Mga Naunang Edisyon
Pag-aralan


Pag-aralan

lightbulb-brown

Ano ang mga pagpipilian ko para pag-aralan?

Oras:I-set ang timer nang 30 minuto para sa section na Pag-aralan.

Basahin:May mga ideya na tayo tungkol sa magiging trabaho natin. Sa linggong ito tatalakayin natin ang mga uri ng edukasyon o training na kailangan natin para magkaroon ng mga kasanayan o skills para maging kwalipikado sa trabahong iyan.

Linggo 1

Linggo 2

Linggo 3

Linggo 4

Linggo 5

Linggo 6

Anong klaseng trabaho ang makakatulong sa akin para maging self-reliant?

Anong edukasyon ang makakatulong sa akin na maging kwalipikado sa aking trabaho?

Paano ko tutustusan ang aking pag-aaral?

Dapat ba akong mag-loan sa Perpetual Education Fund?

Paano ako magtatagumpay sa loob ng klase?

Paano ako magtatagumpay sa labas ng klase?

Praktis:Kailangang bigyan ng facilitator ang bawat group member ng kopya ng Self-Reliance Services Preferred Lists kung hindi sila nabigyan noong isang linggo.

Pumili ng dalawang tao na magsusulat sa pisara. Pagkatapos, ang lahat ay kailangang makapagbigay kaagad ng mga pangalan ng mga paaralan at training program sa kanilang lugar sa loob ng dalawang minuto hangga’t maaari. Isipin ang mga sumusunod:

  • Pampubliko at pribadong mga paaralan at unibersidad

  • Vocational at technical training

  • Apprenticeships o company training

  • Preferred programs at mga paaralan mula sa Preferred Schools and Programs List

Basahin:Aling opsyon ang makakatulong sa atin na maging kwalipikado sa ating magiging trabaho? Mahalagang malaman na hindi lahat ng paaralan at training program ay magkakapareho. Nagkakaiba ang mga ito sa haba ng panahon na gugugulin sa pag-aaral, gagastusin, at hirap. Ang ilan ay nakakatulong sa mga graduates na makakuha ng trabaho. Ang ilan ay hindi epektibo o sobrang mahal ang bayad.

Panoorin:“Pagpili ng Paaralan o Training Program” (Walang video? Basahin sa pahina 38.)

Talakayin:Anong mga hakbang ang gagawin mo para mahanap ang tamang training program?

Basahin:Kapag nag-loan tayo sa PEF, kailangang pumili tayo ng paaralan o program mula sa Preferred Schools and Programs List. Ang mga paaralang ito ay nagbibigay ng mga kasanayan o skills para makakuha ng preferred job. Tinutulungan din ng mga ito ang mga graduates na mahanap ang trabahong iyan. Maaari kang humiling ng exception o karagdagan sa listahan sa pamamagitan ng pagkontak sa self-reliance services manager sa inyong lugar.

Basahin:Sa linggong ito, itatanong natin ito at gagawin ito:

Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Anong edukasyon o training ang makakatulong sa akin na maging kwalipikado sa aking trabaho?

GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Suriin at pag-aralan ang mga opsyon para sa edukasyon, alamin ang tungkol sa mga program sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa iba, at maghanda ng education plan.

Paano ako gagawa ng education plan?

Praktis:Sa linggong ito, gagawa tayo ng “education plan” (tingnan sa pahina 33). Ang praktis na ito ay makakatulong sa atin kung paano iyan gawin, nang sunud-sunod!

Hakbang 1. Basahin ang mga halimbawa. Pagkatapos, para mapraktis, isulat ang iyong opsyon sa pag-aaral na pinag-iisipan mo sa ilalim ng “Ang Iyong Halimbawa.” Ilista ang lahat ng tao na makakausap mo tungkol sa opsyong iyan.

ANG AKING EDUCATION PLAN: ANO ANG MGA PAGPIPILIAN KO PARA PAG-ARALAN?

Halimbawa 1

Halimbawa 2

Ang Iyong Halimbawa

Ilista ang mga training program o paaralan na sinusuri mo

Polytechnical Institute

Software Certification Center

SINO ANG MAY ALAM TUNGKOL SA PROGRAM O PAARALAN?

Ilista ang mga tao na makakausap mo para sa bawat training program o paaralan

Si Sister Addo ay nagtatrabaho roon

Mga school advisor, mga teacher

Ang aking kaibigan na si Sophia ay pumasok doon

Mga estudyante

Lalaki sa tindahan ng computer

Si Brother Moldona ay na-certify

Isang tao sa certification center

Hakbang 2. Basahin ang mga tanong at halimbawa sa ibaba. Punan ang mga kahon para sa “Ang Iyong Halimbawa.” Para sa praktis na ito, kailangan mong manghula.

