Mga Naunang Edisyon
Pag-aralan


Pag-aralan

lightbulb-blue

Kapag nag-aaral na ako, paano ako magtatagumpay?

Oras:I-set ang timer nang 45 minuto para section na Pag-aralan.

Basahin:Malaki na ang naging progreso natin sa pagpaplano para sa ating pag-aaral. Pero kapag talagang nasa paaralan na tayo, paano tayo magtatagumpay?

Linggo 1

Linggo 2

Linggo 3

Linggo 4

Linggo 5

Linggo 6

Anong klaseng trabaho ang makakatulong sa akin para maging self-reliant?

Anong edukasyon ang makakatulong sa akin na maging kwalipikado sa aking trabaho?

Paano ko tutustusan ang aking pag-aaral?

Dapat ba akong mag-loan sa Perpetual Education Fund?

Paano ako magtatagumpay sa loob ng klase?

Paano ako magtatagumpay sa labas ng klase?

Basahin:Sa linggong ito, hahanapin natin ang sagot sa tanong na ito at gagawin ito:

Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ako magtatagumpay sa loob ng klase?

GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Pag-iibayuhin ang aking pagsunod sa mga alituntuning espirituwal at paghuhusayin ang aking mga kasanayan at gawi sa pag-aaral.

Bakit pinayuhan tayo ng Panginoon na matuto?

Basahin:Pinayuhan tayo ng Panginoon at ng Kanyang mga propeta na magtamo ng edukasyon at training, magkaroon ng mga kasanayan o skills para makakuha ng magagandang trabaho, at magpakasipag.

Panoorin:“Edukasyon ang Susi sa Oportunidad” (Walang video? Basahin sa pahina 93.)

Talakayin:Hatiin ang klase sa mga grupo na may tig-tatatlong katao. Talakayin ang mga tanong na ito sa loob ng ilang minuto. Pagkatapos ay ibuod ang natutuhan ninyo bilang grupo.

  1. Bakit gusto ng Panginoon na magtamo tayo ng edukasyon at training? Matutulungan ba Niya tayo na magtagumpay?

  2. Paano nakakatulong sa atin ang edukasyon at training para “[magawa] ang tungkulin” na ibinigay sa atin ng Diyos?

“Paano ako matututo sa pamamagitan ng pananampalataya?

Basahin:Basahin ang banal na kasulatan sa kanan.

Praktis:Pumili ng isang alituntunin sa table at basahin ito. Tanungin ang iyong sarili: “Paano nito mababago ang paraan ko ng pag-aaral?”

MGA ALITUNTUNIN NG PANANAMPALATAYA

Manatiling karapat-dapat. “Kung kayo’y magkusa at mangagmasunurin, kayo’y magsisikain ng buti ng lupain” (Isaias 1:19); “Kapag tayo ay nagtatamo ng anumang mga pagpapala … ito ay dahil sa pagsunod sa batas kung saan ito ay nakasalalay” (D at T 130:21).

Hangarin ang Espiritu. “Ang Mangaaliw … ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo’y aking sinabi” (Juan 14:26); “Masigasig na maghanap, manalangin tuwina, at maging mapanampalataya” (D at T 90:24).

Makinig, pag-isipang mabuti, maniwala. “Makinig sa tinig ni Jesucristo, ang inyong Manunubos” (D at T 29:1); “Gayon ang wika ng marahan at banayad na tinig” (D at T 85:6); “Huwag mamangha … huwag mag-alinlangan, kundi maging mapagpaniwala” (Mormon 9:27).

Kumilos; aktibong makibahagi. “Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo” (Juan 7:17); “Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon” (1 Nephi 3:7); “Ang mga tao ay nararapat na maging sabik sa paggawa … at isakatuparan ang maraming kabutihan” (D at T 58:27).

Bilang grupo, pag-usapan ang natutuhan ninyo. Paano ninyo ipamumuhay ang apat na alituntuning ito sa inyong buhay? Paano ninyo ituturo ang mga ito sa inyong pamilya?

Basahin:Maaari tayong matuto sa pamamagitan ng pananampalataya dahil alam natin ang katotohanan! Ang Diyos ay ang ating Ama at tayo ay mga anak Niya. Nais Niyang maging katulad Niya tayo. Matutulungan tayo ng kapangyarihan ng Tagapagligtas. Mapapalawak ng Banal na Espiritu ang ating pang-unawa at matutulungan tayong makaalala. Dahil alam natin ang mga katotohanang ito, maaari tayong manampalataya na magiging napakahusay nating mag-aaral!

Paano ako matututo sa pamamagitan ng pag-aaral?

