Mga Naunang Edisyon
Pag-aralan


Pag-aralan

Larawan
lightbulb-purple

Ano ang magagawa natin sa grupong ito?

Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.

Basahin:Para maunawaan ang layunin ng self-reliance group na ito, tingnan ang inside front cover ng workbook na ito at basahin ang pambungad.

Narito tayo upang tulungan ang isa’t isa na magtamo ng edukasyon at mas mapahusay ang ating trabaho. Mayroon ding tayong mas malaking mithiin: maging self-reliant para lalo pa nating mapaglingkuran ang iba.

Panoorin:“Edukasyon para Maging Self-Reliant” (Walang video? Basahin sa pahina 18.)

Talakayin:Ano ang natutuhan ninyo o nadama mula sa video?

Basahin:Magsalitan tayo sa pagbabasa ng mga pahayag na ito:

  1. Gusto nating maging self-reliant.

  2. Pero wala tayong skills o mga kasanayan sa ngayon para makakuha ng magandang trabaho o makapagsimula ng magandang negosyo.

  3. Kaya, kailangan natin ng edukasyon o training para mapahusay ang ating skills o mga kasanayan.

  4. Ang skills o mga kasanayang ito ay magbibigay sa atin ng mas magandang trabaho at mas malaking kita.

  5. At ang mas malaking kita na sinamahan ng mas malaking pananampalataya ay makakatulong sa atin na maging self-reliant!

Talakayin:Magandang dahilan ba ang mga ito kung bakit tayo narito?

Basahin:Sasagutin natin ang sumusunod na mga tanong kada linggo sa ating grupo.

Linggo 1

Linggo 2

Linggo 3

Linggo 4

Linggo 5

Linggo 6

Anong klaseng trabaho ang makakatulong sa akin para maging self-reliant?

Anong edukasyon ang makakatulong sa akin na maging kwalipikado sa aking trabaho?

Paano ko tutustusan ang aking pag-aaral?

Dapat ba akong mag-loan sa Perpetual Education Fund?

Paano ako magtatagumpay sa loob ng klase?

Paano ako magtatagumpay sa labas ng klase?

Talakayin:Sa palagay ninyo, bakit natin sinimulan ang linggong ito sa pagpili ng trabahong gusto natin bago natin pagpasiyahan kung ano ang kailangang pag-aralan natin?

Basahin:Ang mithiin ng edukasyon ay para makakuha ng magandang trabaho. Sa unang anim na linggo matututuhan natin ang tungkol sa edukasyon. Sa ika-7 hanggang ika-12 linggo, matututuhan natin kung paano maghanap ng magandang trabaho at maging matagumpay rito:

Linggo 7

Linggo 8

Linggo 9

Linggo 10

Linggo 11

Linggo 12

Paano ako makakahanap ng mga tamang job opportunity?

Paano ko maipapakita na may tiwala ako sa aking sarili?

Paano ko mapapasok ang mga “hidden” job market?

Paano ko maipapakita na ako ang mas karapat-dapat na piliin kaysa sa iba?

Paano ko pabibilisin ang paghahanap ko ng trabaho?

Paano ako magiging mahusay sa trabaho at patuloy na magtatagumpay?

Basahin:Sa pagtutulungan, masasagot natin ang mga tanong na ito at magtatagumpay!

Ano ang maibibigay ko?

Basahin:Alamin natin kung paano tayo magtutulungan bilang isang grupo.

Panoorin:“Matutong ‘Humayo at Gumawa’” (Walang video? Basahin sa pahina 20.)

Talakayin:Tutulungan natin ang isa’t isa na “humayo at gumawa.” Ano ang mahalaga sa video na iyan? Paano naiiba ang paraang ito ng pag-aaral sa karaniwang mga klase sa paaralan o simbahan?

Praktis:Bumuo ng mga malilit na grupo na may tig-tatatlong katao. Iharap ang inyong mga upuan sa isa’t isa, at gawin ang kasunod na aktibidad.

  1. Ipakilala nang maikli ang iyong sarili—ang pangalan mo at tungkol sa iyong pamilya. Magkuwento tungkol sa accomplishment mo. Halimbawa: “Nabigyan ako ng service award sa trabaho,” o “Nagmisyon ako,” o “Napalaki ko ang tatlo kong anak.”

  2. Ngayon, ang dalawang kasama mo ay dapat kaagad sabihin sa iyo ang mga abilidad mo kaya mo nagawa iyan. Kung sinabi mong, “Nagmisyon ako,” maaaring sabihin ng isa, “Kung gayon malakas ang loob mo, masipag ka, isang lider at teacher, at mabait sa mga tao.”

