Mga Naunang Edisyon
Para sa mga Facilitator


Para sa mga Facilitator

Sa araw ng miting:

  • I-text o tawagan ang lahat ng group member. Anyayahan sila na dumating nang mas maaga ng 10 minuto para makapagreport tungkol sa kanilang mga ipinangako.

  • Ihanda ang mga materyal na gagamitin sa miting.

  • Kumuha ng mga kopya ng local PEF pamphlet para sa bawat group member mula sa inyong stake self-reliance center. Dalhin ang mga ito sa miting ngayon.

  • Dalhin ang mga instruksiyon para sa pagbabayad ng PEF loan sa inyong bansa (makukuha ito sa inyong stake self-reliance center o online sa srs.lds.org/pef). Gumawa ng kopya para sa bawat group member.

30 minuto bago magmiting:

  • Iayos ang mga upuan paikot sa isang mesa para magkakalapit ang lahat.

  • Isulat ang commitment chart na ito sa pisara.

    Pangalan ng group member

    Nakipagtulungan sa pamilya sa paglilista ng kita at gastusin (Oo/Hindi)

    Inirekord ang mga gastusin sa pag-aaral; inalam ang mga opsyon na makakatulong sa bayarin sa pag-aaral (Oo/Hindi)

    Naghanda ng finance plan presentation (Oo/Hindi)

    Ginawa ang alituntunin sa Foundation at itinuro ito sa pamilya (Oo/Hindi)

    Nagdagdag sa impok na pera (Oo/Hindi)

    Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)

    Gloria

    Oo

    Oo

    Oo

    Oo

    Oo

    Oo

10 minuto bago magmiting:

  • Masayang batiin ang mga tao pagdating nila.

  • Kapag dumating na ang mga group member, ipakumpleto sa kanila ang commitment chart sa pisara.

  • Mag-assign ng timekeeper.

Sa oras na magsimula na:

  • Ipa-turn off sa mga tao ang kanilang mga phone at iba pang devices.

  • Magsimula sa pambungad na panalangin (at himno, kung gusto).

  • Tahimik na sabihin sa mga huling dumating na i-turn off ang kanilang phone at kumpletuhin ang commitment chart habang patuloy na nagtatalakayan ang grupo.

  • I-set ang timer nang 20 minuto para sa My Foundation.

  • Gawin ang alituntunin 4 sa My Foundation. Pagkatapos ay balikan ang workbook na ito at ituloy ang pagbabasa sa kasunod na pahina.