Para sa mga Facilitator
Sa araw ng miting:
-
I-text o tawagan ang lahat ng group member. Anyayahan sila na dumating nang mas maaga ng 10 minuto para makapagreport tungkol sa kanilang mga ipinangako.
-
Magdala ng limang ekstrang kopya ng My Path to Self-Reliance.
-
Sa susunod na anim na miting, gagamitin natin ang aklat na My Job Search. Magdala ng ilang kopya sa miting na ito para makita ito ng mga group member.
30 minuto bago magmiting:
-
Iayos ang mga upuan paikot sa isang mesa para magkakalapit ang lahat.
-
Isulat ang commitment chart na ito sa pisara.
Pangalan ng group member
Itinuro sa aking pamilya o mga kaibigan kung paano matuto sa pamamagitan ng pananampalataya (Oo/Hindi)
Ginawa ang lahat ng susi para matuto sa pamamagitan ng pag-aaral sa loob ng klase (Oo/Hindi)
Kinumpleto ang PEF loan process kung kailangan ko ng loan (Oo/Hindi)
Ginawa ang alituntunin sa Foundation at itinuro ito sa pamilya (Oo/Hindi)
Nagdagdag sa impok na pera (Oo/Hindi)
Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)
Gloria
Oo
Oo
Hindi
Oo
Oo
Oo
10 minuto bago magmiting:
-
Masayang batiin ang mga tao pagdating nila.
-
Pagdating ng mga group member, ipakumpleto sa kanila ang commitment chart sa pisara.
-
Mag-assign ng timekeeper.
Sa pagsisimula:
-
Ipa-turn off sa mga tao ang kanilang mga phone at iba pang devices.
-
Magsimula sa panalangin (at himno, kung gusto).
-
Tahimik na hilingin sa mga huling dumating na i-turn off ang kanilang phone at kumpletuhin ang commitment chart habang patuloy na nagtatalakayan ang grupo.
-
I-set ang timer nang 20 minuto para sa My Foundation.
-
Ginawa ang alituntunin 6 sa My Foundation. Pagkatapos ay balikan ang workbook na ito at ituloy ang pagbabasa sa kasunod na pahina.