Mga Naunang Edisyon
Mangakong Gawin


Mangakong Gawin

Larawan
arrow-purple

Paano ako magkakaroon ng progreso araw-araw?

Oras:I-set ang timer nang 10 minuto para sa section na Mangakong Gawin.

Basahin:Kada linggo, pipili tayo ng “action partner.” Ito ay isang group member na makakatulong sa atin para matupad natin ang ating mga pangako. Dapat kausapin ng mga action partner ang isa’t isa sa loob ng isang linggo at ireport sa isa’t isa ang kanilang progreso. Karaniwan, ang mga action partner ay dapat parehong lalaki o parehong babae at hindi kapamilya.

Praktis:Pumili ng action partner. Pagpasyahan kung kailan at paano kayo makakapag-usap.

Pangalan ng action partner

Contact information

Basahin nang malakas sa iyong action partner ang bawat pangako. Mangakong tuparin ang iyong mga pangako! Lumagda sa ibaba.

ANG AKING MGA PANGAKO

Kakausap ako ng kahit limang tao lang para makatipon ng impormasyon para sa aking work plan.

 Ang aking mithiin: 5 8 10

Ihahanda ko ang aking work plan para sa presentation.

Gagawin ko ang alituntunin sa My Foundation na pinag-aralan ngayon at ituturo ito sa aking pamilya.

Magdadagdag ako sa aking impok—kahit kaunti lang.

Magrereport ako sa aking action partner.

Ang aking lagda

Lagda ng action partner

Paano ko irereport ang aking progreso?

Panoorin:“Pagkilos at Paggawa ng Pangako” (Walang video? Basahin sa pahina 23.)

Basahin:Kapag inirereport natin ang mga ipinangako nating gawin, mas matutupad natin ang mga ito. Basahin ang quotation sa kanan.

Praktis:Bago ang susunod na miting, gamitin ang commitment chart na ito para irekord ang iyong progreso. Sa mga kahon sa ibaba, isulat ang “Oo,” “Hindi,” o ang bilang kung ilang beses mong tinupad ang iyong pangako.

Kumausap ng kahit limang tao tungkol sa aking work plan (Isulat ang #)

Naghanda ng work plan presentation (Oo/Hindi)

Ginawa ang alituntunin sa Foundation at itinuro ito sa pamilya (Oo/Hindi)

Nagdagdag sa impok na pera (Oo/Hindi)

Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)

Basahin: Alalahanin din na irekord ang iyong gastusin sa likod ng iyong booklet na My Path to Self-Reliance.

Sa susunod na miting ng grupo, ang facilitator ay gagawa ng isang commitment chart sa pisara (gaya ng makikita sa itaas). Darating tayo 10 minuto bago magsimula ang miting at isusulat ang ating progreso sa chart.

Pumili ng facilitator para sa paksa sa My Foundation sa susunod na miting. Ipabasa sa kanya ang inside front cover ng workbook na ito para matutuhan ang ginagawa ng mga facilitator. Kailangang gawin din niya ang ginawa ng facilitator ngayon:

  • Anyayahan ang Espiritu; anyayahan ang mga group member na hangarin ang Espiritu.

  • Magtiwala sa mga materyal; huwag magdagdag; gawin lamang ang sinasabi rito.

  • Pangasiwaan ang oras.

  • Dagdagan ng sigla; magkatuwaan!

Hilingan ang isang tao na magbigay ng pangwakas na panalangin.

Tumatanggap ng Feedback

Mangyaring ipadala ang inyong mga ideya, feedback, mungkahi, at karanasan sa srsfeedback@ldschurch.org.

Paalala sa Facilitator:

Tandaan na irehistro ang lahat ng group member sa srs.lds.org/report.

Tandaan din na gumawa ng mga kopya ng contact information ng grupo para sa susunod na miting.

Print