Basahin:Bukod pa sa matuto sa pamamagitan ng pananampalataya, dapat din tayong matuto sa pamamagitan ng pag-aaral. Ang pag-aaral ay kinapapalooban ng ginagawa natin sa loob ng klase at kung paano tayo naghahanda sa labas ng klase. Sa buong miting na ito magpopokus tayo sa mga susi sa pagtatagumpay sa loob ng klase. Sa susunod na miting tatalakayin natin ang paghahanda sa labas ng klase.

Maisulat at maalala ang natutuhan ko

Aktibong makibahagi, makibahagi sa talakayan sa klase

Malaman ang mga inaasahan at isagawa ito

Matutong mahusay na masagutan ang mga pagsusulit

Paano ko maitatala ang mga natutuhan ko?

Basahin:Nagsusulat tayo para maitala ang nakita at narinig natin sa klase. Nirerepaso natin ang mga tala o notes na ito para maalala ang mga natutuhan natin.

Praktis:Pumili ng isang tao na magbabasa ng “Edukasyon sa Tunay na Buhay” sa pahina 94. Ang iba sa grupo ay dapat makinig at tingnan ang mga tala sa ibaba. Naisulat ba sa mga talang ito ang sinabi ni Pangulong Eyring?

1. Isulat ang pamagat, pangalan ng nagsalita.

2. Habang nagsasalita sila, isulat ang mahahalagang bagay sa malaking espasyong ito; simplihan lamang ito.

3. Pagkatapos ng klase, kaagad na ibuod ang iyong mga tala o notes sa espasyong ito.

4. Pagpasiyahan ang pinakamahalagang bagay na tatandaan at gagawin.

EDUKASYON SA TUNAY NA BUHAY: HENRY B. EYRING

Nais ng Panginoon na matuto ako; makakatulong ang Kanyang biyaya

Ang pagbabalik-loob ay nagdudulot ng hangaring matuto

Nais ng Panginoon na tayo ay matuto at maglingkod

Ang Kanyang biyaya ay tumutulong sa atin na matuto nang mas mabilis at mas mahusay

Dahil natuto ako, naglilingkod ako

Ang unang priyoridad ay matutuhan ang mga bagay na espirituwal

Ang totoong buhay ay buhay na walang hanggan!!

Alam ng Panginoon ang kailangan nating gawin

Ang totoong buhay ay buhay na walang hanggan

Ang mga bagay na natututuhan natin ay nananatili sa atin

Nais ng Diyos na tayo ay matuto at maglingkod

Ipagdasal ang pag-aaral, umasa sa Banal na Espiritu

Talakayin:Ano ang natutuhan mo tungkol sa pagsusulat ng mga tala o notes?

Praktis:Ngayon, pumili ng isang tao na magbabasa ng “Pagkatuto at mga Banal sa mga Huling Araw” sa pahina 95. Makinig at magsulat ng mga tala o notes sa espasyo sa ibaba:

  1. Sa itaas, isulat ang pamagat, ang nagsalita, at petsa.

  2. Habang nakikinig, isulat ang mahahalagang bagay (sa malaking espasyo) sa kanan.

  3. Pagkatapos ng pagbabasa, ibuod ito at isulat sa espasyo sa kaliwa sa loob ng dalawang minuto.

  4. Sa ibaba, isulat ang mga bagay na gusto mong baguhin o mas husayan pa.

Talakayin:Ikumpara ang naitala mo sa iba pang mga kagrupo. Kapaki-pakinabang ba ang mga naitala mo? Paano mo gagawin ito para makagawian mo?

Basahin:Tandaan natin ang mga bagay na ito para matulungan tayo na maitala ang natutuhan natin:

  • Gumuhit ng mga linya sa ating papel; sundin ang mga hakbang.

  • Itala ang pangunahing mga ideya; lagyan ng mga detalye kalaunan.

  • Sa inyong isipan, iugnay ang bagong impormasyon sa isang bagay na alam na ninyo.

Paano ko maaalala ang mga natutuhan ko?

Basahin:Kung karapat-dapat tayo, tutulungan tayo ng Espiritu Santo na “[maalala ang] lahat” (Juan 14:26). Mapapatalas din ang ating memorya sa pamamagitan ng pagrerepaso sa partikular na mga oras. Pinatunayan ng mga siyentipiko na maaalala natin ang halos lahat ng natutuhan natin kung susundin natin ang pattern sa ibaba:

Bagong impormasyon

makalipas ang 1 oras

makalipas ang 1 araw

makalipas ang 1 linggo

makalipas ang 1 buwan

Magbasa o matuto ng isang bagay sa klase at magsulat ng mga tala o notes

Mag-ukol ng 10 minuto para magrepaso ng iyong mga notes

Mag-ukol ng 10 minuto para magrepaso muli ng iyong mga notes; at gawan ito ng buod

Mag-ukol ng 10 minuto para magrepaso muli

Mag-ukol ng 10 minuto para magrepaso muli; hindi mo na ito malilimutan!

