Mga Resources Pagrereport ng Aking Progreso Pumili ng mga role at isadula ang sumusunod. FACILITATOR: Irereport natin ngayon ang ating progreso. Robert, maaari bang ikaw na ang magsimula? ROBERT: Okey. Ang unang tanong ay “Bakit gusto ko na lalo pang maging self-reliant?” Alam ninyo ang sitwasyon ko—may lumalaking pamilya at maraming responsibilidad—kaya kailangan ko ng magandang trabaho. Gusto ko talagang maging self-reliant para mapangalagaan ang pamilya ko at mas magampanan ang calling ko. ROBERT: Ang kasunod na tanong ay “Magkanong kita ang kailangan ko?” Nakabuti sa amin ang pagbabadyet. Kailangan pa namin na higit pang doblehin ang kinikita namin ngayon. At okey lang iyon; magagawan iyon ng paraan. ROBERT: Susunod, “Anong klaseng trabaho sa hinaharap ang magbibigay sa akin ng gayong kita?” Maganda ang trabaho sa translation. Dalawang wika ang sinasalita ko ngayon. At flexible ang oras sa trabaho. MEKALA: Nasa Preferred Jobs List ba iyan? ROBERT: Oo, naroon. Maraming nangangailangan nito. ROBERT: Okey “Anong training ang kailangan ko?” Kailangan kong pagbutihin ang aking language skils. At bukod rito, kailangan ko ring matutuhan ang teknolohiya at ilang skills sa negosyo. Nalaman ko rin na kailangan ko ng apprenticeship para makapasok sa trabaho. KWAME: Nakahanap ka ng paaralan na ginagawa ang lahat ng iyan? ROBERT: Oo! At ang program at paaralan ay parehong nasa Preferred Schools and Programs List. Umaasa ako na makapasok sa Advanced Translation program sa Lingua Celeri. Marami silang naipapasok sa trabaho, magandang apprenticeships, at mahuhusay na koneksyon. JANYA: Gaano katagal ang program at magkano ang bayad? ROBERT: Dalawang taon, kasama na ang apprenticeship. Sa gabi ko ito halos nagagawa, para magampanan ko ang aking calling. Kaya naming bayaran ang kalahati ng halaga at kailangan ko ang PEF loan para sa iba pang bayarin. FACILITATOR: Magaling, Robert. May mga inaalala o may mga tanong ka ba? ROBERT: Inaalala naming mag-asawa ang mga oras na malayo kami sa pamilya, lalo na sa calling ko sa Simbahan. Pero tinanong namin ang mga bata at sang-ayon naman ang lahat. Talagang mati-triple ang kikitain ko. FACILITATOR: Magandang report. May feedback ba kayo o maipapayo kay Robert? JANYA: Madali bang sumakay papunta sa paaralan mo, at nagplano ka ba kung paano babayaran ang mga halagang iyon? ROBERT: Sumasakay ako ng dalawang bus kada papunta at pabalik, at hindi pa, hindi ko naisip iyan. Salamat at naitanong mo iyan. KWAME: Sa palagay ko magiging mahusay kang translator. Mabilis kang mag-isip at mahusay magsalita. Makakapag-translate ka ba habang nag-aaral ka para magkaroon ka ng experience? ROBERT: Magandang ideya ‘yan. May kakilala ba kayo na mapagtatanungan ko? Bumalik sa pahina 82 Edukasyon ang Susi sa Oportunidad Magsalitan sa pagbabasa ng sumusunod na mga pahayag. Bumalik sa pahina 84 Edukasyon sa Tunay na Buhay Ipabasa ito nang malakas sa isang kagrupo habang tinitingnan ng iba ang mga tala o notes sa pahina 85. Henry B. Eyring Sa pagbabalik-loob sa ebanghelyo ni Jesucristo nagkakaroon tayo ng hangaring matuto. … Ito ay likas na bunga ng pamumuhay sa ebanghelyo ni Jesucristo. … Kung patuloy tayong maghahangad na matuto upang lalo pang mapaglingkuran ang Diyos at ang Kanyang mga anak, ito ay pagpapala na may malaking kahalagahan. … Ang Panginoon at ang Kanyang Simbahan ay palaging hinihikayat ang mga tao na mag-aral upang dagdagan ang ating kakayahan na maglingkod sa Kanya at sa [Kanyang] mga anak. Para sa bawat isa sa atin, anuman ang ating mga talento, may nakalaan Siyang paglilingkod na dapat nating ibigay. At upang maisagawa ito nang mabuti palaging kailangan ang pag-aaral, hindi lamang minsan o sa limitadong panahon, kundi patuloy na gawin ito. … Sa pamamagitan ng panalangin, pag-aayuno, at pagsusumigasig, lakip ang hangaring paglingkuran Siya, maaasahan natin ang Kanyang tulong. … Ibig sabihin [nito] mas mabilis tayong matututo at huhusay sa mga kasanayan nang higit pa sa magagawa natin sa angkin nating mga kakayahan. … Dapat nating unahing matutuhan ang mga bagay na espirituwal. … Interesado kayong matuto, hindi lamang para sa buhay na ito kundi para sa buhay na walang hanggan. Kapag malinaw ninyong naunawaan iyan, uunahin ninyo ang espirituwal na pag-aaral nang hindi kinaliligtaan ang sekular na pag-aaral. Katunayan, mas magsusumigasig