  3. Ulitin ito sa bawat tao.

  4. Magsama-sama muli bilang isang grupo. Ibahagi ang ilang accomplishment ng mga group member at ang ilan sa kanilang abilidad.

Basahin:Ang lahat ng ating skills at abilidad ay bahagi ng storehouse o kamalig ng Panginoon. Basahin ang banal na kasulatan sa kanan.

Talakayin:Paano magtutulungan ang ating grupo para matulungan ang isa’t isa?

Praktis:Gawin natin ang unang aksyon natin bilang isang grupo. Mag-isip sa loob ng limang minuto at pagpasiyahan kung ano ang itatawag sa ating grupo.

Isulat ang pangalan ng grupo sa ibaba:

Ano ang gusto kong maging trabaho?

Basahin:Sa linggong ito, magpapasiya tayo kung anong klaseng trabaho ang magagawa natin para lalo tayong maging self-reliant. Pagkatapos, babalik tayo at magrereport.

Ang kasunod na tanong at gagawin sa linggong ito ang gagabay sa ating talakayan at mga ipinangako.

Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Anong klaseng trabaho ang makakatulong sa akin para maging self-reliant?

GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Pag-aaralan at susuriin ang mga opsyon ko sa gusto kong maging trabaho, aalamin ang tungkol sa mga ito sa ibang tao, at maghahanda ng work plan.

Praktis:Isulat ang halaga ng kita na kailangan mo kada buwan para maging self-reliant (mula sa self-reliance assessment sa My Path):

Kailangan ko ng halaga kada buwan para maging self-reliant.

Ang booklet na My Path ay makakatulong sa iyo na gawin ang mga desisyong ito.

Basahin:Ngayon, anong trabaho ang gusto natin na makapagbibigay ng ganitong kita?

Panoorin:“Ang PEF Preferred Lists” (Walang video? Basahin ang pahina 21.)

Praktis:Kailangang bigyan ng facilitator ang bawat group member ng isang kopya ng Preferred Jobs List.

  1. Iharap ang iyong upuan sa iba pang miyembro ng grupo. Nang magkasabay, tingnan ang Preferred Jobs List na ibinigay sa iyo ng facilitator.

  2. Ngayon sagutin ang mga tanong na ito:

    • Anong mga trabaho ang nakatawag ng iyong pansin? Mayroon bang parang tugma sa iyong mga kakayahan o karanasan?

    • Aling trabaho ang mataas ang suweldo?

    • Alin ang nangangailangan ng karagdagang edukasyon?

    • Paano makakatulong sa iyo ang listahang ito?

Basahin:Kapag may ideya na tayo kung anong mga trabaho ang makatutugon sa kailangan nating kita, at maraming nangangailangan nito, kailangan malaman pa natin ang tungkol sa mga opsyon at magpasiya tayo. Isang “work plan” ang makakatulong sa atin para mapagpasiyahan ang magiging trabaho o negosyo natin.

Basahin:Sa linggong ito, gagawa tayo ng isang work plan (tingnan sa pahina 24). Ang paggawa nito ay tutulong sa atin para malaman kung paano ito gawin, nang sunud-sunod!

Praktis:Humarap sa isang miyembro ng grupo at gawin ang praktis na ito nang magkasama.

Hakbang 1. Basahin ang dalawang halimbawa. Pagkatapos, para mapraktis, isulat ang isang klase ng trabaho na pinag-iisipan mo sa blankong kahon sa ilalim ng “Ang Iyong Halimbawa.” Sa kasunod na linya, isulat ang mga pangalan ng mga tao na matatanong mo tungkol sa trabahong iyan.

ANG AKING WORK PLAN: ANONG TRABAHO ANG MAKAKATULONG SA AKIN PARA MAGING SELF-RELIANT?

Halimbawa 1

Halimbawa 2

Ang Iyong Halimbawa

Maglista ng tatlong klase ng trabaho na pag-iisipan mo.

Auto Mechanic

Medical Technology Operator

SINO ANG MAY ALAM TUNGKOL SA GANITONG KLASE NG TRABAHO?

Maglista ng 3–5 tao na kakausapin tungkol sa bawat trabaho.

Miguel, kaibigang mekaniko

Roberto, car salesman

Carlos, tiyo ko

Naomi, nagtatrabaho sa hospital

Dorine, nurse

Susy, eksperto sa computer

Hakbang 2. Basahin ang mga tanong at halimbawa sa ibaba. Sulatan ang mga kahon para sa “Ang Iyong Halimbawa.” Para sa praktis na ito, kailangang manghula ka.