Talakayin:Paano mo mababago ang iyong mga gawi sa pag-aaral at iskedyul para maisama ang mga pagrerepasong ito? Gagawin mo ba?

Paano ako aktibong makikilahok sa klase?

Talakayin:Bakit napakahalaga na makilahok sa klase o grupo? Ano ang ipinapakita mo sa iyong guro kapag nakikibahagi ka?

Praktis:Alamin kung gaano ka nakikibahagi sa klase sa pagsagot sa sumusunod na mga tanong.

Markahan ng “x” ang isa sa apat na kahon sa tabi ng bawat pahayag para makita kung ano ang sitwasyon mo sa bawat aspetong ito.

Sa aming self-reliance group, nakahanda ako. Sumasagot ako sa mga tanong at madalas makibahagi sa talakayan.

Hindi kailanman

Kung minsan

Madalas

Palagi

Kapag nasa klase ako, nakahanda ako. Ginagawa ko ang bahagi ko, sumasagot sa mga tanong, at ginagawa ang lahat ng aktibidad.

Hindi kailanman

Kung minsan

Madalas

Palagi

Sinisikap kong tulungan ang kagrupo o kaklase ko sa pamamagitan ng pakikinig at masigasig na pag-aaral o pakikipagtulungan sa kanila.

Hindi kailanman

Kung minsan

Madalas

Palagi

Nag-aaral ako araw-araw; ipinaplano ko ang aking oras at sinusunod ang aking plano; ginagawa ko sa takdang oras ang mga assignment ko.

Hindi kailanman

Kung minsan

Madalas

Palagi

Sinisikap kong tulungan ang aking guro o facilitator sa pamamagitan ng pakikinig at paggawa nang higit pa sa inaasahan niya.

Hindi kailanman

Kung minsan

Madalas

Palagi

Talakayin:Paano mo pag-iibayuhin ang iyong aktibong pakikibahagi sa klase araw-araw?

Paano ko mahusay na masasagutan ang mga test o pagsusulit?

Basahin:Ang pagsusulit ay maaaring mahirap. Pero mahalaga ang mga ito para malaman natin kung gaano ang natutuhan natin. Tayo ang responsable dito—na nakakabuti kung gusto nating magtagumpay!

Talakayin:Bilang grupo, ibahagi ang inyong mga ideya tungkol sa mga tanong na ito:

  1. Ano ang ginawa ninyo para mahusay na masagutan ang mga test?

  2. Ano ang ikinatatakot ninyo tungkol sa mga test o pagsusulit? Paano ninyo madadaig ang mga ito?

  3. Paano ninyo babaguhin ang paraan ng paghahanda ninyo para sa mga test?

Basahin:Narito ang ilang bagay na magagawa natin para maging mahusay sa mga test:

  • Manalangin nang may pananampalataya! Magdasal bago mag-aral at bago mag-test.

  • Maghandang mabuti; mag-aral mabuti.

  • Planuhin ang iyong oras sa pagsusulit; magpasiya kung ilang oras ang iuukol mo sa bawat tanong o section sa iyong pagsisimula.

  • Basahing mabuti at basahin muli ang mga instruksiyon: ano talaga ang gusto nila?

  • Tapusin muna ang pinakamadadaling tanong para magkaroon ng tiwala sa sarili, at balikan ang iba pang mga tanong.

  • Magtanong kung makakakuha ka ng negatibong puntos para sa maling mga sagot: kung hindi, hulaan.

Paano ko magagawa ang inaasahan ng guro?

Talakayin:Bakit napakahalaga na malaman at maisagawa ang mga inaasahan ng inyong guro?

Praktis:Humarap sa isa pang kagrupo. Isa sa inyo ang gaganap na guro at ang isa naman ay gaganap na estudyante. Itatanong ng estudyante sa guro ang mga tanong na nasa ibaba. Maaaring mag-imbento ng mga sagot ang mga guro. Pagkatapos ay magpalitan ng mga role at isadula itong muli.

  1. Paano po ako magtatagumpay sa inyong klase?

  2. Ano po ang gusto ninyong matutuhan at gawin ko?

  3. Paano ninyo mai-evaluate ang aking performance sa pag-aaral?

  4. Ano ang pinakamahalaga sa inyo? Partisipasyon, pagiging alisto, paghahanda? Iba pang bagay?

Talakayin:Ngayong napraktis mo na ito, magagawa mo ba ito sa totoo mong mga guro? Kailan mo gagawin ito?