Mga Naunang Edisyon
Mga Resources


Mga Resources

Pagpili ng Paaralan o Training Program

Pumili ng mga role at isadula ang sumusunod.

KWAME: Sa palagay ko may naisip na akong magandang ideya tungkol sa dalawang trabaho na hahanapin ko.

CONSUELO: Makakatulong ba ang mga iyan para maging self-reliant ka?

KWAME: Siguro. Pero wala pa rin akong mga skills para maging kwalipikado dito.

MEKALA: Oo nga. Iyan din ang problema ko.

ROBERT: Kailangan pa nating mag-aral o mag-training.

CONSUELO: Pero sa maraming paaralang pagpipilian, paano natin malalaman kung saan tayo mag-aaral? Magkakaiba ang bayad sa kanila. At paano natin malalaman kung mahusay ang turo nila?

KWAME: ‘Yung isang ka-ward ko mag-aaral sa New Age. Technical school ‘yun. Siguro doon na lang ako.

MEKALA: Marami akong nakitang poster na nagsasabing maganda raw sa state university. Pero hindi ako matanggap.

ROBERT: Narinig ko naman na mas makakakuha ka ng magandang trabaho kung mag-apprenticeship o internship ka muna.

CONSUELO: Kaya paano natin malalaman?

KWAME: Maaari ba tayong kumausap ng ilang tao sa mga paaralan? O siguro iyong mga naka-graduate na?

MEKALA: Mahirap ‘yan. Kinakabahan ako.

ROBERT: Pero iyan siguro ang dapat nating gawin. Kailangang kausapin natin sila para malaman kung graduate sila roon at kung nakahanap sila ng magandang trabaho. At paano naman ang mga bayarin at scholarships—lahat ng gastusin? Siguro kausapin na lang natin sila. At pati ang mga taong nag-aaral sa paaralang iyon.

CONSUELO: Sasama ako sa inyo, Mekala. Gawin natin ito nang magkasama.

MEKALA: Sige, ayos!

KWAME: Malaking desisyon ito—nakataya ang pera at kinabukasan natin. Siguro kailangan din nating ipagdasal ito. O humiling na gabayan tayo. Natutuhan ko sa misyon na magagabayan tayo ng Panginoon.

MEKALA: Naniniwala rin ako diyan. Malaki ang maitutulong ng pananampalataya rito. Pananalig at pag-asa at ang pagsisikap natin. Dama ko na nais ng Ama sa Langit na pagpalain tayo sa bagay na ito.

ROBERT: At huwag nating kalimutan ang Preferred Schools and Programs List. May magagandang ideya rito tungkol sa mga program at skills na makakatulong sa atin na maging kwalipikado sa mas gusto nating trabaho. Siguro dyan dapat magsimula—kailangan man natin o hindi ng PEF loan.

Bumalik sa pahina 29

Mga Tala