Pag-isipang Mabuti—Maximum na Oras: 5 Minuto
Pag-isipan ng bawat isa kung ano ang natutuhan ninyo ngayon at isipin kung ano ang ipinagagawa sa inyo ng Panginoon. Basahin ang talata sa banal na kasulatan o ang sipi sa ibaba at isulat ang mga sagot sa mga tanong.
“Hindi ba tayo magpapatuloy sa isang napakadakilang adhikain? Sumulong at huwag umurong. Lakas ng loob, … at humayo, humayo sa pananagumpay!” (D at T 128:22).
Ano ang pinakamakabuluhang mga bagay na natutuhan ko ngayon?
Ano ang gagawin ko dahil sa natutuhan ko ngayon?