Mga Resources
Ano ang mga Kailangan para Makapag-loan sa PEF?
-
Makibahagi sa grupong Education for Better Work (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho); kumpletuhin ang PEF loan plan worksheet.
-
Pumili ng trabaho, paaralan, at program mula sa SRS Preferred Lists; ang mga eksepsyon ay maaaring i-request.
-
Pumili ng loan mentor para makatulong sa pag-aaral, trabaho, at mga pangako tungkol sa loan.
-
Pumapasok sa institute (para sa young single adult).
-
Dapat edad 18 pataas.
-
Maging karapat-dapat sa templo at naglilingkod sa tungkulin.
-
Humingi ng endorsement mula sa priesthood leader.
Bumalik sa pahina 61
Paano Ginagamit ang PEF Loan? Paano Gagawin ang Pagbabayad?
Ang mga PEF loan ay maaaring gamitin sa pagbabayad ng:
-
Edukasyon at training na hahantong sa isang magandang trabaho o negosyo sa inyong lugar.
-
Tuition, mga aklat, at ilang suplay (ang tuition ay ibinabayad sa paaralan).
Narito ang mga tuntunin o guidelines sa pagbabayad ng loan:
-
Mayroong partikular na halaga at mga instruksiyon sa pagbabayad para sa bawat bansa.
-
Ang pagbabayad ay kombinasyon ng performance incentive at cash.
-
Ang mga performance incentive ay babawasan ang loan balance gaya ng mga sumusunod:
-
5% bawas sa taunang loan disbursement para sa matataas na grado bawat taon (tingnan ang PEF pamphlet para sa depinisyon ng matataas na grado)
-
10% bawas para sa pagkumpleto ng educational program (naka-graduate)
-
10% bawas para sa mga mithiing natupad (trabaho at level ng kita)
-
Matching incentive na 25% para sa lahat ng pagbabayad ng loan na nasa takdang oras
-
Karagdagang 10% na bawas sa natitirang halaga kung ang loan ay babayaran nang mas maaga
-
-
Buwanang pagbabayad ng loan habang nag-aaral
-
Naibigay ang unang bayad na hinihingi bago mag-umpisa ang klase
-
Maliit na buwanang bayad habang nag-aaral para sa mura at mas maiikling kurso
-
Mas malaking buwanang bayad habang nag-aaral para sa mas mahal at mas mahahabang kurso
-
-
Buwanang pagbabayad ng loan pagkatapos ng anim na buwan matapos makumpleto ang pag-aaral o tumigil sa pag-aaral
-
Ang pagbabayad ay base sa halaga ng loan at haba ng kurso
-
May kasamang maliit na halaga na interes
-
Maaaring bayaran nang buo sa loob ng tatlo o apat na taon na ibabawas ang mga performance incentive
-
-
Bumalik sa pahina 62
Ang PEF Loan Mentor
Sino ang PEF Loan mentor?
Ang PEF loan mentor ay isang adult na tumutulong sa iyo na magtagumpay sa pag-aaral, trabaho, at pagbabayad ng loan. Ang PEF loan mentor ay hindi loan co-signer o guarantor at walang obligasyong pinansyal sa PEF loan.
Paano ako pipili ng aking PEF Loan mentor?
Pakiusapan ang isang responsableng adult na maging PEF Loan mentor mo. Maaari mong piliin ang isang tao na nalalaman ang iyong mga plano, kabilang na ang mga kinausap mo tungkol sa mga trabaho o paaralan. Maaaring siya ay isang miyembro o hindi miyembro ng Simbahan.
Para ma-access ang PEF loan mentor page sa PEF website, kailangan ng PEF loan mentor ang isang LDS account. Kakailanganin mo ang sumusunod na impormasyon mula sa iyong mentor para makumpleto ang iyong online PEF loan application:
-
LDS Account username (opsyonal) (Ang LDS Account ay maaaring gamitin ng lahat.)
-
Telepono (una)
-
Telepono (pangalawa)
-
Email
Ang iyong PEF loan mentor ay kokontakin ng PEF representative para tanggapin ang mga responsibilidad ng isang mentor.
Ano ang kailangang malaman at gawin ng aking PEF loan mentor?
Ang iyong mentor ay:
-
Kailangang malaman na wala siyang pinansyal na responsibilidad para sa iyong PEF loan.