ANO ANG MGA ITATANONG KO SA MGA TAONG ITO?

Halimbawa 1 (Auto Mechanic)

Halimbawa 2 (Medical Technology Operator)

Ang Iyong Halimbawa

Magkanong suweldo ang maaari kong asahan kada buwan kapag nagsimula na akong magtrabaho? Magkanong suweldo ang maaari kong asahan pagkaraan ng isang taon?

Suweldo sa simula: 3500

Pagkaraan ng isang taon: 4500

Suweldo sa simula: 4200

Pagkaraan ng isang taon: 5000

Paano ako maghahanda para sa bawat klase ng trabahong ito?

Mechanical school, 8 buwan

1 taong experience

May kilalang tao, may mga kontak

Med tech school, 2.5 taon

1.5 taong experience

Pumasa sa math, science classes

May mga paaralan sa lugar?

Oo

Oo

Dumarami ang nangangailangan sa ganitong klase ng trabaho?

Mabagal, hindi gaanong kailangan

Mabilis, maraming kailangan

Magkano ang kailangan para makapagsimula?

6000 para sa mga kagamitan

4000 para sa certification exam

Hakbang 3. Basahin ang mga halimbawa at pagkatapos ay ibuod ang iyong mga sagot sa pangatlong column. Tandaan, ito ay praktis lang. Kukuha tayo nang mas angkop na impormasyon sa linggong ito. Kapag tapos ka na, bumalik sa buong grupo.

ALING TRABAHO ANG MAKAPAGBIBIGAY NG MATAAS NA KITA AT ANGKOP SA AKING KAKAYAHAN AT KASANAYAN?

Halimbawa 1 (Auto Mechanic)

Halimbawa 2 (Medical Technology Operator)

Ang Iyong Halimbawa

Ano ang natutuhan ko sa mga opsyong ito? Alin ang pinakaangkop sa akin?

Maikli ang panahong gugugulin sa paaralan, kaunti ang gastos, sapat lang ang kita para matugunan ang mga pangangailangan, hindi gaanong kailangan.

Mahabang panahon ang kailangan para maging kwalipikado, maraming panahon ang gugugulin sa paaralan, mas maraming gastos, mas mataas ang kita, maraming nangangailangan.

Basahin:Pagkatapos makakuha ng impormasyon sa linggong ito kailangan nating magpasiya. Maaari tayong magdasal at basahin ang ating patriarchal blessing para makatulong sa atin. Alalahanin: (1) Magsimula tayo sa kung magkanong kita ang kailangan natin para maging self-reliant. (2) Pagkatapos ay pipiliin natin ang trabahong gusto natin na makapagbibigay ng ganoong kita. (3) Pagkatapos niyan, makakapagpasiya na tayo kung ano ang pag-aaralan o kukuning training para maging kwalipikado tayo sa trabahong iyan.

Paano ko ipi-present ang work plan?

Basahin:Sa susunod na linggo, ipi-present natin ang ating work plan sa buong grupo. Kaya’t panoorin natin ang halimbawang ito at pagkatapos praktisin natin.

Panoorin:“Ang Aking Work Plan sa Loob ng Tatlong Minuto” (Walang video? Basahin sa pahina 22.)

Praktis:Tumayo at anyayahan ang isang tao na hindi ninyo nakasama sa praktis sa araw na ito. I-present ang halimbawang ito ng work plan (sa mga pahina 7–9) na parang sa iyo ito. Sundin ang mga halimbawa sa video. Kung wala ka ng ilang impormasyon, gamitin lamang ang iyong imahinasyon.

  1. Ikuwento sa loob ng isang minuto ang tungkol sa mga pinagpipilian mong trabaho at kung sino ang tinanungan mo tungkol sa mga trabahong ito.

  2. Sa loob ng isang minuto ipabahagi ang mga sagot sa mga itinanong mo.

  3. Sa loob ng isang minuto sabihin kung alin sa mga halimbawa ng mga trabaho ang pipiliin mo at ipaliwanag ang dahilan.

  4. At sa loob ng dalawang minuto humingi ng feedback sa ibang tao. Tanungin: Paano ko mas mapapaganda ang aking work plan? Paano ko ito maipi-present nang mas epektibo?

  5. Magpalitan ng role at ipa-present ito sa iba pa.

Talakayin:Kasama ang buong grupo, talakayin kung paano ka mangangalap ng impormasyon sa loob ng isang linggo at paano mo ipi-present ang iyong mga work plan sa susunod na linggo. Magtanong at magbahagi ng mga ideya.

