Mga Naunang Edisyon
Magreport


Magreport

Larawan
circling arrows-blue

Tinupad ko ba ang mga pangako ko?

Oras:I-set ang timer nang 20 minuto para sa pahinang ito lamang (hindi sa buong section na Magreport).

Praktis:Ireport natin ang ating mga ipinangako. Mangyaring tumayo ang mga tumupad sa lahat ng kanilang ipinangako. (Palakpakan.)

Basahin:Ngayon, magsitayo ang lahat. Dapat nating sikaping tuparin ang lahat ng ating ipinangako. Isa iyan sa mga pag-uugaling dapat taglayin ng mga taong self-reliant. Ulitin natin nang sabay-sabay ang ating theme statements:

Basahin:Magsiupo tayo.

Talakayin:Ano ang natutuhan mo nang tuparin mo ang iyong mga ipinangako sa linggong ito? Kailangan mo ba ng tulong mula sa grupo?

Ang Aking Progreso

Oras:I-set ang timer nang 15 minuto para sa pahinang ito lamang.

Basahin:Ireport natin ang ating progreso. Ang video na ito ay makakatulong para makita natin kung paano ito gawin.

Panoorin:“Pagrereport ng Aking Progreso” (Walang video? Basahin sa pahina 92.)

Praktis:Ipapakita ngayon ng mga group member ang kanilang progreso sa nakaraang ilang linggo. Basahin muna ang mga instruksiyong ito.

  1. Pag-isipan sandali ang iyong mga sagot sa mahahalagang tanong sa ibaba. Ang impormasyon ay dapat nasa mga workbook mo na mula sa mga nakaraang linggo.

  2. Kapag handa na ang lahat, magsalitan kayo ng action partner mo sa pagsasabi ng inyong mga sagot. Tiyaking humingi ng feedback.

ANG AKING PROGRESO PATUNGO SA EDUKASYON PARA SA MAS MAGANDANG TRABAHO

Bakit gusto ko na lalo pang maging self-reliant?

Magkanong kita ang kailangan ko para maging self-reliant?

Anong klaseng trabaho sa hinaharap ang pinili ko para magkaroon ng ganyang kita?

Anong training o edukasyon ang kakailanganin ko para maging kwalipikado sa aking magiging trabaho sa hinaharap?

Anong paaralan at program ang pinili ko? Bakit?

Alam ko ba ang halaga ng gagastusin ko sa pag-aaral? Paano ko mababayaran ang mga ito? Trabaho? Pamilya? Loan?

Kailangan ko bang mag-loan sa PEF para matulungan ako na mabayaran ang mga iyon?

Kung gayon, nakahanap na ba ako ng mentor at nakausap ang aking priesthood leader?

Kung nagawa ko na ito, nakumpleto ko ba ang loan application process?

Narito ang malaki kong inaalala o tanong:

May maibibigay ba kayong feedback o payo para sa akin?

Print