Mga Naunang Edisyon
Pag-aralan


Pag-aralan

lightbulb-green

Dapat ba akong mag-loan sa Perpetual Education Fund?

Oras:I-set ang timer nang 30 minuto para sa section na Pag-aralan.

Basahin:Pinag-isipan natin ang mga paraan para matustusan ang ating pag-aaral. Ang isang opsyon ay ang Perpetual Education Fund (PEF) loan.

Linggo 1

Linggo 2

Linggo 3

Linggo 4

Linggo 5

Linggo 6

Anong klaseng trabaho ang makakatulong sa akin para maging self-reliant?

Anong edukasyon ang makakatulong sa akin na maging kwalipikado sa aking trabaho?

Paano ko tutustusan ang aking pag-aaral?

Dapat ba akong mag-loan sa Perpetual Education Fund?

Paano ako magtatagumpay sa loob ng klase?

Paano ako magtatagumpay sa labas ng klase?

Basahin:Sa linggong ito, maghahanap tayo ng mga sagot sa tanong na ito at gagawin natin ang sumusunod:

Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Dapat ba akong mag-loan sa Perpetual Education Fund?

GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Magpapasiya kami ng aking pamilya kung kailangan ko o hindi ng PEF loan. Kung angkop para sa akin ang PEF loan, kukumpletuhin ko ang loan application.

Ano ang Perpetual Education Fund loan?

Panoorin:“Ano ang PEF Loan?” (Walang video? Basahin sa pahina 68.)

Pangulong Gordon B. Hinckley
Talakayin:

Ano ang naisip o nadama mo habang pinapanood ang video?

Praktis:Bumuo ng mga grupo na may tig-dalawa o tatlong katao. Magsalitan sa pagbabasa ng sumusunod na pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley tungkol sa mga nakatanggap ng PEF loans.

Talakayin:Alin sa mga pangako sa itaas ang mahalaga sa iyo? Paano maiiba ang buhay mo at ng iyong pamilya kung matupad ang mga pangakong ito?

Sino ang maaaring mag-loan sa PEF?

Basahin:Dati, ang PEF loan ay para lamang sa mga returned missionary na edad 18 hanggang 30. Ngayon ang mga ito ay maaari na sa lahat ng kwalipikadong miyembro ng Simbahan na edad 18 pataas. Alamin natin ang mga requirement o kailangan dito. (Ang mga eksepsyon sa mga requirement na ito ay maaaring aprubahan ng mga priesthood leader para matugunan ang mga di-karaniwang pangangailangan.)

Praktis:Iharap ang inyong mga upuan sa iba pang miyembro ng grupo. Sabay-sabay na basahin ang mga requirement sa kaliwa sa kahon sa ibaba. Pagkatapos ay gumuhit ng linya sa mga salita sa kaliwa na angkop sa patlang. Isang halimbawa ang makikita.

ANG MGA PARTICIPANT SA PEF LOAN PROGRAM AY KAILANGANG:

Aktibong mga miyembro ng Simbahan na may .

institute

Inindorso ng kanilang mga priesthood leader bilang karapat-dapat, nangangailangan ng tulong-pinansyal, at masigasig sa pagtamo ng kanilang mga mithiin.

18 pataas

Edad .

tungkulin

Nag-aaral sa isang program at school na .

Education for Better Work (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho)

Naghanda sa pamamagitan ng pakikibahagi sa isang group at kinukumpleto ang PEF loan plan.

templo

Naninirahan, nagtatrabaho, at nag-aaral sa mga lugar kung saan .

nasa Preferred Schools and Programs List

Nangangako ng katapatan at pagiging self-reliant sa pamamagitan ng .

mentor

Katuwang ang isang , na tumutulong sa mga participant na magtagumpay sa pag-aaral, trabaho, at pagbabayad ng loan.

aprubado ang PEF loans

Dumadalo sa , kung young single adult.

kumpletong pagbabayad ng loan

Magpunta lamang sa pahina 69 para matulungan na maunawaan ang mga requirement.

Paano nakakatulong ang PEF loan?

Talakayin:Kaagad na basahin ang local PEF pamphlet, na kinapapalooban ng PEF program guidelines para sa inyong area. Ano ang natutuhan mo?

