko sila kapag pinanghinaan ako ng loob. Susubukan kong makahanap ng isang kaibigan na makakapagturo sa akin para mas madalian akong mag-aral. Magtatago rin ako ng listahan ng mga mensahe sa kumperensya at mga pelikulang nagbibigay-inspirasyon sa akin. Panonoorin ko ang mga iyon kapag parang gusto kong sumuko.

Isinulat ni Afu:

Ano ang Pakiramdam Kapag Self-Reliant Ako

Sino o Ano ang Magiging Dahilan para Tumigil Ako sa Pag-aaral

Ang Sasabihin o Gagawin Ko para Manatili sa Tamang Landas

Kapag natapos ko ang certificate ko, magiging electrician na ako sa lungsod na kumikita nang mas malaki kaysa kikitain ko sa munting bayan namin. Mas matutustusan ko na ang sarili ko, at gaganda ang pakiramdam ko.

Hindi masaya ang mga magulang ko na umalis ako para mag-aral. Alam ko na malapit nang dumating ang tatay ko upang pauwiin ako para magtrabaho sa bukid at tustusan ang mga pangangailangan ng aking mga magulang at kapatid.

Sasabihin ko sa kanya na mahal ko siya pero kailangan kong tapusin ang pag-aaral ko para mas handa akong tustusan ang sarili ko at ang magiging asawa at mga anak ko. Ipaliliwanag ko kung paano rin sila makikinabang sa aking pasiya dahil mas matutulungan ko sila. Hihingi ako ng priesthood blessing para magkaroon ako ng tapang na sabihin ang mga bagay na ito sa tatay ko.

Basahin:“Walang anumang mabuti kung hindi mo ito gagawin” (Dieter F. Uchtdorf, “Papasanin Ka Niya sa Kanyang Balikat at Iuuwi,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 103, sa pagsipi kay Erich Kästner).

Talakayin:Ano ang pinakamahalagang bagay na natutuhan mo sa miting ng grupo ngayon?