ANO ANG ITATANONG KO?

Halimbawa 1

Halimbawa 2

Ang Iyong Halimbawa

Ilan ang graduate? Ilan ang nakakuha ng magandang trabaho?

80% ang naka-graduate at na-certify

Karamihan sa mga graduate ay nakakuha ng magandang trabaho

Maraming naging manager sa loob ng isang taon

60–65% ang na-certify

Halos lahat ng nakapasa ay nakakuha ng magandang trabaho

Ano ang mga kailangan para matanggap sa program o paaralan?

Tumatanggap sila ng 100 katao kada taon sa welding; kailangang pasado sa basic math test; kailangan ng 2 references

Pasado sa math test

Bayaran ang tuition fee

May magagamit na laptop

Gaano katagal bago ma-certify/maka-graduate?

18 buwan para ma-certify

6 na buwan na apprenticeship (ang paaralan ang nag-aayos nito, walang bayad)

9 na buwan at certification test

Magkano ang gagastusin kada taon? Para sa buong program? Para sa certification?

10000/taon tuition at fees

15000 para sa kabuuang program

8000 (karagdagan) para sa certification at tools

15000/9 na buwan

(15000 para sa kabuuang program)

5000 (karagdagan) para sa proof of certification

May scholarships? Grants? Loans?

Scholarships para sa mga top student para sa huling 6 na buwan; walang grants; may loans pero mataas ang interes

Wala

Ano ang iskedyul? Transportasyon?

3 sesyon (umaga, hapon, gabi)

Malapit sa sakayan ng bus; 45 minutong biyahe para sa akin

Umaga at gabi

Dalawang sakay ng bus, 1 oras papunta at 1 oras pauwi

Hakbang 3. Ngayon, basahin ang mga halimbawa at pagkatapos ay ibuod ang sagot sa “Ang Iyong Halimbawa” sa kahon sa kanan. Tandaan, ito ay praktis lang. Mangangalap tayo ng mas wastong impormasyon sa linggong ito.

ALING TRABAHO ANG MAKAPAGBIBIGAY NG MATAAS NA KITA AT ANGKOP SA AKING KAKAYAHAN AT KASANAYAN?

Halimbawa 1

Halimbawa 2

Ang Iyong Halimbawa

Ano ang natutuhan ko sa mga opsyong ito? Ano ang pinakaangkop sa akin?

Mas mahabang pag-aaral. Medyo malaki ang babayaran. Maganda ang job placement, scholarships, flexible ang oras. Maraming kakilalang employer.

Maikli ang panahon sa pag-aaral. Mababa ang kabuuang bayarin. Mas malaki ang tsansang mabigo. Mahusay ang job placement. Mahirap ang transportasyon.

Basahin:Pagkatapos makakuha ng impormasyon sa linggong ito kailangan nating magpasiya. Maaari tayong magdasal at basahin ang ating patriarchal blessing para makatulong sa atin. Kapag karapat-dapat tayo at tapat, gagabayan tayo ng Espiritu Santo. Nais ng Panginoon na pagpalain tayo. Hingin natin ang tulong Niya!

Paano ko ipi-present ang aking education plan?

Basahin:Para makapaghanda sa susunod na linggo, praktisin natin ang isang education plan presentation.

Praktis:Tumayo at isama ang bagong practice partner. Mag-present ng isang halimbawa ng education plan na parang sa iyo ito (tingnan sa mga pahina 30–31). Kung wala ka ng lahat ng impormasyon, gamitin ang iyong imahinasyon. Gawin sa loob ng tatlong minuto. Pagkatapos sa loob ng dalawang minuto humingi ng feedback mula sa kapartner mo.

Magpalitan ng mga role at hayaang magpraktis sa pag-present ang kapartner mo.

Talakayin:Bumalik sa buong grupo. Talakayin kung paano ka mangangalap ng impormasyon sa linggong ito at paano mo ipi-present ang iyong education plan sa susunod na linggo. Magtanong at magbahagi ng mga ideya.

Basahin:Sa linggong ito, mangalap ng impormasyon at ilagay sa education plan na ito. Kumausap ng maraming tao hanggang kaya mo. Magtanong ng marami at magdagdag pa ng mga tanong sa iyong notes. Kung kailangan mo pa ng isang education plan form, may kopya sa pahina 39.

Paano ako maghahanda para makapag-loan sa PEF?

Paalala: Kung ang paaralan o program ay wala sa SRS Preferred Schools and Programs List at nais mo pa ring mag-apply para sa loan, kontakin ang self-reliance services manager.