Mga Naunang Edisyon
Pag-aralan


Pag-aralan

lightbulb-red

Paano ko tutustusan ang aking pag-aaral?

Oras:I-set ang timer nang 30 minuto para sa section na Pag-aralan.

Basahin:May mas maganda na tayong ideya ngayon kung anong edukasyon o training ang makakatulong sa atin na maging kwalipikado sa ating magiging trabaho. Ngayon malalaman natin kung magkano ang magagastos natin sa pag-aaral at paano ito babayaran. Maaaring maraming opsyon at resources, kabilang ang ating sariling impok na pera, tulong ng pamilya, scholarship, at loans.

Linggo 1

Linggo 2

Linggo 3

Linggo 4

Linggo 5

Linggo 6

Anong klase ng trabaho ang makakatulong sa akin na maging self-reliant?

Anong edukasyon ang makakatulong sa akin na maging kwalipikado sa aking trabaho?

Paano ko tutustusan ang aking pag-aaral?

Dapat ba akong mag-loan sa Perpetual Education Fund?

Paano ako magtatagumpay sa loob ng klase?

Paano ako magtatagumpay sa labas ng klase?

Panoorin:“Pagtustos sa Aking Pag-aaral” (Walang video? Basahin sa pahina 54.)

Basahin:Sa linggong ito, maghahanap tayo ng mga sagot sa tanong na ito at gagawin natin ito:

Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ko tutustusan ang aking pag-aaral?

GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Aalamin kung magkano ang kailangan ko para sa education programs na gusto ko, pag-aaralan ang mga paraan para mabayaran ang mga ito, at gagawa ng finance plan.

Basahin:Pag-iisipan nating mabuti ang tungkol sa pera para matustusan ang ating pag-aaral. Marahil nakakaasiwa ito sa una, pero tutulungan tayo nito na maplano nang matalino ang ating pananalapi at matamo ang edukasyong kailangan natin.

Talakayin: Basahin ang banal na kasulatan sa kanan. Bilang isang grupo, pag-usapan ang mga alituntunin sa banal sa kasulatan. Ano ang masasabi mo tungkol sa pera nang maunawaan mo ang mga alituntuning ito?

Paano ko makakalkula ang halaga?

Praktis:Basahin nang malakas ang sumusunod na halimbawa at talakayin ang pagkalkula.

Talakayin:Kailangan nina Manuel at Elisabeth ng karagdagang 9750 para mabayaran ang unang taon ng pag-aaral. Nakita ba ninyo kung paano nila ginawa ang pagkalkula? Pag-usapan ang anumang tanong na mayroon kayo.

Magkano ang aking kita? Ano ang aking mga gastusin?

Basahin:Ngayon, gumawa tayo ng sarili nating education finance plan.

Praktis:Nang ikaw lang, sulatan ang form na ito sa loob ng ilang minuto. Maging matapat ka sa iyong sarili. Maaari kang gumamit ng lapis. Pagkatapos, sa linggong ito, kausapin ang iyong pamilya para magawa ito nang mas tama. Sa ngayon, gawin ang iyong makakaya na ma-estimate ang halaga.

Gamitin ang mga numero na inirekord mo sa back cover ng My Path.

Ano ang mga bayarin ko sa aking pag-aaral?

Basahin:Susunod, aalamin natin ang mga bayarin natin sa pag-aaral.

Praktis:Sulatan ang mga blankong espasyong ito at magkalkula. Gumamit ng lapis. Kung nakapili ka na ng isang partikular na program, sulatan ang isang column. Kung pinag-iisipan mo ang dalawa o tatlong program, sulatan ang mga column na iyon para paghambingin. Magtulungan o lumapit sa iyong facilitator kung kailangan mo ng tulong.

Ang halimbawa ay para sa isang taon. Kung mas maikli ang iyong program, i-adjust ang kalkulasyon mo. Ang SRS Preferred Schools and Programs List at ang impormasyon sa iyong education plan ay makakatulong sa iyo.

ANG AKING EDUCATION FINANCE PLAN (para sa isang taon)

Halimbawa
Radiologist med tech

Program 1

Program 2

Program 3

Tuition (isang taon)

12000

Idagdag ang mga exams at iba pang fees (entrance, license, certification, final exam, at iba pang fees—isang taon)

+ 2000

+

+

+

Idagdag ang mga aklat at suplay (isang taon)

+ 1000

+

+

+

Ibawas ang scholarships o grants (kung mayroon—isang taon)

- 1000

-

-

-

“E” Ang Aking mga Bayarin sa Pag-aaral (isang taon)

= 14000

=

=

=

“D” Ang maibabayad natin (isang taon)

- 1000

-

-

-

“F” Ang natitirang bayarin (isang taon)

= 13000

=

=

=

Magkano ang mababayaran ko sa aking pag-aaral?

Praktis:Tingnan ang huling linya sa chart sa itaas.

Kung ang “F” ay 0 o mas mababa, mababayaran mo ang lahat ng bayarin sa iyong pag-aaral—congratulations!

Kung ang “F” ay mas mataas kaysa 0, kailangang humanap ka ng paraan na mabayaran ito. Maaaring makatulong ang mas maraming scholarship, isa pang trabaho, o loan.

