My Foundation [Ang Aking Saligan]: Gamitin nang Matalino ang Oras—Maximum na Oras: 20 Minuto Pag-isipang mabuti:Bakit isa sa pinakadakilang mga kaloob ng Diyos ang oras? Panoorin:“The Gift of Time,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 131.) Ang Kaloob na Oras Kung hindi ninyo mapapanood ang video, pumili ng mga role at basahin ang script na ito. Kofi: Hello, Sister Benkosi. Kumusta? Sister Benkosi: Okey ka lang ba, Kofi? Kofi: Ah, Sister Benkosi. Marami po akong ginagawa. Kailangan kong magtrabaho at paglingkuran at tulungan ang aking pamilya … at magpraktis din ng football. Wala akong oras! Sister B.: Kofi, nasa iyo ang lahat ng oras. Kofi: Ano po? Sister B.: Iho, binigyan tayo ng Diyos ng napakagandang kaloob—ang ating oras. Kailangan natin itong gugulin sa pinakamahalaga. Kofi: Pero paano po, Sister Benkosi? Lagi kayong maraming nagagawa. Matagumpay kayo sa inyong pamilya at negosyo. Napaglingkuran at napagpala ninyo ang marami, gaya ko. Hindi ko alam kung paano ninyo ito ginagawa. Sister B.: Gusto mo ba talagang malaman? Kung mauupo ka at makikinig, sasabihin ko sa iyo ang sikreto ko. Madaling araw ako gumigising. Nagbibihis ako at naghihilamos. Nagbabasa ako ng mga banal na kasulatan. Pagkatapos inililista ko ang gagawin ko sa araw na iyon. Iniisip ko kung sino ang puwede kong paglingkuran. Nagdarasal ako para malaman ang kalooban ng Diyos. At nakikinig ako. Kung minsan naiisip ko ang mga pangalan o mukha ng mga tao. Idinaragdag ko sila sa listahan ko. Kofi: Ganyan ba ninyo palaging nalalaman kung sino talaga ang kailangan ninyong paglingkuran? Sister B.: Oo, Kofi. At ipinagdarasal ko na magkaroon ako ng lakas at karunungan. Ipinagdarasal ko na ang Diyos ay “[ilalaan] ang [aking] pagganap.” Sinabi iyan sa 2 Nephi 32. Nagpapasalamat ako sa Kanya. Nangangako ako na gagawin ko ang lahat ng kaya ko. Hinihiling kong gawin niya ang hindi ko kayang gawin. Pagkatapos ay tinitingnan ko ang listahan ko. Naglalagay ako ng 1 sa tabi ng pinakamahalaga, at ang kasunod ay 2. Kofi: Paano ninyo nalalaman kung ano ang uunahin? Sister B.: Nakikinig ako kapag nagdarasal ako! Pagkatapos ay kumikilos ako. Tinitingnan ko ang number 1 at sinisikap kong unahin iyon, pagkatapos ay ang number 2 naman. Kung minsa’y nagbabago ang mga bagay-bagay. Sinasabi sa akin ng Espiritu Santo na iba ang gawin ko. Maganda iyon. Nagpapakasipag ako, at panatag ako. Alam kong tutulungan ako ng Diyos. Kaya, sa tulong ng listahan at ng Espiritu, ginagawa ko ang mahalaga, Kofi. Kofi: Mukhang simple at mahirap din. Sister B.: Tama ka! Bago ako matulog, nagdarasal ako. Nagrereport ako sa Ama sa Langit. Sinasabi ko sa Kanya ang nangyari sa maghapon. Nagtatanong ako. Itinatanong ko kung ano ang puwede ko pang pagbutihin. Nakikinig ako. Madalas kong madama ang Kanyang pagmamahal. Alam ko na tinutulungan Niya ako sa sinisikap kong gawin. Pagkatapos ay napapanatag ako, Kofi, at natutulog na ako. Kofi: Ayos iyan, Mamma Benkosi. Gusto ko ang kapanatagang iyan. Gusto kong gamitin ang aking oras. Gusto kong gumawa at maglingkod nang mas mabuti. Bumalik sa pahina 130. Talakayin:Ano ang natutuhan mo mula kay Sister Benkosi? Basahin:Alma 34: 32 at ang sinabi ni Pangulong Brigham Young (sa kanan) Mangakong Gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain: Gawin ang mga hakbang na ito sa araw-araw para magamit nang mas matalino ang iyong oras. Magreport tuwing gabi sa Ama sa Langit sa iyong mga dalangin. Ibahagi sa iyong pamilya o mga kaibigan ang natutuhan mo ngayon tungkol sa matalinong paggamit ng oras.