Pambungad
Ang grupo bang ito ay makakatulong para makapag-aral ako?
Hindi palaging madali na makapag-aral, ngunit tutulungan ka ng self-reliance group na ito na malaman ang pinakamagandang paraan para matamo ang edukasyon na kailangan mo para sa mas magandang trabaho. Sa mga miting ng grupo, mangangako kang gawin ang ilang partikular na gawain, at bibigyan ka ng grupo ng mga ideya at palalakasin ang iyong loob. Ang mithiin ng grupong ito ay hindi lamang ang tulungan ka na maghanda at magtagumpay sa iyong pag-aaral; ito rin ay para tulungan ka na mas sumunod at manampalataya sa Panginoon at tumanggap ng Kanyang ipinangakong pagpapala na self-reliance sa temporal at espirituwal.
Ano ang self-reliance group?
Ang self-reliance group ay iba sa karaniwang klase, leksyon, at workshop sa Simbahan. Walang mga guro, lider, o trainer dito. Ang mga miyembro ng grupo ay magkakasamang natututo at sinusuportahan at hinihikayat ang isa’t isa. Itinuturing naming responsibilidad ng bawat isa ang mga ipinangako namin at nagpapayuhan kami para solusyunan ang mga problema.
Ano ang ginagawa ng mga group member?
Sa mga miting, ang mga group member ay nangangako na kikilos. Hindi lang kami nag-aaral kundi ginagawa rin namin ang mga bagay na tutulong sa amin na maging self-reliant. Nangangako kami, tinutulungan ang isa’t isa na matupad ang mga pangakong iyon, at inirereport ang aming progreso. Dahil ang grupo ay kumikilos bilang isang council, mahalagang dumalo sa mga miting nang regular at nasa oras. Palaging dinadala ang workbook na ito at ang mga booklet na My Foundation: Principles, Skills, Habits (Ang Aking Saligan: Mga Alituntunin, Kasanayan, Gawi) at My Path to Self-Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self-Reliance). Ang bawat miting ng grupo ay tatagal nang mga dalawang oras. Ang pagtupad sa aming mga pangako ay aabot nang isa o dalawang oras kada araw.
Ano ang ginagawa ng facilitator?
Ang mga facilitator ay hindi mga eksperto sa edukasyon o pagtuturo. Hindi nila pinamumunuan o tinuturuan ang grupo. Tinutulungan lang nila ang grupo na sundin nang eksakto ang mga materyal ayon sa mga nakasaad rito. Ang self-reliance specialist ang karaniwang nagpa-facilitate sa mga miting ng grupo; gayunpaman, maaaring mag-assign ng mga group member para mag-facilitate makaraan ang ilang linggo, kung kinakailangan. Para sa karagdagang kaalaman, tingnan ang Leader Guide at ang mga kasamang video sa srs.lds.org.
Certificate of Completion
Ang mga group member na nakadalo sa mga miting at tinupad ang kanilang mga pangako ay kwalipikadong tumanggap ng self-reliance certificate mula sa LDS Business College. Tingnan sa pahina 29 sa My Foundation para sa mga requirement.