Ano ang mga opsyon ko kung hindi ko ito kayang bayaran?

Basahin:Mas maganda kung tayo mismo ang tutustos sa ating pag-aaral, bagama’t nangangailangan ito ng kaunting sakripisyo. Kung nakita sa ating kalkulasyon na hindi natin kayang bayaran mismo ang lahat ng bayarin sa ating pag-aaral, kung gayon pumunta tayo sa iba pang mga sources.

Talakayin:Bilang isang grupo, magsalitang basahin ang bawat section sa table na ito. Talakayin nang maikli ang bawat opsyon. Ano ang maaaring pinakamabuti para sa iyo?

FINANCE OPTION

MGA STRENGTH

MGA WEAKNESS

Pumasok sa isa pang trabaho habang nag-aaral

Walang utang o interes. Matututo o mapapahusay ang mga kasanayan. Magkakaroon ng mga kakilala o kontak.

Maaaring mahirapan sa dalawang trabaho at magtagumpay sa klase. Maaaring maging mahirap sa pamilya. Matatagalan bago makatapos.

Mangutang sa pamilya

Mga taong kilala at pinagkakatiwalaan mo. Gusto nilang magtagumpay ka.

Maaaring makaapekto sa samahan ng pamilya. Maaaring maging mahirap kung may emergency sa pamilya.

Maghanap ng scholarships o grants

Walang utang o interes. Makakapag-aral nang husto nang walang iniintinding isa pang trabaho.

Maaaring mahirap hanapin. Pero sulit ang pagsisikap!

Maghanap ng may bayad na apprenticeship o internship

Matututo ng mga skills na may kinalaman sa pinag-aaralan. Magkakaroon ng experience sa trabaho. Maaaring humantong sa pagkakaroon ng trabaho.

Maaaring mahirap pagsabayin ang trabaho, pag-aaral at apprenticeship.

Mag-loan sa bangko o ahensya ng gobyerno

Magkakaroon ng credit sa bangko. May mga government loans na mababa ang interes.

Maaaring mataas ang interes. Utang ito at dapat bayaran.

Mag-loan sa Perpetual Education Fund (PEF)

Maaari sa mga karapat-dapat na miyembro ng Simbahan. Mababang interest rates. May mga performance incentive na makakatulong sa iyo na mabayaran ang loan.

Loan ito at dapat bayaran (para mabigyan ng loan ang iba pa).

Talakayin:Nakahanap ka na ba ng magandang paaralan na sulit ang presyo at kalidad?

Kung iniisip mong mag-loan, mababayaran mo ba ito? Bilang guideline, ang iyong buwanang bayad sa loan kapag nakatapos ka na sa iyong pag-aaral ay hindi dapat mahigit sa 10 porsiyento ng kabuuang buwanang kita na inaasahan mo.

Kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagbabayad ng mga bayarin sa pag-aaral, sino ang makakapagbigay ng mga sagot? Pag-uusapan ba ninyo ito ng iyong pamilya? Saan ka pa makakakuha ng karagdagang impormasyon?

Paano ko ipi-present ang aking Education Finance Plan?

Praktis:Sa susunod na linggo ipi-present mo ang iyong finance plan sa loob ng tatlong minuto o mas mababa pa. Maaari mong gamitin ang script sa ibaba. Hindi mo kailangang magbahagi ng anumang kumpidensyal na impormasyon. Pagkatapos ng presentation mo sa susunod na linggo, pag-aaralan ng grupo ang isang financial option—ang pag-loan sa Perpetual Education Fund.

Sa linggong ito, hanapin ang mga sagot na ito at isulat sa mga patlang. Praktisin ang pagbibigay ng presentation sa iyong pamilya o sa iba.

ANG AKING EDUCATION FINANCE PLAN

  1. Pinagkumpara ko ang (bilang) paaralan sa presyo at kalidad.

  2. Ang tatlong pinakamagandang paaralan para sa akin ay:

    , , .

  3. Sa puntong ito, naniniwala ako na ang ang pinakamagandang paaralan para sa akin dahil .

  4. Kinalkula namin ng pamilya ko ang aking kita at gastusin. Narito ang mga bagay na nalaman ko:

    .

  5. Nagkalkula ako para makita kung kaya kong tustusan ang aking pag-aaral at natuklasan ko na (kaya ko o hindi ko kaya).

    (Kung kaya mong tustusan ang iyong pag-aaral, pumunta na sa numero 9; kung hindi mo kaya, magpatuloy sa numero 6.)

  6. Kailangan kong humanap ng karagdagang (halaga) para sa unang taon ng aking pag-aaral sa pamamagitan ng isa pang trabaho, mga scholarships, tulong ng pamilya, o loan.

  7. Pagkatapos ng unang taon na ito, kailangan ko ng mga (halaga) para sa susunod na mga taon.

  8. Sinimulan ko nang alamin ang iba’t ibang opsyon para matustusan ang aking pag-aaral. Sa ngayon, isinasaalang-alang ko ang .

  9. (Kung gusto mong magbahagi) Ipinagdasal ko ang aking education plan at finance plan at .

  10. Nais kong payuhan at tulungan ninyo ako. May maimumungkahi ba kayo sa akin? Magsulat ng anumang ideya rito.