Magreport
Tinupad ko ba ang mga ipinangako ko?
-
Oras:I-set ang timer nang 10 minuto para sa pahinang ito lamang (hindi ang buong section na Magreport).
-
Praktis:Ireport natin ang ating mga ipinangako. Mangyaring tumayo ang mga tumupad sa lahat ng kanilang pangako. (Palakpakan.)
-
Basahin:Ngayon, magsitayo ang lahat. Dapat nating sikaping tuparin ang lahat ng ating ipinangako. Isa iyan sa mga pag-uugaling dapat taglayin ng mga taong self-reliant. Ulitin natin nang sabay-sabay ang ating theme statements:
-
Basahin:Magsiupo tayo.
-
Talakayin:Ano ang natutuhan mo nang tuparin mo ang iyong mga ipinangako sa linggong ito? Kailangan mo ba ng tulong mula sa grupo?
Ano ang natutuhan ko sa paghahanda ng aking education plan?
-
Oras:I-set ang timer nang 40 minuto para sa pahinang ito lamang.
-
Praktis:
Kailangang i-present ngayon ng bawat group member ang kanyang education plan sa grupo nang hindi lalagpas sa tatlong minuto.
Pagkatapos mong mag-present, humingi ng feedback. Isulat ang feedback na natanggap mo. Gamitin ang espasyo sa ibaba para sa mga tala.
Dapat napakaikli lamang ng feedback para magkaroon ang lahat ng pagkakataon na magreport sa itinakdang oras.
-
Talakayin:Anong mga ideya ang nakuha mo mula sa mga report na makakatulong sa iyong pagpapasiya? Isulat ang iyong mga ideya.