Basahin:Sa loob ng isang linggo, mangalap ng impormasyon at ilagay ito sa work plan sa kasunod na pahina. Kumausap ng mas maraming tao hangga’t maaari. Magtanong ng marami! Kung kailangan mo nang mas maraming espasyo na susulatan, maaari kang gumamit ng karagdagang work plan sa pahina 24.

ANG AKING WORK PLAN: ANONG TRABAHO ANG MAKAKATULONG SA AKIN PARA MAGING SELF-RELIANT?

Maglista ng tatlong klase ng trabaho na pag-iisipan mo.

SINO ANG MAY ALAM TUNGKOL SA GANITONG KLASE NG TRABAHO?

Maglista ng 3–5 tao na kakausapin tungkol sa bawat trabaho.

ANO ANG MGA ITATANONG KO SA MGA TAONG ITO?

Magkanong suweldo ang maaari kong asahan kada buwan kapag nagsimula na akong magtrabaho? Magkanong suweldo ang maaari kong asahan pagkaraan ng isang taon?

Paano ako maghahanda para sa bawat klase ng trabahong ito?

May mga paaralan sa lugar?

Dumarami ba ang nangangailangan sa ganitong klase ng trabaho?

Magkano ang kailangan para makapagsimula?

Iba pang mga tanong?

ALING TRABAHO ANG MAKAPAGBIBIGAY NG MATAAS NA KITA AT ANGKOP SA AKING KAKAYAHAN AT KASANAYAN?

Ano ang natutuhan ko sa mga opsyong ito? Alin ang pinakaangkop sa akin?

Paano ko mapapangasiwaan nang matalino ang aking finances o pananalapi?

Basahin: Ang pagiging self-reliant ay hindi paggugol nang higit pa sa iyong kinikita at pag-iimpok ito ng pera. Ang pag-iimpok ay makakatulong sa atin na matugunan ang mga di-inaasahang gastusin o pangangailangan para sa ating sarili at pamilya kapag mas mababa ang kita natin kaysa sa inaasahan natin. Bilang bahagi ng grupong ito, nangangako tayo na mag-iimpok kada linggo, kahit kaunti lang.

Talakayin: Sa ilang lugar, magandang ideya ang mag-impok sa bangko. Sa iba namang lugar, hindi magandang ideya ito, gaya ng kapag ang isang bansa ay nakakaranas ng mataas na inflation o kapag hindi matatag ang bangko. Maganda bang mag-impok sa bangko sa inyong lugar? Aling bangko ang nag-aalok ng pinakamagandang rate para sa savings?

Basahin: Isa pang bahagi ng pagiging self-reliant ay ang hindi pangungutang. Ang mga personal loan ay ginagamit para gumastos nang higit kaysa kaya nating bayaran. Pinayuhan tayo ng mga propeta na iwasan ang pangungutang, at kapag mas lalo tayong naging self-reliant mababawasan at maaalis ang pangungutang natin (bagama’t ang pag-utang para sa negosyo ay maganda sa ilang sitwasyon).

Ang biglaang pagkakasakit ay kadalasang sanhi ng malaking gastusin. Ang insurance at mga healthcare program ng gobyerno ay madalas makatulong sa problemang ito. Ang pagkuha ng insurance o medical program ng gobyerno ay maaaring maging mahalagang bahagi ng pagiging self-reliant natin.

Talakayin: Ang ilang uri ng insurance (gaya ng health insurance at life insurance) ay mas madaling makuha at mas nakakatulong kaysa sa iba pang uri ng insurance. Ang ilan sa mga insurance providers ay maganda at ang iba ay madaya. Ano ang ilan sa mga pinakamagandang insurance option sa inyong lugar?

Bakit nais ng Panginoon na maging self-reliant tayo?

Talakayin: Bakit nais ng Panginoon na maging self-reliant tayo?

Basahin: Basahin ang quotation sa kanan.

Talakayin:Paano nagsisilbing “banal na layunin,” ang ating pagsisikap na makapagtrabaho tulad ng sinabi ni Elder Christofferson?

Basahin:Matutulungan tayo ng Panginoon na maging self-reliant. Sinabi Niya, “Masdan, ako ang Diyos; at ako ay Diyos ng mga himala” (2 Nephi 27:23). Kapag iniukol, o inilaan natin ang ating pagsisikap na magtagumpay sa ating trabaho sa banal na layunin na maging self-reliant, papatnubayan tayo ng Panginoon. Kapag ipinakita natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pakikinig at pagsunod sa Kanyang panghihikayat, ang Panginoon ay gagawa ng mga himala at palalakasin tayo upang magawa ang hindi natin kayang gawin.

Paano ako maghahanda para maka-loan sa PEF?

Print