Basahin:Kapag pinagbuti natin ang ginagawa natin, makakatanggap tayo ng bawas sa pagbabayad sa loan natin. Ang kabuuang halaga ng loan na babayaran ay mababawasan kapag tayo ay (1) nakakuha ng mataas na grado, (2) naka-graduate, (3) nakamit ang mithiin natin sa trabaho, at (4) nagbabayad sa takdang oras. Kung gagawin natin ang mga bagay na ito, magkakaroon tayo ng credit para sa mahusay na nagawa natin, at babawasan ang babayaran natin.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa PEF loans, tingnan sa pahina 70. Basahing muli nang mabuti ang impormasyong ito sa bahay. Maaari ka ring magtanong sa self-reliance center.

Talakayin:May mga tanong ka ba na maaaring masagot ng grupo?

Paano ako mag-a-apply?

Basahin:Ang sumusunod ay mga hakbang sa pag-apply para sa PEF loan. Kasama ang partner, pag-aralan ang impormasyong kakailanganin mo para sa bawat hakbang. Ilipat sa pahina na nakalista para sa bawat hakbang at magsalitan sa pagbabasa (pero huwag punan ng impormasyon ang iba pang mga pahina). Pagkatapos ay balikan ang pahinang ito at lagyan ng tsek ang kahon para sa hakbang na iyan.

Talakayin:Nakuha mo na ba ang lahat ng impormasyong kailangan mo para makumpleto ang mga hakbang? Kung hindi pa, paano mo ito makukuha?

Ano ang mangyayari pagkatapos kong mag-apply?

Basahin:Matapos nating makumpleto ang application, heto ang mangyayari.

1Isusumite mo ang application

2Rerepasuhin ng PEF staff at ng mga lider ang application

3Kung naaprubahan ang application, tatanggapin mo ang loan agreement sa PEF website

4Iinterbyuhin ka ng PEF specialist sa telepono at iinterbyuhin ang iyong mentor sa telepono

5Magrerehistro ka sa paaralan at magre-request na bayaran ang paaralan

Talakayin:May mga tanong pa ba kayo? Kung hindi mo alam ang mga sagot, puntahan ang pinakamalapit na self-reliance center.

Pagkatapos ng miting, kung may access sa Internet ang inyong facilitator, maaari niyang buksan ang PEF loan application website at ipakita sa iyo kung paano gamitin ito.

Paano ako magbabayad?

Basahin:Ang PEF loan ay hindi isang regalo at inaasahang babayaran natin ito. Mangangako tayo na babayaran ito. Gagawin natin ang pangakong ito kapag tayo ay ininterbyu para mabigyan ng PEF loan endorsement ng ating priesthood leader at kapag nakumpleto na natin ang application online.

Ang pagbabayad natin ng PEF loan ay maglalaan ng pera upang maka-loan ang iba pa sa PEF sa darating na panahon, pati na ang mga miyembro ng ating stake o district. Kung hindi tayo magbabayad, mangungunti ang pera para sa PEF loans sa darating na mga panahon.

Basahin ang quotation sa kanan.

Talakayin:Bakit mahalagang bayaran ang na-loan sa PEF? Isipin ang mga kadahilanang ito:

  • Matupad ang mga ipinangako at mapag-ibayo ang kakayahang tumupad ng mga tipan.

  • Mabigyan ang iba ng gayon ding pagkakataon na tumanggap ng loan.

  • Matanggap ang ipinangakong mga pagpapala para sa iyong sarili at sa iyong pamilya.

  • Mapalakas ang iyong pananampalataya kay Jesucristo at maging self-reliant.

Basahin:Para makatiyak na alam natin kung paano ang pagbabayad ng loan, dapat nating gawin ang unang pagbabayad ng loan bago makatanggap ng pera ang paaralan natin.

Paalala sa facilitator: Ipamigay ang mga instruksiyon sa pagbabayad para sa inyong bansa.

Magkakasamang repasuhin ang mga instruksiyon sa pagbabayad para sa inyong bansa.

Ano ang kailangang gawin para magtagumpay gamit ang PEF loan?

Panoorin:“Mayroon Akong Dalawang Kamay para Magtrabaho” (Walang video? Basahin sa pahina 78.)

Talakayin:Pumili ng isang salita na naglalarawan ng iyong nadama sa video na ito. Ibahagi ang salita.

Sa nalaman mo ngayon, pipiliin mo bang mag-loan sa PEF? Ano ang magagawa mo sa linggong ito para makapagpasiya nang mabuti tungkol sa opsyon na ito?

Basahin:Kapag nagkakaroon tayo ng progreso, hindi tayo nag-iisa. Tandaan natin: “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa [sa pamamagitan ni Cristo na] nagpapalakas sa akin” (Mga Taga Filipos 4:13).