-
Palalakasin ang loob mo at papayuhan ka sa mararanasan mong hirap sa pag-aaral, trabaho, pagbabayad at tutulungan kang matupad ang pangako mong bayaran ang PEF loan.
-
Kailangang tanggapin ang mga tawag sa telepono o electronic messages mula sa mga PEF representative at priesthood leader para pag-usapan ang iyong progreso.
-
Dapat panatilihing kumpidensyal ang impormasyon tungkol sa iyong loan.
-
Sumang-ayon at pumayag na maaaring ma-access, makolekta, at maproseso ng PEF ang impormasyon mula sa mga membership record ng Simbahan para sa mga layuning may kaugnayan sa kanyang tungkulin bilang PEF loan mentor.
Bumalik sa pahina 62
Ang PEF Loan Plan
PEF Loan Plan (karugtong)
Endorsement ng Facilitator
(pangalan) ay nakumpleto ang apat na lesson sa Education for Better Work at handa nang mag-apply para sa PEF loan.
Pangalan ng facilitator
Lagda ng facilitator
Petsa
Endorsement ng Priesthood Leader
Ang form na ito ay makukuha sa inyong stake self-reliance center o online sa srs.lds.org/pef. Dalhin ang iyong PEF loan plan (mga pahina 73–74) sa iyong priesthood leader endorsement interview.
Mahahalagang Doktrina sa Self-Reliance para sa mga Priesthood Leader at Applicants
Pananampalataya kay Jesucristo |
Magtiwala na ang layunin ng Diyos ay maglaan para sa temporal na mga pangangailangan ng Kanyang mga Banal at nasa Kanya ang lahat ng kapangyarihan na magawa ito. |
Pagsunod |
Ang pagpapalang idudulot ng self-reliance ay nakabatay sa pagsunod sa mga batas at ordenansa kung saan ito nakasalalay. |
Dapat Kumilos ang Tao |
Ang self-reliance ay pagtulong sa sarili, hindi pagkakaroon ng maipagmamalaki. Kailangang magtrabaho ka. Kailangang kumilos ka at hindi pinakikilos. |
Pagkakaisa at Paglilingkod |
Ang maralita at mayaman ay dapat magkaisa. Dapat paglingkuran at mahalin ng lahat ang isa’t isa. |
Bumalik sa pahina 62
Pagkonekta sa Online PEF Loan Application
Para maka-apply sa PEF loan, dapat mong kumpletuhin ang online loan application sa srs.lds.org/pef using your LDS Account.
Ang mga PEF loan mentor na may LDS Account ay maaaring ma-access ang kanilang PEF loan mentor page sa PEF website.
Kung nakapagmisyon ka kamakailan, mayroon ka nang LDS account. Kung wala, maaari kang magkaroon ng LDS Account sa ldsaccount.lds.org.
Mga Karaniwang Tanong
-
Ano ang LDS Account?
Ang LDS Account ay sign-in system (username at password) para sa halos lahat ng websites ng Simbahan, kabilang ang ldsjobs.org, family history, online missionary applications, at ward o stake websites.
-
Kailangan bang maging miyembro ako ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw para magamit ang LDS Account?
Hindi, hindi mo kailangang maging miyembro. Bagama’t ang mga miyembro ng Simbahan ay magkakaroon ng access sa karagdagang mga resources na partikular sa kanilang membership (na kailangan para sa PEF loan), sinuman ay libreng magrehistro para sa isang account bilang “kaibigan” (pati na ang hindi miyembro na mga loan mentor).
-
Anong impormasyon ang kakailanganin ko para magkaroon ng LDS Account?
Kung ikaw ay miyembro ng Simbahan, kakailanganin mo ang iyong membership record number, petsa ng kapanganakan, at valid na email address. Makikita mo ang iyong membership record number sa iyong temple recommend o magtanong sa inyong ward o branch clerk. Kung ang loan mentor mo ay hindi miyembro ng Simbahan, kailangang ibigay niya ang kanyang pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, at bansa.
Para maka-access online sa PEF loan application, kailangan natin ng:
-
Mahalagang impormasyon tungkol sa sarili at pamilya
-
May lagdang Priesthood leader endorsement
-
Kumpletong “PEF Loan Plan”
-
Impormasyon tungkol sa Mentor
-
Work plan
-
Education plan
-
Education Finance Plan
-
Endorsement ng Facilitator
-
-
Bumalik sa pahina 62