pa kayo sa inyong sekular na pag-aaral kaysa noong wala kayong espirituwal na pananaw. … … Parehong alam ng Panginoon ang kailangan Niyang ipagawa sa inyo at ang kailangan ninyong malaman para magawa ito. Maaasahan ninyo nang may tiwala na naghanda Siya ng mga oportunidad para matuto kayo. … Hindi dapat mahinto ang ating pag-aaral. … Ang tunay na buhay na pinaghahandaan natin ay buhay na walang hanggan. … Naniniwala tayo na nais ng Diyos, ng ating Ama sa Langit, na matamasa natin ang buhay na tinatamasa Niya. Lahat ng natutuhan nating totoo habang narito tayo sa lupa ay kasama sa pagbangon natin sa Pagkabuhay na Mag-uli. At lahat ng matututuhan natin ay magpapaibayo sa kakayahan nating maglingkod. … Dalangin kong madama ninyo ang lubos na pasasalamat sa Dalubhasang Guro, ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Dalangin ko na madama ninyo ang malaking paglilingkod na inaasahan sa inyo ng mapagmahal na Ama sa Langit at na makikita ninyo ang mga oportunidad na matuto na Kanyang inihanda para sa inyo. (“Real-Life Education,” New Era, Abr. 2009, 2–8) Bumalik sa pahina 85 Pagkatuto at mga Banal sa mga Huling Araw Ipabasa ito nang malakas sa isang kagrupo habang ang grupo ay nagpapraktis magsulat ng mga tala o notes sa pahina 86. DALLIN H. OAKS AT KRISTEN M. OAKS Bilang mga Banal sa mga Huling Araw naniniwala tayo sa edukasyon. … Itinuturo sa atin ng ating relihiyon na dapat nating hangaring matuto sa pamamagitan ng Espiritu at tungkulin nating gamitin ang ating kaalaman para sa kapakinabangan ng sanlibutan. … Maitutuon at mapapasidhi ng Espiritu [ng Ama sa Langit] ang ating mga pagsisikap na matuto at mapalawak ang kakayahan nating unawain ang katotohanan. … Ang ating mga pagsisikap na matuto ay dapat haluan ng personal na pagkamarapat para patnubayan ng Espiritu Santo. … Itinataboy ng kasalanan ang Espiritu ng Panginoon, at kapag nangyari iyon, naglalaho ang natatanging inspirasyon ng Espiritu at aandap ang pinagmumulan ng pagkatuto. … … Sa makabagong paghahayag may pangako sa atin na kung nakatuon ang ating mata sa kaluwalhatian ng Diyos, na kinabibilangan ng personal na pagkamarapat, ang ating “buong katawan ay mapupuno ng liwanag, at walang magiging kadiliman sa [atin]; at yaong katawan na puno ng liwanag ay nakauunawa sa lahat ng bagay” (D at T 88:67). … … Ang pagsisisi, na naglilinis sa atin mula sa kasalanan sa pamamagitan ng nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo, samakatwid ay isang mahalagang hakbang sa landas ng pagkatuto sa lahat ng naghahangad ng liwanag at katotohanan sa pamamagitan ng kapangyarihang magturo ng Espiritu Santo. … Sa ating mga piniling pag-aralan dapat tayong maghandang itaguyod ang ating sarili at yaong mga aasa sa atin. Dapat tayong magkaroon ng mga kasanayang uupahan ng iba. Kailangan ang edukasyon para sa sarili nating seguridad at kapakanan. Umaasa ang ating Ama sa Langit na gagamitin natin ang ating kalayaang pumili at inspirasyon sa pagsusuri sa ating sarili at sa ating mga kakayahan at magpapasiya tayo kung ano ang kursong dapat nating pag-aralan. … Basahin ang inyong patriarchal blessing, isipin ang likas ninyong mga potensyal at talento, at humayo. Gawin ang unang hakbang, at darating ang mga oportunidad. … Sa Panginoon, “lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa [ating] ikabubuti” (Mga Taga Roma 8:28). … Maaaring mahirapan tayong kamtin ang ating mga mithiin, ngunit maaari tayong matuto sa ating mga pakikibaka na tulad sa ating pag-aaral. Ang kalakasang tinaglay natin sa pagdaig sa mga hamon ay mapapasaatin sa darating na mga kawalang-hanggan. … Higit sa lahat, obligasyon nating ipagpatuloy ang ating espirituwal na edukasyon sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan at literatura ng Simbahan at sa pagsisimba at pagpunta sa templo. Ang pagpapakabusog sa mga salita ng buhay ay magpapahusay sa atin, magpapaibayo ng ating kakayahang turuan ang ating mga minamahal, at maghahanda sa atin para sa buhay na walang hanggan. Ang pinakalayunin ng edukasyon ay gawin tayong mas mabubuting magulang at lingkod sa kaharian. … Ang edukasyon ay kaloob ng Diyos; ito ay isang batong panulok ng ating relihiyon kapag ginagamit natin ito para makinabang ang iba. (“Pagkatuto at mga Banal sa mga Huling Araw,” Liahona, Abr. 2009, 26–31) Bumalik sa pahina 86 Mga Tala Gumawa ng Tala